Chapter 13

928 9 0
                                    

Kurt’s POV

Malakas na hiyawan ang nagpagising sa’kin, inalog-alog pa ko ni France na agad ko namang tiningnan ng masama. Maaga sana kaming bibiyahe kanina, kaso tinanghali na ko ng gising kaya naman inabot na kami ng tanghali sa daan. Nagdecide akong umuwi muna bago ang unang laro namin, nanghingi muna kami ng break kay coach kahit ayaw niya sana kaming payagan dahil nga finals na, pero nagpumilit pa rin ako, sinegundahan na lang ako nila France kaya naman napapayag namin si coach.

Kanina pa ko wala sa hulog mula nung tawagan ko si Kath at ang Mama niya ang sumagot, nalaman ko na nandun si Eduard. Inunahan talaga ako ng walanghiya.

“Sungit dude ah!” nakangising sabi ni France bago bumaba ng sasakyan.

Sina France, Aries, Raymond, Hannah at Joanne ang kasama ko sa van. Narinig ko pa ang maingay na paghiyaw ni France papasok sa bahay namin. Patamad naman akong bumaba saka kinapa ko ang cp ko at tiningnan kung iyon. May sampung text at limang missed call sa’kin si Kath. Binasa ko pa muna iyon at napangiti naman ako sa huling text niya.

Babe <+639081234567>

“Babe… wag ka ng magalit… sagutin mo na tawag ko… okay ka lang ba?... I love you… I miss you babe… hindi ka ba uuwi?...”

Di talaga siya mapakali kapag hindi ako nakakasagot agad. Sinadya kong hindi ipaalam sa kanya na uuwi kami ngayon. Balak ko siyang sorpresahin pero ang nangyari, inunahan naman ako ni Eduard. Naroon pa rin siya ngayon, kaya naman naiinis talaga ako. Nakasimangot na nireplyan ko na lang siya, mamaya na siguro ako pupunta sa kanila para siguradong wala na si Eduard.

To: Babe <+639081234567>

“Okay lang ako. Hindi ako galit. Maglunch ka na. I love you.”

“Welcome home po sir.” sabi ng isa sa mga kasambahay namin saka kinuha ang bag na dala ko.

“Sila Mommy?” tanong ko habang pumapasok sa loob.

“May meeting po sila ngayon, binilin naman po na uuwi kayo kaya nakahanda na po ang lamesa.”

Tinanguan ko na lang siya saka ako dumiretso sa sala at naabutan kong nagkakagulo na sila sa xbox ko. patamad na umupo ako dun saka pumikit.

“What time tayo punta kina Kath?” narinig kong tanong ni Joanne, hindi ko alam kung kanino niya tinatanong dahil nanatiling nakapikit ako.

“Magkaaway ba sila?” tanong naman ni Hannah.

“Sa kanya kaya kayo magtanong!” inis na sabi ni France, hindi ko pa rin dinilat ang mata ko at pinakikiramdaman ko lang sila.

“Text mo nga si Kath bru.” narinig kong sabi ni Hannah, dun na ko dumilat at tumingin sa kanila.

“Wag muna. Di niya pa alam na nandito tayo. I want to surprise her.” sabi ko na ikinangisi nilang dalawa.

“Oh eh bakit hindi pa natin siya sinundo?” tanong ni Joanne. “May LQ ba kayo?”dagdag pa niya.

“Later, para diretso na tayo sa subic.” sabi ko sabay tayo at pumunta na sa kusina.

“Hey dude, wala ka namang sinabing pupunta tayo ng subic ah!” nagtatakang tanong ni France na sinabayan pa ko sa paglalakad.

“Kung ganun pala, uuwi muna kami at mamaya na tayo magkita-kita.” singit naman ni Raymond.

“Kumain muna kayo.” sabi ko naman, saka umupo na dun sa lamesa at inaya sila. Nagsiupo naman na sila at inumpisahan na namin ang pagkain.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon