Chapter 16

901 9 0
                                    

Kurt’s POV

Napuno ng guilt ang buong pagkatao ko dahil alam kong nasasaktan si Kath sa mga nangyari kanina. Sa tanang buhay ko rin kasi ngayon lang ako nagpassed out sa alak, siguro dahil halo-halo na rin ang nainom ko dahil nga kinukuha ko ang kay Kath. Napasabunot ako sa buhok ko dahil kahit anung isip ko ay alam kong walang kwenta ang mga rason ko. Ang tanging alam ko lang talaga kanina ay si Kath ang kayakap at kahalikan ko.

Tahimik lang siya at nagawa pa kong pakainin kahit na ganun ang nangyari. Kaya naman mas tumindi ang guilt na nararamdaman ko, gusto kong gumawa ng paraan para maalis ang lungkot at ang bagay na ‘yon sa isip niya, pero hindi ko alam kung paano.

Narinig kong bumukas ang pinto at gulat na lumabas roon si Kath.

“Nariyan ka pa rin? Matulog ka na babe, anong oras na oh.” sita siya sa’kin habang nagpupunas siya ng buhok niya. Nakapajamang at maluwag na t-shirt si Kath, pero hindi ko alam kung bakit naseseksihan ako sa itsura niyang iyon. Hindi ako nakakibo at iniwasan ko ang mapatingin sa kanya. Pumikit ako at sinandal ang ulo ko sa sandalan ng sofa. Naramdaman kong lumapit siya sa’kin dahil naamoy ko rin ang bodywash na gamit niya.

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa sa’kin at ang marahang pag haplos niya sa buhok ko, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niyang iyon. Marahan akong nagmulat ng mata ko at nagulat ako ng makita kong nasa harap ko si Kath at malapit na malapit ang mukha niya sa’kin. Matiim siyang nakatingin sa mata ko at ganun din ako sa kanya, hanggang sa bumaba sa mga labi niya ang paningin ko.

Napalunok ako ng magtagal ang paningin niya sa labi ko.

“B-babe…” mahinang tawag niya sa’kin, nakatutok pa rin ang paningin niya sa mga mata. “C-can y-you k-kiss m-me?” mahina lang ang pagkakasabi niya pero rinig na rinig ko iyon. Sunod-sunod ang paglunok ko dahil naaakit talaga ako sa pagkakalapit namin na ‘yon, bukod pa sa nakakaakit na paghiling niya sa ‘kin ng halik. “Gusto kong h-halikan mo ko… gusto kong burahin ang marka ng labi ng babae na ‘yon sa labi mo… gusto kong ako lang babe…” sabi niya pa habang nangigilid na naman ang kanyang mga mata. Ang papanabik at ang masarap na pakiramdam na kanina lang ay lumukob sa ‘kin ay dagling nawala at napalitan ng biglang panlalamig ng katawan ko.

Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Marahan ko siyang hinawakan sa balikat at inilayo sa’kin, napabuga muna ako ng hangin bago ko siya hinarap.

“B-babe… I’m sorry… hindi ako makahanap ng tamang salita para lumuwag kahit paano ang pakiramdam mo…  I am really sorry…” sersyosong sabi ko sa kanya bago ko hinawakan ang kanyang mga kamay. Nanatili siyang nakatingin sa’kin, malungkot ang kanyang mata at nangingilid pa rin ang luha niya.

“Sorry rin… hindi ko maalis sa isip ko eh… kaya nga babe, p-please… can you kiss m-me?” sabi niya ulit habang inilalapit niya na naman ang mukha niya sa mukha ko.

Agad kong pinigilan ang paglapit niya, hindi dahil sa ayaw ko siyang halikan. Gustong-gusto ko sa totoo lang, pero mali ang sitwasyon at dahilan. Napakunot ang noo niya sa ginawa kong pagpigil sa kanya.

“Alam ko namang hindi ako ganun kagaling katulad nung ginawa nung babae sa’yo, pero madali naman akong matuto. Subukan mo muna kaya bago mo ako i-reject.” malamig na sabi niya sa’kin na ikinagulat ko talaga!

“B-babe! A-anong?... Hindi kita nirereject ano ka ba?!” gulat talagang sabi ko. Tumayo siya saka akmang lalayo sa’kin pero hinawakan ko siya sa braso.

“Matutulog na ko.” walang emosyong sabi niya. Ramdam kong galit siya at ayokong patapusin ang araw na ito na ganun kami. Hinatak ko siya kaya naman napaupo siya sa mga hita ko. Agad ko siyang niyakap sa bewang na pilit niya namang inaalis.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon