Chapter 38

818 10 0
                                    

Kurt’s POV

Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko sa relos ko kung anong oras na.

“Shit!” dali-dali akong lumabas ng kwarto saka pumunta sa kwarto ni Nate, pero wala siya roon. “Rosie! Rosie!” tawag ko sa yaya ni Nate.

“Sir bakit pu?” tarantang lapit naman ni Rosie sa’kin.

“Tss. Si Nate nasan?” tanong ko.

“Nasa labas pu kuya. Naglalaro pu ng bul niya.” medyo pacute na sabi ni Rosie, gusto kong mangilabot sa ngiti sa kin ng yaya ni Nate.

“Tss. Kunin mo na at paliguan mo, aalis kami ngayon diba sinabi ko sa’yo kahapon?” sermon ko pero nakatitig lang siya sa’kin. “Hoy!”

“Ay kalabaw ni tatay!” gulat na sigaw niya.

“Tss. Get Nate now at paliguan mo na.” inis na sabi ko saka tinalikura ko siya. Nakakainis kasi si Mommy bakit hindi pa palitan tung yaya ni Nate eh. Minsan tuloy nahahawa na ng pagkabisaya si Nate. Nagmamadaling naligo na ako dahil siguradong malalate kami ni Nate sa simbahan. Mumurahin ako ni France nito malamang.

Pumunta ako agad sa kwarto ni Nate para tingnan kung okay na siya.

“Daddy!!!” sigaw ni Nate habang papalapit sa’kin, nakasuot na siya ng damit niya at ang gwapo ng anak ko. Siyempre mana sa Daddy niya. “Yaya is so kakainis daddy.”

“Why?” kunot-noong tanong, ano na naman kaya ang ginawa ng yaya niya ngayon.

“She’s always spacing out. She give me a toothbrush without toothpaste on it.” nakangusong sabi nito.

“Tss. Don’t mind her okay. I’ll talk to her later, let’s go.” aya ko sa kanya dahil talagang malalate na kami.

Sumakay na kami sa kotse at saka mabilis pero ingat na ingat ako sa pagmamaneho. Mahirap na, kasama ko pa naman si Nate. Wala sila Mommy ngayon, nasa bakasyon sila habang bakasyon rin ako sa laro. Kakatapos lang kasi ng conference at natapat naman sa kasal ni France. Nagulat ako sa tunog ng cp ako at agad na sinagot iyon.

“Nate, fasten your seatbealt.” utos ko kay Nate bago ko sinagot ang tawag.

“Badtrip ka naman dude oh! Ikaw ba ang ikakasal??!!” bungad na sigaw sa’kin ni France.

“Sorry naman dude, we’re on our way na.”

“Psh! Bilisan mo! Bago magbago pa ang isip ng bride ko!” inis na sigaw pa niya saka ibinaba ang cp niya.

Napangiwi na lang ako dahil talagang late na kami na sa kasal, kung bakit naman kasi hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Sa dami ng gabi, kagabi ko pa naisip ulit si Kath.

“Dad, is tito ninong mad?” inosenteng tanong ni Nate habang nilalaro niya ang spiderman toy niya.

“Nah. He’s just nervous.” sabi ko naman. Agad ko ipinark ang kotse sa labas at saka mabilis na lumigid para kunin si Nate, ring bearer kasi si Nate kaya naman kelangan na talaga siya doon. Sinalubong kami ng wedding planner nila France, inabot ko si Nate sa kanya at saka ako nagmamadaling pumunta kay France. Nakasimangot na inambaan niya ako at saka inumpisahan na ang seremonya.

“Nasan si Joanne?” tanong ko kay France, gusto ko sanang puntahan si Joanne para makapag-apologize man lang.

“Psh!Wag ka ng umalis at magsisimula na! Dude talaga naman oh!” inis na sabi niya, natatawa akong tiningnan lang siya. Alam kong kinakabahan siya pero kita ko rin ang excitement sa mukha niya.

Nang magsimula na ang kasal ay nabalot ng kakaibang lungkot ang puso ko dahil sana ay ako nasa posisyon ni France ngayon. Agad ko inalis ang lungkot sa isip at puso ko at itinatak ko roon na hindi ko ito araw kung araw ng bestfriend ko.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon