Chapter 4

1.1K 14 3
                                    

Kath’s POV

Nagising ako sa mabigat na bagay na nakadantay sa may bewang ko. Marahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko ang sky blue na kulay ng dingding. Napakunoot ang noo ko at nagtaka dahil wala namang kulay ang loob ng kwarto ko sa bahay. Babangon sana ako ng makita ko ang kamay na nakayakap sa’kin. Agad akong napalingon at nakita ko ang maamong mukha ni Kurt na natutulog sa tabi ko.

‘Oo nga pala, nandito ako sa Manila.’

Marahan kong hinawakan ang braso niya at inalis ang pagkakayakap sa’kin. Tinitigan ko pa ang gwapong mukha niya napako naman ang mata ko sa labi niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko ng maalala ang halikan namin kanina. Tumingin ako sa relong pambisig ko at nakita kong alas tres na ng hapon. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay nakita kong tulog sa sofa si Raymond at Hannah, sa single seater naman ay pinagksya ni CJ ang sarili niya. Siguro ay nasa kanya-kanyang kwarto rin si Joanne at France gayundin si Aries at Kristine.

Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng pwedeng iluto para sa meryenda namin. Tamang-tama naman na kumpleto ang pang carbonara, kaya naman inumpisahan ko ng gawin. Marunong akong magluto, si Kurt ay gustong-gusto ang luto ko, kaya naman kapag umuuwi siya sa Bataan palagi rin siyang nasa bahay o ako sa kanila at ipinagluluto siya. Ganon lang kami kapag magkasama, movie marathon, food trip, nood ng sine minsan naman road trip lalo na kapag kumpleto kami.

Sa aming magkakaibigan kami ni CJ ang talagang pangkusina, silang lahat, taga kain. Kami nila Kurt, France, Eduard, Hiro, Aries at Kristine ay magkakaibigan na since elementary pa lang. Iisa lang kami ng section simula grade three hanggang grade six, nung nag high school naman kami ay iisang school pa rin kami pumasok, doon na namin naging kaibigan at napasama sa barkada sina Hannah, Joanne, CJ, Raymond at April. Noong mga panahon na rin kasi na yon ay nililigawan na ni France si Joanne na barkada naman si Hannah at April. At nung ipinakilala na ni Joanne sa’min si April, iyon na love at first sight si Hiro, niligawan na rin. Si Raymond naman ay naging kateam nila Kurt sa basketball kaya naman napasama na rin sa’min. Si CJ ay nakabanda naman ni Hiro. Kaya naman kaming dating pito lang ay nadagdagan ng lima pagkatapos ng highschool.

Nagkasundo ang mga lalaki na sa iisang school lang sila papasok, inalok rin kasi sila ni Kurt noon na sumama sa pad niya. Si France at Aries ang kasama niya dito sa pad, samantalang si CJ at Raymond at Hiro naman ay sa condo ni Raymond. Sina Joanne, Kristine at Hannah ay iisa lang din ng dorm na tinutuluyan at parehas ng mga boys, sa UE rin sila nag-aaral. Tanging kami lang ni April ang nanatili sa Bataan at doon nagkolehiyo. Masyado kasing strict ang parents ni April kaya hindi siya pinayagan na mag-aral sa Manila. Ako naman, wala talagang pam-paaral, nag-apply lang ako ng scholarship sa Letran de Bataan kaya ako nakapasok don ng libre. Halos pag-awayan namin ni Kurt noon ang tungkol sa pagkokolehiyo ko, pano ba naman kasi, gusto niya kong sumama sa kanya at siya na raw ang bahala sa lahat. Oh diba baliw lang!

Naging mahirap noong unang mga buwan na malayo kami sa isa’t-isa ni Kurt. Halos may pagkakataon na gusto niya ng umuwi ng Bataan at doon na lang mag-aral. Syempre hindi ako pumayag, ayaw kong makasira sa mga plano ng magulang niya sa kanya.Mabait si Tita Andrea at Tito Keith, parents ni Kurt, tanggap nila ako eversince, kahit sila man noon ay pinipilit na sumama na ako kay Kurt at dito mag-aral. May time pa na kinausap nila si Mama tungkol doon at syempre ang magaling kong nanay halos ipamigay ako. Kinausap ko lang sila na ako pa rin ang magdedesisyon, pinaintindi ko na kelangan may mapatunayan mo na ko sa sarili ko bago ako umasa kay Kurt na umaasa lang pa lang din sa kanila. Gusto kong mag grow kami sa sarili naming paraan ganun din naman ang relasyon namin. Ayaw kong husgahan ng ibang tao ang pakikipagrelasyon ko kay Kurt dahil sa mayaman sila at kilala sa buong Bataan. Naintidihan naman nila iyon at hinayaan na lang ang desisyon ko.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon