Chapter 19

843 9 0
                                    

A/N:

 

Sorry po sa super late na update. Lagpas ulo ko na kasi ang pagkabusy eh… hahahaha… inaalila na naman ako sa trabaho ko. Kailangang kumayod para sa booksigning ni idol Maxinejiji.. :)

Woah! I’m so excited…

Feel free to comment… badly needed po yun para mas mapaganda ko pa yung story…

Thanks for reading!!!...

krayzie_enz

Kurt’s POV

Nandito kami ngayon sa isa sa mga sikat na resort sa subic, dahil sa nangyari kagabi ayaw na ni Kath na magbar kami kahit na anong aya nila. Natrauma yata dahil sa nangyari kagabi at nung maalala niya na naman yun ay todo sermon na naman siya sa’kin. Pinaalala pa kasi ng mga gunggong kong kaibigan ayan tuloy nag ala dragona na naman ang babe ko. Hindi pa nga nakuntento at todo sulsol pa sila! Mga baliw talaga!

Napagpasyahan naming mag nightswimming na lang, tapos bukas ay mag snorkelling at island hopping naman. Tatlong cottage ang inupahan namin syempre tag-iisa kaming kwarto at syempre katabi ko na naman ang babe ko. Mula ng tumaas ang antas ng romance sa katawan ni Kath ay mas lalo akong naadik sa kanya. At aaminin ko minsan ay talagang nahihirapan akong pigilan ang bugso ng nararamdaman ko sa kanya. Kaya naman hangga’t kaya ko, hindi ko na pinapalalim ang halik ko, mahirap na baka mabigla at mabastos ko siya. Ayaw kong maisip at maramdaman niya na iyon lang ang basehan ng pagmamahal ko. Kaya ko mag-intay kahit gano katagal dahil worth it naman siyang intayin.

“Babe?” tawag ko kay Kath, nasa kanya-kanya na kaming kwarto at inaayos ang gamit namin, nauna siyang pumasok sa loob at humiga agad sa kama. Mukhang kulang pa rin ang tulog niya kaya naman hinayaan ko lang siya don.

Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sa likod ko habang nag-aayos ako ron, mas nagiging sweet na siya habang tumatagal. Nakangiting humarap ako sa kanya, habang siya naman ay isinubsob ang mukha sa dibdib ko.

“Tulog ka muna dun babe.” masuyong sabi ko sa kanya habang haplos ang kanyang buhok.

“Hmmm. Ang bango mo babe…” inamoy-amoy niya pa ang polo na suot ko. Napapalunok naman ako dahil iba na naman ang epekto nun sa’kin.

“H-hehehe b-babe…” pasimpleng inilayo ko siya at saka iginiya sa kama. Hinalikan ko siya ng magaan sa noo “Tulog ka muna babe, sige na, antok ka oh.” pagtataboy ko sa kanya.

‘Whew! Muntik na yun ah! Tss. Talaga tong babe ko.’

Nahiga naman siya dun sa kama saka ko siya kinumutan hanggang bewang, nakita kong nakapikit na siya kaya lumabas na ko para icheck sila France at Raymond kung okay na ang mga gamit nila.

At syempre ng makita ako ni France ayun na naman ang nakangising mukha niya.

“Tss!”

“Oh bakit na naman?!” nakangising sabi pa niya sa’kin. Pinamukha niya pang inosente ang mukha niyang alam ko namang puro kalokohan ang laman.

“Tigilan mo nga ako sa paganyan-ganyan mo ha! Tss.” inis na sabi ko sa kanya.

“Inaano ba kita?! Hahahahaha! Ang defensive mo kamo!” tinawanan pa ko ng gago! Kahit kelan talaga sira ulo to eh! Inambaan ko siya ng sapak na mabilis niya namang ihinarang ang kamay niya.

“Gago! Ngiti pa lang alam ko ng may kalokohan ka na namang ibabanat eh!”

“Ang defensive mo talaga kamo dude! Hahahahaha! Bakit may binabalak ka bang masama?!” tiningnan pa niya ko ng matiim at pilit na pinapaseryoso ang mukha pero kitang kita ko naman na nagpipigil lang siya ng tawa!

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon