Chapter 22

844 8 0
                                    

Kurt’s POV             

Nagising ang diwa ko sa tawag sa’kin ni Kath, matapos ang nakakapagod na game ay tanging boses lang niya ang nakapagpawala ng pagod at sakit ng katawan ko. Mas lumambing talaga siya ngayon at parang araw-araw ay nadadagdagan ang sweet meter ni Kath sa katawan. Syempre gustong-gusto ko naman iyon.

Medyo nag-alangan lang ako ngayong sabihin sa kanya ang tungkol sa bakasyon ko. Hindi ko pa kasi alam kung paano sasabihin sa kanya na hindi ako sa Bataan mag spend na bakasyon. Napahinga ako ng malalim ng marinig ko ulit ang boses niya.

“I’m still here. Ahm babe, may sasabihin ako sa ‘yo.” sabi ko

“Ano ‘yun?”

“Remember Lolo and Lola?” two years ago ay naipakilala ko na si Kath kina Lolo at Lola, madali nilang nakasundo si Kath kahit may pagstrikto si Lolo, ay nagawa niya makuha ang loob nito.

“Yeah. Why? Okay lang ba sila?” sunod-sunod na tanong niya, halatang naiinip. Ayaw kasi ni Kath ng pinag-iintay eh.

“They’re fine. G-gusto kasi nila na d-dun ako magspend ng vacation. Matagal na rin kasi nila akong hindi nakikita.” hindi sumagot si Kath, “babe… kung ayaw mo---…”

“Ilang araw?” putol niya sa sasabihin ko.

“A month.” matipid kong sabi, alam kong ayaw niya, pero alam ko rin na hindi niya ko pipigilan. Kahit naman gusto kong pigilan niya ako ay hindi pwede dahil siguradong ma di disappoint sa’min sila Mommy.

“Okay. Kelan naman?” halatang malungkot siya base sa boses niya.

“Babe, alam kong ayaw mo. Kaso nagagalit na rin sa’kin sila Lola at Lolo,ngayon lang ‘to babe, promise, okay.” pang-aalo ko sa kanya.

“Kelan nga?”

“After the games.”

“That early?! P-paano yung anniversary natin?”

“Syempre ise celebrate pa rin natin iyon, hindi naman ako papayag na hindi. I’ll talk to Mom about it, and she said it’s okay. Mabuti nga at sumakto na yung last game namin, will be the day before our anniversary kaya walang hassle.” sabi ko, pilit kong ipinapagaan ang loob niya dahil alam kong nalulungkot siya.

“Psh! Sure ka ba na last game niyo na yun?!” asar niya sa’kin.

“Aba?! Wala bang tiwala sa’kin ang girlfriend ko? Tss. Just watch and learn babe.” maangas na sabi ko naman.

“Yabang!” narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya, nakampante naman ako na okay na siya sa kabila nung ibinalita ko sa kanya.

“Babe, di na naming papakawalan ‘yun. I’ll make sure na tapos na ‘yun so that I can still spend some time with you.” malambing kong sabi sa kanya. “I love you babe…”

“I love you too babe… tulog na tayo babe, sigurado maaga na naman ang practice nyo bukas. Sleep tight babe… dream of me okay…”

“Of course I will… I love you..sweet dreams babe…” sabi ko saka pinatay ang phone ko. Nawala ang lahat ng antok at pagod ko  pagkatapos ko siyang makausap.

Naalala kong malapit na ang anniversary namin, three days from now. Sakto pang pagkatapos nga ng last game namin. Oo, inaangkin ko na talaga na last game na iyon dahil talagang ibubuhos ko na ang lahat ng effort ko para makuha namin ang championship.

Lumabas ako ng kwarto at kinatok ang kwarto ni France. Kinalabog ko pa yun ng mainip ako sa pag-iintay na buksan niya. Napasungaw tuloy sa pinto si Aries at kunot noong tiningnan ako. Nagkibit balikat lang ako at nginisihan lang siya saka ko kinalabog ulit ang pinto ni France.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon