Chapter 15

919 10 0
                                    

Kath’s POV

Mabilis umandar ang oras, ang isang basong sinabi ko na sinabi kong iinumin ko ay hindi ko na mabilang ngayon kung ilan dahil panay ang order ni Joanne kapag napapanin niyang ubos na ang inumin ko. Agad naman iyong iinumin ni Kurt kapag nakita niyang hindi nakatingin si Joanne. Oo nandadaya kami, sa bilang ko ay nakadalawang baso lang ako kaya naman sa aming anim ay ako ang matino.

Si Joanne at Hannah ay sige ang pagwawala sa dance floor na sinasabayan naman nila France at Raymond. Isang beses lang kaming sumayaw at muntik pang mapaaway si Kurt dahil sa may biglang humawak sa bewang ko patalikod. Agad ko siyang hinatak at pinakalma pero salubong na salubong pa rin ang kilay niya. Hindi ko tuloy alam kung may tama na ba siya o wala.

“Babe, kaya mo pa?” tanong ko ng palitan na naman ni Joanne ang baso kong walang laman. Mukhang hindi niya ko narinig kaya naman mas lumapit pa ko sa kanya at binulong ko na sa mismong tenga niya. “Babe, kaya mo pa ba?” naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya sabay biglang lingon sa ‘kin.

“Y-yah. I-I’m fine b-babe.” nauutal na sabi niya, napansin kong mapungay na ang mata niya at namumula na rin ang magkabilang pisngi niya. Akmang dadamputin niya ang baso ko na may lamang alak pero pinigilan ko na siya.

“Tama na babe, lasing ka na. San na ba sila, uwi na tayo.” sabi ko habang inilalayo ang baso sa kanya. Nagpalinga-linga ako at hinahanap ng mata ko sina France para maaya ng umuwi sinipat ko pa ag relo ko nakita kong alas dos na ng madaling araw. Apat na oras na pala kami rito. Mas marami ang tao ngayon kesa kanina at talaga ng nagkakagulo na sa dance floor sa dami ng nagsasayaw roon kaya naman hindi ko talaga makita sina France. Naramdaman ko ang pagbagsak ng ulo ni Kurt sa balikat ko. tiningnan ko siya at nakita kong nakapikit siya.

‘Nakatulog na yata.’

Inayos ko ang katawan niya sa upuan doon, siniguro ko na okay ang likod at ulo niya saka ako tumayo para hanapin sila France.

“Babe, hahanapin ko lang sila France ha, para makauwi na tayo.” sabi ko kay Kurt na pabiling-biling lang sa sandalan ng upuan.

Tumayo na ako at pumunta sa dance floor na puno ng taong nagsasayaw. Halo-halo na ang amoy sa gitna na dance floor, usok, alak, pabango, pawis, halo-halo na yan sa pang-amoy ko. Pinilit kong sumiksik sa mga tao roon at pilit na inaaniw ang mukha ni France o kahit na sino sa mga kaibigan namin. Nanlaki naman ang mata ko ng makitang ko sina sa France at Joanne sa gitna. Naghahalikan sila sa gitna ng maraming tao!

‘Sheesh! Joanne talaga oh, may batok ka sa’kin bukas.’

Mabilis ko silang nilapitan pero ng malapit na ko ay hindi ko naman alam kung pano ko sila tatawagin. Tumalikod na lang ako dahil parang ako pa ang nahiya na istorbohin sila. Pagtalikod ko ay nakita ko ang nakangising mukha ni Hannah na palapit sa’kin. Akbay siya ni Raymond na namumula na rin.

“Nagulat ka sa live show? Hahahahaha!” natatawang sabi ni Hannah.

“Uwi na tayo, nakatulog na si Kurt don!” inis kong sabi saka tinalikuran sila at pumunta sa pwesto namin. Pero laking gulat ko ng makita kong pinapalibutan ng apat na babae si Kurt at balak na yatang hubaran dahil kinakalas na nila ang butones ng polo nito!

“H-hoy!” inis na sigaw ko sabay lapit dun at hinatak ang buhok nang babaeng nakadapa na sa katawan ni Kurt!

“Shit! What the hell are you doing!” galit na sigaw nung babae ng pabalya ko siyang ialis sa kandungan ni Kurt. Agad naman akong tinulungan ni Raymond at Hannah at isa-isang inalis ang mga babae dun. Nanlaki ang mata ko na makita ko ang isang babaeng hinahalikan si Kurt at ang magaling kong boyfriend ay nakayapos naman dun sa babae! Agad nagdilim ang paningin ko at naging pula ang buong paligid ko dahil sa nakita ko kaya naman dinamba ko yung babae at pinagsasampal ko ito!

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon