Chapter 6

1K 15 0
                                    

Kurt’s POV

Pagkatapos ng pagpapakalma sa’kin nila France ay pinuntahan ko si Kath sa kwarto. Huminga pa muna ako ng malalim bago kumatok at buksan ang pinto non. Napatayo si Joanne at Hannah sa pagkakahiga ng makita ako. Napatingin naman sa’kin si Kristine, samantalang si Kath ay hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Diretso lang siyang nakatingin sa tv at simangot na simangot. Tumingin ako dun at di ko mapigilan ang matawa ng makita kong cartoons ang pinapanood nila pero nakasimangot siya! Idinaan ko na lang sa pag-ubo kunwari ang tawa ko dahil sinamaan ako ng tingin ni Joanne.

“Tara Hannah ligpit tayo sa kusina, bru dun mu---…”

“Dito lang kayo.” putol ni Kath sa sasabihin ni Joanne. Tutok pa rin ang tingin niya sa tv tinanguan ko na lang si Joanne at bumalik na lang ito sa paanan ng kama katabi si Hannah.

Marahan akong lumakad at umupo sa tabi niya. Hindi naman siya nagreact o nagreklamo, diretso pa rin ang tingin niya sa tv.

“Ahm, b-babe?” nag-aalangang panimula ko, wala pa rin siyang tinag. “Hindi ka pa kumakain diba?” sabi ko uli, wala pa rin. Ganyan talaga siya magalit, wala kang maririnig at wala ka ring mararamdaman dahil hinding hindi ka talaga niya papansin hangga’t hindi siya makakuha ng tamang dahilan para kausapin ka na. Diretso pa rin ang tingin niya sa tv, ramdam kong pinapakiramdaman kami nila Joanne at alam ko ring gusto na nila kaming iwan para makapag-usap.

Humarap ako sa kanya para matakpan ko ang tingin niya sa tv at sa’kin siya makatingin. Tinaasan niya pa ko ng kilay at mas matalas ang irap niya sa’kin. Hinawakan ko ang kamay niya na agad niya namang ipiniksi. Hiniwakan ko ulit iyon kahit pinipiglas niya at pinadilatan ko pa siya ng mata. Lalo nagsalubong ang kilay niya salubong na. Hindi ako nagparamdam na kinakabahan ako sag alit niya at pinakita kong determinadong akong magka-ayos kami.

“Babe o.a. na ha…” narinig ko ang malakas na pagpalatak niya sa sinabi kong iyon. “Okay, I’m sorry… napikon lang talaga ako kay Eduard. Narinig mo naman yung mga sinabi niya diba? Hindi ko gusto yung mga sinabi niya.” sabi ko habang mahigpit pa ring hawak ang dalawang kamay niya. Nilagay ko pa iyon sa pisngi ko at nagulat ako ng biglang itulak niya yon sa mukha ko!

“Aray naman babe!” may pagkabrutal talaga siya minsan!

“Wala namang dapat ikapikon sa pinag-uusapan natin kanina diba!” malakas na sigaw niya sa’kin. Ramdam kong nilingon kami nila Joanne dahil gumalaw ang kama ng tumayo sila ng sumigaw si Kath.

Inis niya pang hinilamos ang mukha niya gamit ang kamay niya bago nagsalita. “Nagku-kwentuhan lang tayo diba?! Ano bang problema nyo?! Nararamdaman ko na may problema kayong dalawa at hindi nyo lang sinasabi sa’min! Hindi naman kayo ganyan diba?! Langya naman! Ine-expect ko noon na ganyan ang magiging sitwasyon nyong dalawa ‘noong’ sinagot kita ‘eight years’ ago! Pero yung ganyang drama nyo ngayon?! Ano yan ha?!” dire-diretsong sabi niya. Hindi ako makakibo dahil alam kong tama siya. Sa tagal na namin hindi pa nangyari na nagkabangga kami ni Eduard kahit na ako ang sinagot niya eh maayos na tinanggap iyon ni Eduard at hindi man lang nadamay ang pagkakaibigan namin.

“Sabihin mo nga Kurt Arwyn, anong problema nyong dalawa?” seryosong sabi niya sa’kin. Nakatingin siya ng diretso sa mata ko at pinilit kong labanan iyon upang hindi siya makahalata.

“Wala nga. Napikon lang talaga ako.”

‘Great Kurt! Just great! Ikaw na ang dakilang sinungaling!’

Pilit niya pa rin akong binabasa gamit ang matatalim niyang mata, na pilit ko naman ring nilalabanan kahit mahirap. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko ‘yon para mawala ang atensyon niya mata ko. Kelangan kong gawin iyon dahil baka maramdaman niya na nagsisinungaling ako.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon