Chapter 30

842 11 0
                                    
Kurt’s POV

“Bakit ba hindi kita makontak?!” inis na sabi ko sabay hagis ng phone ko sa kama. Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto ko, hindi ako bumaba kahit kanina pa ko tinatawag nila Mommy.

Tatlong araw ko ng hindi makontak si Kath. Tatlong gabi ko na siyang hindi nakaka skype. Kahit text ay wala, kahit sila Ate Kara at Mama ay hindi ko rin makontak. Nag-aalala na ko dahil ngayon lang nangyari ito. Kahit na nung nasa Pilipinas ako, ay never nangyari na lilipas ang isang araw na hindi kami nagkaka-usap. Nag-aalala ako dahil baka may problema siya. Na baka may nangyari na hindi maganda. Natatakot ako at hindi mapakali dahil iniiwasan kong mag-isip ng may nangyari sa kanya.

“The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.”

Halos mapudpod na ang daliri ko sa kakadayal ng number niya pero wala pa rin. Ayan pa rin ang palaging sinasabi ng operator. Saka ko naisip si France, agad ko siyang tinawagan.

“Please dude answer the phone!” kinakabahang sabi ko, matapos ang limang ring ay may sumagot na kabilang linya.

“Yown! Dude!” agad kong sabi sa kanya.

“Woah! Wag mo namang ipahalata ang sobrang pagkamiss mo sa ‘kin dude! Hahahahahaha!” nang-aasar na sabi nito.

“Tss. Nasan ka ba?” mabilis na tanong ko.

“Malamang nasa Pilipinas! Napatawag ka dude?”

“Are you in Bataan?”

“Nah! We’re in Tagaytay dude, dito kami magspend ng holy week eh. Bakit naman? Don’t tell your already here in the Philippines?!”

“Tss! Overseas tong tawag ko diba? Idiot.”

“Hahahahaha! Bakit ba ang hb mo na naman?”

“I can’t contact Kath.”

“Baka naman tulog na? Psh! Dude, don’t you know what time is it right now?”

Napatingin ako sa relos ko at napailing pa ko ng kwentahin ko kung anong oras na ngayon dun. Going 12 midnight na ngayon sa Pilipinas.

“Eh bakit gising ka pa? Tss. Dude, three days ko na siyang hindi makontak. And  I’m really worried.”

“Kakatapos lang naming mag-usap ni Joanne. Well that’s new, baka naman busy lang or nananawa na sa boses mo at pagmumukha mo! Hahahaha!”

“Tss. Pwede bang magseryoso ka! Hindi gawain ni Kath ‘to, magsasabi at magsasabi sa’kin iyon kung hindi siya makakatawag or makakatext ng ilang araw. Pero ngayon, kahit text wala, tapos hindi ko pa siya makontak! Dammit!” frustrated na sigaw ko.

“Hey relax okay. Wala namang nasasabi sa’kin si Joanne, about Kath. Kaya wag ka munang mapraning diyan okay.”

“Ilang araw pa kayo diyan dude? Yung iba ba nasa Bataan ba sila? Sino bang mga nasa Bataan? Kelangan si---…”

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon