Chapter 14

946 7 0
                                    

Kurt’s POV

Si France ang nagprisintang magmaneho at katabi niya sa unahan si Joanne. Sa sumunod na upuan naman ay sina Raymond at Hannah habang kami ni Kath ay nasa pangatlong upuan. Tahimik siya at alam kong inis pa rin siya dahil sa nangyari kanina. Nasa labas ng bintana ang paningin niya at hindi man lang ako tinitingnan mula pa kaninang umalis kami sa kanila.

Umusod ako papalapit sa kanya kahit malaki ang space sa gilid ko. Inunat ko ang braso ko at sinubukan kong akbayan siya, wala naman siyang violent reaction sa pag-akbay ko kaya naman mas lumapit pa ko sa kanya.

“Kurt ang init. Ang laki-laki ng space dyan, umurong ka nga.” mariin niyang sabi at hindi pa rin ako tinitingnan.

“Ayoko. Di mo ba ko miss?” nagtatampo kunwaring sabi ko saka niyakap ko na siya ng tuluyan. Dinikit ko pa ang baba ko sa may balikat niya. At biglang pumasok sa isip ko na kapag lumingon siya ay mahahalikan ko siya sa sobrang lapit ng mukha ko sa mukha niya.

‘Sana lumingon...’

“Psh! Wag mo nga akong tinatanong ng ganyan ha.” inis na sabi niya sabay alis niya ng kamay ko sa kanya. Bigo ang hiling ko na mahalikan siya. “Kaya ganun si Mama eh, sinasakyan mo kasi ang kalokohan niya.” nakangusong sabi niya sabay irap sa kin.

“Ano namang kalokohan ang sinabi ni Mama?” natatawang tanong ko naman sa kanya.

“Y-yung kanina! Hindi mo man lang naisip na baka may makarinig sa ‘tin, isipin na naman ng mga tsismosa naming kapitbahay, manggagamit lang kami.” aniya.

“Tss. Bakit mo kasi iintindihin ang mga sasabihin nila. Eh alam naman nating hindi totoo, just ignore them babe. At anong kalokohan ba ang sinasabi mo? Bakit hindi ba ako ang gusto mong maging asawa? Bakit may iba ka pa bang nais makasama kapag nasa tamang edad na tayo?” nakasimangot na sagot ko.

“S-syepmre i-ikaw! Pero matagal pa ‘yon diba.”

“Gusto mo ngayon na eh. Tss. Kahit na gano pa katagal, sa dulo iyon pa rin ang mangyayari.” hinawakan ko ang pisngi niya at iniangat iyon para magkatagpo ang mata namin. “Darating tayo dun babe. Pakakasalan kita, kahit ngayon kung gusto mo. Hindi ka pa ba sigurado sa’kin babe?” seryosong tanong ko habang hawak ko pa rin ang mukha niya at diretsong nakatingin sa mata niya.

“S-sigurado na b-babe.”

“Tss. Bakit nauutal ka?”

“N-naiilang ako eh.” sabi niya at pilit niyang iniiwas ang tingin niya sa’kin.

“At bakit naman?” nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

“A-ang l-lapit mo eh.” nauutal pa ring sabi niya habang medyo lumalayo sa’kin. At ako naman ay mas lumalapit pa sa kanya kahit na medyo napapahiga na siya sa kaatras niya.

“A-ang l-lakas ng t-tibok ng p-puso ko kapag m-malapit k-ka.” dagdag pang sabi niya na ikinamangha ko. Kaya naman napa-ayos ako ng upo at natulala lang akong nakatingin sa kanya. si Kath naman ay dahan-dahan na ring umayos ng upo at panay hinga ng malalim habang medyo hinihimas pa ng dibdib niya.

Hindi ko alam na pareho kami ng epekto sa isa’t-isa. Ganun din kasi ako minsan at parang pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko kapag malapit ako sa kanya. Nakatingin lang kami sa isa’t-isa at ayun na naman ang pamumula ng pisngi niya at kita ang pagkailang sa mukha niya.

“Halika nga rito.” aya ko sa kanya saka hinawakan ko ang kamay niya at marahan ko siyang hinatak palapit sa’kin. Niyakap ko siya at ramdam ko pa rin ang pagkailang niya. “Ngayon lang ulit tayo nagkita, tapos parang nilalayuan mo pa ko. I miss you babe.” hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at naramdaman ko ang marahang pagtawa niya.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon