Chapter 12

941 10 0
                                    

Eduard’s POV

“Best, alam mo naman kung ga’no ko siya kamahal diba? Nakita mo yung mga pinagdaanan namin diba? Mahal na mahal ko siya best, alam mo yung pakiramdam na, hindi mo na kayang mawala siya sa buhay ko. Yung tipong, kasama na siya sa lahat ng plano at pangarap ko sa buhay.”

‘Alam ko Kath, alam na alam ko…’

Nakatingin sa kawalan si Kath, habang sinasabi niya ‘yan, habang ako naman ay nakatingin magandang mukha niya. Diretsong sakit ang naramdaman ko ng marinig ko sa kanya kung gano niya kamahal si Kurt. Kagabi ay iniisip ko kung sasabihin ko ba lahat kay Kath ang alam ko. Desidido na ko kagabi, pero ngayong kaharap ko siya, naduduwag na naman ako.

Hindi ko alam kung bakit siya ang agad na pumasok sa isip ko kaninang nagising ako, kaya naman agad akong nag drive pauwi ng Bataan at dumiretso dito sa bahay nila. Nagtatakang tingin ang ibinigay sa’kin ni Kara ng pagbuksan niya ko ng pinto kanina.

“Alam mo best, minsan naiisip ko ayokong maging sobrang masaya…” napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi pa rin siya nakatingin sa’kin kaya naman malaya kong natititigan ang maganda niyang mukha. “… natatakot akong baka pag-gising ko sobrang sakit naman ang maranasan ko… ang duwag ko diba? O selfish? Natatakot ako na may kapalit ang lahat ng sayang nararamdaman ko ngayon. At natatakot akong baka si Kurt ang kapalit ng lahat ng ‘to. Hindi ko na kasi kaya best na mawala sakin si Kurt.”

“Tss. Ang morbid mo. Nagpapakanega ka na naman.” sabi ko sa kanya, naguilty akong bigla sa sinabi niya at parang nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niya. Kinuha ko ang soda sa lamesa at uminom baka sakaling mapawi ng lamig ang sakit na nararamdaman ko.

“Hahahaha. Ewan ko ba best, pakasal na kaya kami para mabawasan ang pagkaduwag ko?” agad kong naibuga ang soda na iniinom ko dahil sa sinabi niya!

“*cough**cough* *cough*… ano bang s-sinasabi mo?!” inis na tanong ko sa kanya.

“Hahahahaha! Bakit naman nagkandasamid ka na dyan! Ikaw kamo ang o.a. mo kahit kelan. Teka nga at ikukuha kita ng tubig. Takaw kasi eh! Hahahahaha!”

‘Damn! Kath No way!’

Inis na pinunasan ko ang damit kong natalsikan ng soda na naibuga ko kanina. Lalong tumitindi ang kirot na nararamdaman ko sa puso ko dahil sa sinabi niya.

‘Tss! Saksakin mo na lang kaya ako Kath!’

Nakangising inabot niya sa’kin ang tubig na kinuha niya sa loob. Agad ko namang kinuha iyon at ininom. Nakatingin siya sa’kin at nakaramdam naman ako ng pagka-ilang.

“Alam mo best, may kakaiba sa’yo.” diretsang sabi niya sa’kin, napaiwas naman ako ng tingin dahil naiilang talaga ako.

‘Eto na ba ang pagkakataong hinihintay ko?’

“A-ano naman ‘yon?”

“Umamin ka nga.” tanong niya ulit habang dahan-dahan pang lumalapit sakin!

‘Shit! Ganon na ba ko kahalata?!’

“A-ano ba K-kath!” natatarantang lumayo ako sa kanya.

“Hahahahaha! Ang kulit mo talaga best!” malakas na tawa niya.

“Tss.”

Pinagtitripan niya lang pala ako. Handa naman akong umamin eh, ang hindi ko pa napaghahandaan ay ang reaksyon niya.

“Epic yung reaksyon mo best! Hahahaha!” tawa niya pa, di ko naman napigilan at nahawa na rin ako sa tawa niya.

“Umiral na naman yang pagka sira ulo mo. Bakit nga ba kasi hindi ka na nakanood ng game namin?” tanong ko sa kanya gusto ko sanang idugtong na ‘para maganda at inspired ang laro ko kung nadon siya’ pero sa isip ko na lang idinugtong iyon.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon