Chapter 26

868 9 0
                                    

Kath’s POV

Maaga akong bumangon kahit na antok na antok pa ko. Gusto kong makabawi sa fiancée ko.

‘Fiancee ko…’

Ang sarap bigkasin. Napangiti na naman ako ng maalala ang ginawa ni Kurt kagabi. Sinilip ko siya bago pumunta ng banyo, tulog pa rin siya, nilapitan ko siya saka ginawaran ng magaan na halik sa labi.

“Good morning babe ko…” mahinang sabi ko sa kanya.

Dumiretso na ko ng banyo saka ginawa ang morning rituals ko. Naligo na rin ako at nag-ayos, pagtapos non ay inayos ko pa ang kumot ni Kurt at saka bumaba na. Tulog pa rin si Eduard ng madaanan ko siya sa sofa sa sala. Inayos ko rin ang kumot niyang nakababa na sa sahig saka ako pumunta ng kusina.

Tiningnan ko kung ano ang pwedeng lutuin para sa almusal. Nakita kong hotdog, ham at bacon lang ang meron sa ref niya. Nagsalang na ko ng kanin at saka nilabas ang hotdog, ham at bacon para matanggal ang yelo nito. Siguradong mga gutom ang mga iyon pagkagising dahil hindi na namin nagawang kumain ulit kagabi.

Bumalik na naman sa isip ko ang pagseselos ni Kurt kay Eduard. Medyo naiintindihan ko naman siya eh, ayaw ko lang tanggapin o hindi ko lang matanggap na si Eduard ang pinagseselosan niya.

‘Psh! Si Eduard pa talaga?!’

Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala, wala naman kasi akong nakikitang dahilan para maisip nila iyon. At pati ang mga kaibigan namin ganun daw ang nakikita, eh ganun naman talaga kami ni Eduard pero wala naman akong maramdaman na iba ang tingin niya sa’kin. Eh diba nga sabi nila mararamdaman mo naman yun kapag may ibang pagtingin sa’yo ang isang tao.

‘Mga malisyoso lang siguro sila.’

‘Pero ayaw mo namang maging problema niyo iyon in Kurt di ba?’

‘Eh ano pala layuan ko yung kaibigan ko dahil lang sa makitid ang utak nila?’

‘Psh! Sinong bang mas mahalaga? Kaibigan mo o  fiancée mo?’

Okay ako na baliw, tama bang makipagtalo sa sarili ko. Napailing na lang ako at saka inumpisahan ng prituhin ang hotdog. Narinig kong may kumaluskos sa likuran dahilan para mapalingon ako. Napangiti ako ng makita ko si Eduard. Nakatitig lang siya sa’kin pero maya-maya lang ay lumapit na sa’kin at saka ako niyakap ng mahigpit.

‘Lah anong problema nito?’

Pagtingin ko sa may bungad ng kusina ay nakatayo ron si Kurt na masama na naman ang tingin sa ‘min. Salubong na salubong na naman ang kilay niya kaya naman napangiwi ako. Marahan kong itinulak si Eduard pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya…

Hinalikan niya ko!

Halos dampi lang iyon sa labi ko pero daig ko pa ang pinasabugan ng bomba sa mukha ko. Hindi ko na namalayan kung anong nangyari, nakita ko na lang na bigla siyang hinatak ni Kurt at malademonyong sinapak siya nito. Agad naman akong nahimasmasan at saka ako napasigaw.

“Kurt! Kurt! Tama na!” sigaw ko sa kanya.

“Tangina mo! Sabi ko na eh bantay salakay ka talaga!” sigaw niya naman kay Eduard habang hawak ito sa kwelyo nang damit nito at sasapakin na naman.

“France! Aries! Tulungan niyo ko!” histerikal na sigaw ko na! Hindi ko alam paano aawatin si Kurt dahil talagang galit na galit siya. Agad namang nagdatingan sila France, Aries at iba pa naming kaibigan.

Hinawakan agad ni France si Kurt, tinulungan  pa siya ni Aries dahil hindi niya ito makaya sa lakas ng pagpiglas nito. Si Raymond naman ay tinayo si Eduard na putok na ang labi. Hindi siya nagtangkang gumanti ng sapak kay Kurt. Ang mga babae naman ay shocked at halata ang pagtataka. At ako, nanginginig ang buong kalamnan ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, halo-halo iyon sa pagkatao ko.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon