Chapter 28

854 7 0
                                    

Kath’s POV

After one week ay nakauwi na ko dito sa Bataan, three days lang ako dapat pero naglambing sa’kin si Kurt, dahil nagpahatid siya sa NAIA para sa bakasyon nila. Matapos ang paghalik sa kin ni Eduard, ay maayos kaming nag-usap ni Kurt. Nagkaiyakan pa kaming dalawa dahil sobrang selos na selos siya. Unang pagkakataon iyon na nakita kong siyang umiyak sa harap ko. Kitang-kita ko ang takot niya na baka mawala ako sa at maagaw ng iba, lalo na ni Eduard. Kaya naman pumayag na rin akong magstay doon hanggang sa araw ng alis nila papuntang States.

Nalaman na rin nila Tita Andrea at Tito Keith na engage na kami ni Kurt, todo tampo pa sila nung una dahil hindi man lang daw sila inimbitahan. Masaya sila para sa’min, sa wakas raw, wala na silang pangamba na hindi ako kay Kurt mapunta. At syempre, pinapamadali ba naman ang kasal! Si Kurt naman, aba, todo buyo pa sa parents niya! Pero siyempre ako pa rin ang nasunod. Gusto ko lang naman, makatapos muna kami ng pag-aaral at maging stable bago kami magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nakahiga pa ko sa kama ko at nakatingin sa kisame ng kwarto ko.  Naalala ko kasi yung huling gabi namin na magkasama.

 

Flashback…

 

Nakayakap ang braso ni Kurt sa bewang ko habang nakahiga kami sa rooftop ng bahay nila, doon na kami nagstay mula nung dumating ang parents niya two days ago. Nakaunan ako sa braso niya, nakayakap naman ang kamay niya sa balikat ko. Ang isang kamay ko ay nasa bewang niya, ganun din naman ang isang kamay niya. Nakauwi na rin ang mga kaibigan namin, ako na lang naiwan dito, dahil pinapagalitan na rin sila ng parents nila dahil vacation time na kasi. Eh sa’kin naman, gustong-gusto pa ni Mama na nandito ako kina Kurt.

Hinawakan ni Kurt ang kamay ko at pinagsalikop iyon, nakatitig pa rin ako sa langit na puro bituin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti, dahil sa kilig na nararamdaman ko.

“Babe, ilang anak gusto mo?” tanong ni Kurt.

“Ahm, yung totoo babe?” nakangiting tanong ko, nasa langit pa rin ang tingin ko.

“Tss. Bakit magsisinungaling ka ba?” sabi niya.

“Hahaha. Ang seryoso mo!” sabi ko na medyo hinampas ko ang kamay niyang nakapatong sa tiyan niya.

“Tss. Ano nga kasi?” pangungulit niya sa’kin.

“Anim babe.” todo ngiting sabi ko.

“W-what??!!” gulat na sabi niya, medyo inilayo niya pa ang katawan niya sa’kin.

“Hahahahahahaha!” malakas na tawa ko dahil nakakatawa ang itsura niya! Napanguso naman siya saka inayos niya ang ulo ko sa balikat niya. Tumingin ulit kami sa langit para tingnan ang magagandang bituin.

“Babe, palagi tayong magskype ha...” malambing na sabi niya, tumingin ako sa kanya, nakita kong nakatingin rin siya sa ‘kin.

“Babe, isang buwang ka lang dun. ‘Wag kang o.a.” natatawang sabi ko.

“Tss. Basta, palibhasa kasi hindi mo ko mamimiss eh.” nakangusong sabi niya sa’kin.

“Hahaha! Ayan ang mamimiss ko sa’yo yang pagiging isip bata mo!” pinisil ko ang ilong niya na agad niya namang hinuli.

“Babe! Ang sakit ah! Ilong ko na naman ang nakita mo!” sabi niya habang mahigpit ang hawak sa kamay ko na pilit ko namang inaalis sa pagkakahawak niya.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon