Chapter 24

890 9 0
                                    

Kurt’s POV

Hindi ko inakala na may nakahandang regalo rin pala sa’kin si Kath. Walang pagsidlan ang sayang nadarama ko dahil pareho pa kami ng regalo sa isa’t-isa.

“We’re really meant to be, don’t you think?” masuyong sabi ko kay Kath, nakaupo na kami sa lamesa. Nakahilig lang siya sa balikat ko habang ako naman ay naka-akbay sa kanya. Ang mga kaibigan namin ay nandoon na sa gitna at nagwawala na!

Tumingin siya sa’kin, napangiti siya sa sinabi ko. “And why is that?”

“Kasi pareho tayo ng naisip na regalo. Unconsciously, parang nag-uusap ang mga puso natin.” okay, ako na ang korni, pero iyon talaga ang gusto kong sabihin sa kanya. Basta pagdating kay Kath lumalabas talaga ng pagiging korni ko.

Napatawa naman siya ng mahina saka humarap sa’kin. Pinisil niya pa ang ilong ko, napangiwi naman ako sa ginawa niya.

“Ikaw na ang korni babe. Hahaha.” nakangiting sabi niya. Ang ganda ng ngiti ng babe ko, napatingin ako sa labi niya at gusto ko siyang halikan. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ‘yon.

“Bakit mo nga pala naisip na mag “propose” sa’kin?” tukso ko sa kanya.

“G-gusto ko lang!” nakita kong namula ang mukha niya pagkasabi niya non.

“Hindi mo na ba mapigil babe? Hahahaha. Gusto mo na kong matali sa’yo noh?” panunukso ko pa sa kanya.

“H-hindi ah!” mabilis na tanggi niya! Tinanggi talaga?! Di na lang sumakay. Asar!

“Tss. Napilitan ka lang pala.” inis na sabi ko.

“B-babe hindi ah! Totoo yung pag y-yes ko sayo  noh!” depensa niya sa’kin. Pero hindi pa rin maalis nun ang konting inis na nararamdaman ko.

“Yung totoo babe, nabigla ba kita? Napa oo ka lang ba kasi ayaw mo kong mapahiya?” seryosong tanong ko sa kanya.

“Hindi nga! A-ano ka ba?!” nanlalaki ang matang sabi niya sa’kin.

“Tss.” nakasimangot akong nilaro-laro ang pagkain sa mesa namin.

“Oy ano ‘yan ha! Kaka engage niyo pa lang L.Q. agad?!” sita sa’min nila France. Di ko namalayan na nakalapit na pala sila sa’min. Tahimik lang ako, ganun din si Kath, pero ramdam kong panay ang tingin niya sa’kin at alam kong naiilang na siya.

‘Di man lang kasi ako pagbigyan na iparamdam sa’kin na patay na patay siya sa ‘kin. Kahit ang totoo ay ako ang nagkakandarapa sa kanya.’

“Aish! Oy magbati na nga kayong dalawa. Para kayong sirang dalawa ah! Ang hirap hirap ng ginawa namin tapos hindi pa natatapos tong gabi na ‘to, magkaaway na kayo!” sigaw sa’min ni Joanne.

Tinulak-tulak pa ko ni France palapit kay Kath at ganun din naman si Joanne. Hindi naman kailangan ng malakas na tulak dahil magkatabi naman kaming dalawa. Mas nagkadikit lang kami ngayon dahil siniksik kami nila France at Joanne sa magkabilang dulo.

Natawa naman ako sa itsura nila dahil pinalibutan talaga nila kami. Paikot yung lamesa naming kaya para kaming maglalaro ng truth or dare sa pesto namin, simula sa sa kaliwa ko, si France, Raymond, Hannah, Aries, Kristine, Hiro, April, CJ at Joanne.

Nakita kong natawa rin si Kath sa itsura nila dahil palipat-lipat ang tingin nila sa’min.

“Para kayong mga baliw! Hahahahaha!” sabi ni Kath na sinabayan niya ng tawa. Lihim ko namang hinawakan ang kamay niya sa tabi ko at mahigpit na hinawakan iyon.

Napatingin siya sa’kin at nakangiting napayuko. Pinagsalikop ko naman ang kamay namin, habang nilalaro ng mga daliri ko ang daliri niya. Nakatingin pa rin sila sa’min at nakikiramdam. Mukha silang mga tanga sa totoo lang.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon