Chapter 29

821 6 0
                                    

Eduard’s POV

Agad akong pumunta kina Kath ng malaman kong nakauwi na siya. Inalis ko ang lahat ng pangamba at inisip ko na tatanggapin ko ang lahat ng sasabihin at gagawin ni Kath, para mapatawad niya lang ako. Ang gusto ko lang ay tanggapin niya ulit ako bilang kaibigan. Kahit iyon na lang, at least makakasama ko pa rin siya. I cannot afford to lose her. Kahit magmukha na kong tanga, ayos lang sa’kin.

Basta hayaan niya lang ako sa tabi niya…

Basta hayaan niya lang ako na mahalin siya…

Kahit walang kapalit…

Ayos lang…

Basta alam kong hindi niya ako itataboy…

Pagkatok ko ay si Kara ang nagbukas ng pinto. Mataman niya kong tiningnan na para bang may hinahanap sa’kin.

‘Shit baka alam na nila ang ginawa ko kay Kath!’

Bakit nga ba hindi ko naisip iyon!

“Okay ka lang Eduard?” kunot-noong tanong ni Kara.

“Y-yeah. S-si K-kath ba nandyan?” tanong ko saka ngumiti ng pilit.

“Pasok ka. Oo, hindi mo alam? Kahapon lang siya umuwi galing Manila. Hindi ka ba nila kasama?” sunod-sunod na tanong ni Kara.

“Hmm.” iling ko, “si Tita?” tanong ko ulit pagkaupo ko.

“Wala, nandun sa Tita niya, dumating kahapon galing States. Ay teka lang gisingin ko si Kath.”

“Wag na. Iintayin ko na lng siyang magising.”

“O-okay. Saglit lang pala at ikukuha kita ng maiinom.” saka siya tumayo at pumunta sa kusina nila.

Ngayong nandito na ko ay abot-abot naman ang kaba ko. Natatakot ako na baka hindi niya ko patawarin. Kilala ko si Kath, matagal siyang magtiwala, pero buong buo naman niya iyon ibinibigay. Pero once na sirain mo iyon, wala na, kahit na anong matinong paliwanag mo, hindi ka niya pagbibigyan o pakikinggan man lang. Malayo ang isip ko, kaya naman hindi ko napansin na may lumabas sa kwarto. At halos mapatalon ako ng may nagsalita.

“Anong ginagawa mo dito?” kunot-noong tanong ko ni Kath.

“Anong klaseng tanong ‘yan Kath?” sabi naman ni Kara, galing siyang kusina at may dalang juice.

“K-kath let’s just talk.” nagsusumamong sabi ko sa kanya.

“Anong problema mo Kath? Magkaaway ba kayo?” tanong na naman ni Kara habang palipat-lipat ang tingin niya sa min.

“I j-just want us to t-talk.” kabadong tanong ko, nasasaktan ako sa lamig ng pakikitungo sa ‘kin ni Kath.

“Then talk. Wait ano bang pag-uusapan natin? As far I as remember na settle na natin iyon sa Manila pa lang.” malamig pa ring sabi niya sa’kin.

“Iwan ko muna ka---…” singit ni Kara.

“No Ate Kara! Dito ka lang.” pigil niya kay Kara, daig ko pa ang pinagsakluban ng langit dahil ramdam kong natatakot siyang mapag-isa kami.

“Pero personal ata ang pag-uusapan niyo. Maupo ka na nga Kath.” hila ni Kara sa kanya papunta sa upuan sa tapat ko.

Nakatingin lang siya sa’kin at ganun din ako sa kanya. Kita ko ang galit sa mata niya, napuno ng lungkot ang puso ko dahil don. Napahinga pa ko ng malalim bago nagsalita.

“I’m sorry… I didn’t mean na bastusin ka---…”

“Nasabi mo na yan Eduard. Nag sorry ka na diba? Pero hindi kita mapapatawad pa, hindi ko alam kung kaya ko. Tinraydor mo ko eh! Alam mo yun, tiwala ako sa’yo kasi nga kaibigan kita diba?! Bestfriend kita!” sigaw niya, umiiyak na siya sa harap ko.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon