Chapter 1

2K 21 1
                                    

Kath’s POV

Malapad ang ngiti ko pagkababa ko ng dyip galing terminal ng bus. Sa wakas, makalipas ang tatlong oras na biyahe galing Bataan, nakarating na ko rito sa Maynila. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakarating ako rito, maraming beses na. Iba kasi ngayon, dahil sosopresahin ko si Kurt. At siguradong magugulat iyon kapag nakita ako.

Palihim pa kong napangisi ng mabuo sa isip ko ang magiging reaksyon niya kapag nakita ako. Inayos ko ang sukbit kong bagpack at pinagpag ang damit ko bago ako naglakad papunta sa gate ng University of East. Marahan ko ring sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko habang naglalakad. Mabuti na lang at open gate ngayon dahil sa semi finals ng UAAP at pasok ang team nila Kurt doon. Itinaon ko talagang may laban sila ngayong pagpunta ko para mapanood ko na rin siyang maglaro. Panay sa tv ko lang kasi siya napapanood.

Mataman kong tiningnan ang nagtataasang building na nasa loob ng U.E. Ang tanong lang, saan ko siya mahahanap o mahahanap ko ba siya. Napangiwi ako sa naisip ko.

‘Paano nga ba ‘to?’

 Mataman pa kong nag-iisip ng may biglang humampas sa braso ko.

“Aray!” dali-dali kong nilingon kung sino ang walanghiya humampas sa’kin! Bumungad ang tatawa-tawang mukha at nanlalaking mata ni Joanne sa’kin.

“Kaaaaaaaaaatttttthhhh!!!” matinis na tili niya sa pangalan ko habang nagtatalon pa at hawak ang kamay ko.

“Hoy! Ano ka ba?! Artista ganun?! Kung makatili??!!” natatawang sabi ko sa kanya. Pinatigil ko na rin siya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao rito.

“Bakit ka nandito? Sinong kasama mo? Alam ba ni Kurt na nandito ka?” sunod-sunod na tanong niya, ganyan talaga yan si Joanne, madaldal at matanong.

“Hep! Isa-isa lang! Sinong kasama mo?” tanong ko sa kanya, imbes na sagutin siya. Nilingon ko pa ang paligid niya dahil baka nandun si France at makita ako, siguradong sira ang plano ko!

“Nasa canteen sila, may kukunin ako sa kotse ni France kaya ako napunta dito. At buti na lang napunta ako dito, kung hindi, d kita makikita! Miss na miss na kita bru!” tuwang-tuwang niyakap niya pa ko at iyon na naman yung patalon-talon niya!

“Teka nga lang! Namiss din kita bru, pero kelangan mo muna kong samahang hanapin si Kurt at itago na rin. Kasi hindi niya alam na nandito ako.” malapad na nangiti pa ko habang sinasabi ko yun.

“Wow! Kyaaaaaahhhhh! Talaga?! Hindi niya alam??!! Sabagay kung alam niya malamang nabanggit niya sa amin yun at malamang magkasama na kayo ngayon.” kinikilig na sabi niya sa’kin.

“Eh ano? Magdadaldalan na lang tayo dito?” naiinis kunyaring tanong ko sa kanya.

“Ang hard mo talaga! Hmp! Tara na nga, dun muna tayo sa kotse ni France para mababa mo yung gamit mo at para matx ko na rin sina Kristine at Hannah. For sure matutuwa iyon!” hinila niya ko palabas uli ng U.E. habang nagdadayal siya sa cp niya. Mabilis naman naming narating ang parking at agad niyang binuksan ang pinto ng kotse at pinapasok ako.

“Basta pumunta na lang kayo rito sa parking area! Hannah mamaya ka na magtanong, pumunta na kayo rito ni Kristine asap! Wag kayong pahalata sa boys!” nakangisi pa rin akong tiningnan ni Joanne habang pumapasok sa kotse.

“Pupunta na raw sila?” tanong ko habang inaayos ko ang bag ko sa may bandang likod.

“Oo! Tanong ng tanong si Hannah, ano na naman daw kalokohan ang ginawa ko. Hahahaha!” natatawang sabi niya sa’kin. Obviously, masaya talaga siya na makita ako.

“Bru, hanggang kelan ka dito? Buti pinayagan ka, wala na kayong pasok?” sunod-sunod na tanong na naman niya.

“Sa Monday morning pa ko babalik na Bataan bru, wala namang problema kaya Mama, alam mo naman yun, matagal na nga akong binibigay kay Kurt non! Busy rin kasi sa school alam mo na, malapit na rin ang finals. Buti nga at nagkaroon ng seminar ang mga prof kaya pumunta talaga ako rito. Miss na miss ko na si Kurt eh.” nakangiting sabi ko sa kanya.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon