Chapter 11

921 8 0
                                    

Kath’s POV

*kriiiiinnngggg….*

*kriiiiinnngggg….*

*kriiiiinnngggg….*

Pikit pa ang matang kong kinapa ko ang nagwawala kong telepono sa gilid ng unan ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawaga at agad ko ng sinagot ito.

“Hello?” medyo paos pang sabi ko habang nakapikit pa rin, napuyat ako kagabi dahil nanood ako ng laro nila Kurt sa tv, nanalo sila, kaya naman magdamag din kaming nagskype, di siya sumama sa victory party nila kahit na ang gusto ko ay sumama siya.

“Tss. Tulog ka pa rin?”

“Best, ang aga pa kaya.” natatamad na sabi ko sa kanya saka dumapa pa ko sa kama. Antok na antok pa talaga ako.

“Alas diyes na kaya best. Eh hanggang anong oras pala kita iintayin dito sa sala niyo?” inis ng tanong niya. Napamulat naman ako at napaupo sa kama ko pagkasabi niya non.

“Weh?”

“Kanina pa nga ako hinaharass ni tita eh. Tss! Ba’t daw di ko kasama si Kurt. Kaya lumabas ka na dyan pwede ba?”

“Hahaha! Pagbigyan mo na si Mama, minsan ka lang makulit niyan eh. Hahaha!” pang-aasar ko pa sa kanya. Close rin naman sila ni Mama pero si Kurt kasi panay ang pagsabi kay Mama na wag palapitin sa kin si Eduard. Nagkasundo pa silang dalawa, parehong baliw. Nag-inat pa ko, bago tumayo.

“Lumabas ka na, best. Inubos na ni Tita yung pasalubong ko sa’yo.”

“Hahahahaha! Ang hard mo kay Mama!” natawa na talaga ako kasi na-imagine ko yung itsura niya habang sinasabi niya ‘yan. Madalas pa naman siyang asarin ni Mama at si Eduard naman, madalas mapikon kay Mama. Pinatay ko na ang cp ko saka inayos ang hinigan ko bago ako lumabas ng kwarto. Nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Eduard at napangisi na naman ako. Samantalang si Mama naman ay sige ang kain sa dala ni Eduard. Nagdrive thru siguro ‘to bago pumunta sa’min.

Dumiretso na ko sa banyo at saka ginawa ang aking morning rituals. Paglabas ko ay naabutan kong nandun si ate Kara, kakarating lang galing palengke.

“Dito ba kakain si Eduard?” tanong niya sa’kin.

“Siguro, di ko pa naharap eh.” sabi ko naman at saka lumapit sa kanya para tulungan siya.

“Dun ka na sa labas, kumain ka muna at harapin mo muna si Eduard at mukhang malapit ng mapatulan si Mama.” nakangising sabi niya.

“Hahahahaha! Hindi yan! Ako na dyan ate, matulog ka muna, may pasok ka pa maya eh.” pilit ko sa kanya.

“Kaya ko na ‘to Kath. Lumabas ka na dun at kumain. Saglit lang naman ‘to eh. Sige na.” pagtataboy niya sa’kin.

“Sure ka ate?” paninigurado ko pa. “Sorry late na ko nagising ha.”

“Okay lang. Sige na at kanina pang alas otso nag-iintay yang si Eduard.” nagulat ako sa sinabi ni Ate Kara. “Alam ba ni Kurt na nandito si Eduard?” nahinto ang pag-alis ko na sana sa tanong ni ate.

“Hindi ko alam. Hindi ko natanong sa kanya kagabi kasi wala rin naman akong ideya na pupunta siya. Saka wala namang nabanggit si Kurt, bakit ate?”

“Sabihin mo.”

“Bakit naman ate?” takang tanong ko.

“Para alam niya. Kath, alam mo naman pinagseselosan ni Kurt si Eduard diba? Bakit kasi pumupunta pa siyang mag-isa rito.” lalo akong nagtaka sa sinabi ni ate.

“Ate, kaibigan ko si Eduard, bestfriend ko nga yung tao diba. Ano namang masama kung pumunta siya dito. Saka alam naman ni Kurt, na magkaibigan kami ni Eduard, hindi magseselos ‘yon. Bakit kasi hindi kayo makamove-one sa panliligaw sa’kin nung tao? Elementary pa lang kami nun at bata pa. si Eduard nga wala na sa kanya ‘yon tapos kayo naman hindi makalimutan ‘yon.” natatawa kong sabi sa kanya.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon