Kabanata 13

101K 2.4K 206
                                    

Kabanata 13: Sorry

Alexa’s Point Of View

Dahil wala naman akong ibang choice, sinundan ko na siya sa loob ng bahay at naabutan ko siya sa sala. Nakaupo siya sa single couch, magkadikit ang kilay at seryosong-seryoso na nakatingin sa akin. Bahagya akong nakaramdam ng takot dahil sa aura niya. He looks scary.

“Sit down.”

Wala akong nagawa. Parang isang maamong tuta ako na sumunod sa inuutos niya. Umupo ako sa kaharap niyang couch.

Nakayuko lang ako habang nakaupo sa harap niya. Ni hindi ko siya matingnan sa mga mata niya.

“Now, explain.”

Matipid man ang sinabi niyang ‘yon, ngunit sapat na upang makuha ko ang gusto niyang iparating. “N-nagpahatid lang ako kay L-lance,” gusto kong sapakin ang sarili ko sa pagiging utal ko. Bakit ba ako nagkakaganito?

Palihim akong sumulyap sa kanya nang mapansin kong hindi niya ako tinutugon man lang. Kaagad namang nagtama ang mga mata namin dahil doon.

“Are you… dating with Lance?” tanong niya.

I shook my head. “N-no... we’re just f-friends.”

Hindi na siya muling nagsalita pa. Ilang segundo kaming naging tahimik at nananatiling nakatingin lang sa isa’t isa. Pero ang sumunod niyang sinabi ang nagpagulat sa akin.

“Stay away from him.”

“No!” pagtutol ko kaagad sa sinabi niya. Napatayo pa ako mula sa pagkakaupo.

Kaagad namang nagdilim ang pagmumukha niya at tumayo rin. “Stay away from him.”

Naiirita akong tumawa. “Hindi mo ‘ko puwedeng utusan ng ganiyan, Clark! Kaibigan ko si Lance, kaya bakit ko naman siya lalayuan? Tell me!” bakas na bakas sa tono ng pananalita ang pagkairita ko. “Why are you doing this? Please naman, Clark... Ikaw naman ang mag-explain ngayon. Para ‘di na ako maguluhan sa inaasta mo.” Mas mahinahon ko nang sambit sa kanya.

Gulong-gulo na ako. Hindi lang sa kanya, pati na rin sa sarili ko. Magmula nang dito ako magstay sa kanila ay parang ‘di ko na kilala ang sarili ko. Maraming nagbago sa akin, lalo na sa mga nararamdaman ko.

“It kills me seeing you flirting with someone else,” sambit niya na nakapagpatigil sa akin. “So stay away from Lance… please.”

Hindi pa tuluyang naiintindihan ng utak ko ang sinabi niya ngayon-ngayon lang ay naramdaman ko ang paghatak niya sa akin at ang mahigpit niyang pagyakap—yakap na tila ayaw niya akong mawala sa mga bisig niya.

“I’m sorry for everything… I’m sorry, sweetie.”

Natigilan ako at bahagyang umawang ang bibig. Tila may dumaan na anghel sa paligid namin ni Clark. Hindi ako makapaniwalang narinig ko ang mga salitang ‘yon mula sa kanya.

Magmula ng pagkabata ako, noong wala pa akong isip at kamuang-muang sa mundo, ay magkasama na kami ni Clark. Noong magkaroon naman ako ng muang sa mundo ay naalala kong may ipinakitang larawan sa akin sila Mama at Papa, mga larawan namin ni Clark mula ng pagkabata namin. Masasabi kong sobrang lapit namin noon, pero nagbago ‘yon sa ‘di ko malaman na dahilan.

Sa harapan ng aming mga magulang ay magkaibigan kami, matalik na magkabigan. Pero ang pagiging magkaibigan na ‘yon ay isang malaking kasinungaling. Ni minsan, hindi kami naging magkaibigan ni Clark. Ni minsan, hindi niya ako tinuring na kaibigan. Bilang na bilang sa kamay ang pagiging magkasundo namin ni Clark. Oo, palagi kaming magkasama, pero iba ang trato niya sa akin. Palagi niya akong inaaway. Inaasar. Sinasabihan ng kung ano-ano. At sa kabila ng lahat ng pang-aaway at pang-aasar na ginawa niya sa akin noon, ni minsan ay hindi siya humingi ng tawad. Kaya’t ganito na lang ako magreact ngayon dahil sa simpleng paghingi niya ng tawad. Dahil bago lang ito sa akin.

“Please… forgive me, sweetie.”

Hindi na niya kailangang magmakaawa pa para patawarin siya, dahil nang marinig ko ang paghingi niya ng tawad, kusang lumambot ang puso ko. Biglang naglaho ang pagkairita ko sa kanya. Biglang gumaan ang pakiramdam ko.

Mukhang masama na itong nangyayari sa akin. Lumalala na ako. Lumalala na ang nararamdaman ko.

Matapos naming mag-usap ay inihatid niya muna ako sa aking kwarto at pinagpahinga. Kaya ngayon ay parang tanga akong nakatulala sa kisame habang nakahiga sa kama. Patuloy pa rin kasi sa paglalaro sa isipan ko ang mga nangyari kanina, ang nangyaring pag-uusap namin.

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang makarinig ng katok sa pinto ng kwarto ko mula sa labas. Bumaling ang tingin ko roon at sakto namang nagbukas ‘yon saka iniluwa non si Clark na may dalang tray.

Naglakad siya patungo sa akin at inilapag ang dala niyang tray sa bed side table bago ituon ang atensiyon sa akin. “Kain ka.”

Kunot noong bumangon ako mula sa pagkakahiga at naupo rito sa gilid ng kama ko. “T-thank you,” naiilang kong sabi.

Akala ko ay aalis na siya, pero hindi ‘yon ang ginawa niya. Kinuha niya ang plato na nasa tray at naupo sa tabi ko, saka siya naglagay ng pagkain sa kutsara.

“Ah,” sambit niya at itinutok sa bibig ko ang kutsarang hawak niya.

Napatingin ako sa kutsara na naglalaman ng kaunting kanin at ng piraso ng prinitong pork chop. Bahagya akong napangiwi nang makita kong nangingitim ang pork chop, senyales na bahagya itong nasunog.

Bumaba ang tingin ni Clark sa tinitingnan ko, kita ko ang paglungkot ng mukha niya nang makita niyang sa pork chop ako nakatingin. Ibababa na sana niya ang kutsarang hawak niya, pero kaagad ko siyang pinigil.

“Akin na, sakto at nagugutom na ako.” Sambit ko at kaagad nang sinubo ang nilalaman ng kutsara. Palihim akong napangiwi nang malasahan ko ang pait ng pork chop habang nginunguya ko ito.

“Masarap ba?” seryosong tanong niya.

“O-oo.”

“Aish!” asar niyang inilapag sa bed side table ang plato at asar na tumayo sa harapan ko. “Hindi mo na kailangang magkunwari pa, alam kong hindi masarap, alam kong lasang sunog, kaya sige na, idura mo na. Okay lang sa akin.”

Kukunin na niya sana ang tray na nakalapag sa bed side table ko nang mapatigil siya, bigla ko kasing hinawakan ang braso niya nang may mapansin ako. “Anong…” hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang maintindihan ko na kung bakit.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo upang magkapantay kami, kahit na mas malaki siya sa akin ng halos isang dangkal. Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at pinakatitigan ito.

Parang may bumara sa dibdib ko nang makita kong may mga band aid sa daliri ni Clark sa kanang kamay niya, magmula naman sa kamay pataas hanggang siko ay may bakas ng talsik ng mantika. Dahil maputi ang kanyang balat ay kitang-kita ang pamumula non at alam na alam ko kung ano ang itsura ng natalsikan ng mantika dahil napagdaanan ko na ‘yon noon.

“Wala lang ‘yan,” sabay iwas niya ng tingin sa akin.

Pinukol ko siya ng masamang tingin. “Anong wala lang ‘yan? Nakikita mo ba ‘to?” tiningnan niya ang mga kamay niyang hawak ko. “Bakit ba kasi ikaw ang nagluto? Hindi ka naman marunong, e. Nakakuha ka pa tuloy ng ganito!”

Parang bata siyang ngumuso. “Gusto ko lang naman magbigay sayo ng peace offering. Para mapatawad mo na talaga ako.”

Puwede ko bang hilingin na sana ay palagi na lang ganito sa akin si Clark? Pero ayaw ko naman siyang masaktan ng dahil sa akin.

“Okay, okay, I get it.” Sambit ko na lang, saka muli nang umupo sa kinauupuan ko kanina at kinuha ang plato na nasa tray.

“Anong gagawin mo riyan?” naguguluhan niyang tanong.

“Ano pa ba? Malamang, kakainin ko. Niluto mo ‘to para sa akin at kahit nangingitim pa ‘to ay kakainin ko pa rin ’to.” Tugon ko at kaagad nang sumubo ng pagkain.

Wala siyang nagawa kundi ang maupo na lang sa tabi ko at pagmasdan ako sa bawat pagsubo at pagnguya ko. Pinagpatuloy niya ang gawain niyang ‘yon hanggang sa lumipas ang mga minuto ay naubos ko na ang laman ng plato.

“Ang sarap!”

Bumaling naman ang tingin ko kay Clark nang marinig ko siyang tumawa. “Kaya pala ang bigat mo, ang takaw-takaw mo pala kasi.” Sambit niya, saka nagpatuloy sa pagtawa.

Imbes na maasar sa sinabi niya, natawa na lang din ako. “Sino ba kasing nagsabi sayong buhatin mo ‘ko? Tapos ngayon, parang ako pa ang sinisisi mo?”

“Ikaw naman talaga ang dapat sisihin. Ikaw ang matakaw, e.”

“Hoy! Bakit? Matakaw ka rin naman, ha? Noong nagluto nga ako, sarap na sarap ka sa kinain mo ‘di ba?”

“Okay lang, may abs pa rin naman ako.”

“Abs ka riyan! Tabs ‘yan!”

Pareho kaming natawa sa asaran namin. Kung puwede lang ihinto ang oras ngayon, sana ay ipinahinto ko na ito. Mas gusto kong ganito kami ni Clark, nagkakaasaran pero hindi nagkakasamaan ng loob. Hindi tulad noon.

“Magpahinga ka na nga lang diyan,” sambit niya at umalis na sa tabi ko, saka niya kinuha ang tray at ang pinagkainan ko na nakapatong sa bed side table.

“Clark,” sumulyap siya sa akin, ako naman ay matamis na ngumiti. “Thank you.” Thank you sa pag-effort na ipagluto ako, kahit na ganoon ang kinahitnan mo. Kahit na nagkaroon ka ng maraming sugat at talsik ng mantika.

Nagkaroon ng ngiti ang labi niya o mas dapat kong sabihin ay ngisi?

“Hindi ako tumatanggap ng thank you,” at sa isang iglap ay sobrang lapit na niya sa akin. Nakatayo na siya sa harapan ko habang hawak pa rin ang tray at bahagyang nakayuko upang magkapantay ang pagmumukha namin.

Akmang lalayo ako sa kanya nang magsalita siya na ikinatigil ko.

“Don’t move, sweetie. Just stay.”

Magtatanong pa sana ako kung bakit, kung ano ang gagawin niya. Pero lahat ng tanong ko ay parang nalunok ko nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa mismong labi ko.

Napatitig na lang ako sa nakapikit niyang mga mata habang nanlalaki ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko at isa lang ang masasabi ko, parang mawawalan na ako ng puso sa pagkakataong ito.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko, basta ay namalayan ko na lang na nakapikit na ang mga mata ko at dinadama ang labi ni Clark na nananatili pa rin sa labi ko.

I let him to kiss me again, I don’t even push him away from me. What’s happening to me? Nangyari na ba ang kinatatakutan ko?

Napadilat ako nang maramdaman kong lumayo na ang labi niya sa labi ko, pero nananatiling magkalapit pa rin ang pagmumukha namin.

“You’re welcome, sweetie.”

   

I'm His Property [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon