Chapter 32

791 11 0
                                    

Kath’s POV

Ang sakit-sakit na ng mata ko at ulo ko dahil sa ilang araw na pag-iyak. Ilang araw na rin akong walang tulog at hindi makakain ng tama. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay na ang katawan ko. Gising na naman ako, naalala ko na naman ang pangloloko sa ‘kin ni Kurt. Agad na naman dumaloy ang masaganang luha sa mga mata ko.

“Shit! Hindi ka pa ba nauubos?!” saway ko sa sarili ko.

I can still the pain inside my chest. Gusto ko ng tumigil iyon, pero hindi ko alam kung paano. I just love Kurt more than anyone else, more than my life itself. At unti-unti akong pinapatay ng sakit na nararamdaman ko.

Pinilit kong minulat ang mata ko at tumambad sa akin ang di-pamilyar na kwarto. Napakunot-noo akong nilinga ang paligid ko saka nahagip ng mata ko ang drawer kung saan naroon ang picture ni Joanne at France. Saka ko naalala na nandito ako sa bahay nila Joanne. Sinipat ko ulit ang larawan nila kung saan masayang nakangiti ang kaibigan ko, katabi ang manloloko niya ring boyfriend.

Agad na bumuhos sa ala-ala ko kung paano ko nalaman ang lahat ng sakit na pinagdaraanan ko ngayon.

 

Flashback. . .

 

 

“Bakit namumugto yang mga mata niyo?” tanong ni Mama pagkapasok niya sa bahay, kadarating lang niya galing sa tiyahin niya. Mabuti na lang ay doon siya natulog kagabi, kung hindi ay nalaman na niya ang dahilan ng pag-iyak namin ni ate Kara. Pasimple kong tiningnan ni ate Kara, pero agad rin akong nagyuko ng ulo.

“N-nakakaiyak yung pinanood namin kagabi.” mahinang sabi ni ate.

“Nag-ubos kayo ng luha para sa walang kwentang bagay?! Tsk.” iiling-iling na sabi ni Mama. “Nga pala dun tayo kakain mamaya, nag-aaya si Tita Corrine ng salu-salo. Doon na rin daw ibibigay ang mga pasalubong sa inyo.” excited na kwento ni Mama.

Si Tita Corrine ay tiyahin ni Mama sa mother’s side, paborito siya nito, kapag umuuwi ito ay hindi pwedeng hindi niya ipapatawag si Mama. May pagkamasungit at matapobre si Tita Corrine, pero kahit ganun pa man, ay magkasundo talaga sila ni Mama. May tatlong anak si Tita Corrine, na may mga anak na rin.

“Ay naku alam niyo ba, yung anak ni Carol, yung panganay ni Tita, aba eh buntis! Tsk. Kaya pala nauwi si Tita ng wala sa oras eh! Iyon galit na galit si Tita! Eh halos kaedad mo lang iyon ay Kath!” umiral na naman ang pagkatsismosa ni Mama.

“Eh bakit nagagalit sila eh nasa tamang edad naman na.” tanong ni ate, tahimik lang akong nakikinig sa kanila dahil hindi naman ako interesado sa buhay ng iba.

“Ayaw panagutan nung lalake! Tsk. Akalain mo yun, maganda naman yung dalaga, pero may umaayaw pa?” ngisi ni Mama. “Kaya ikaw Kath, kung buntis ka na sabihin mo lang. Aba! Hindi ako tutol kay Kurt! Hahahaha!”

Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi ni Mama! Si ate naman ay tatawa-tawa sa’kin.

“Ma! S-sabi ng hindi pa namin g-ginagaw iyon eh! Psh!” inis na sabi ko sa kanya, ramdam ko ang pag-iinit ng pisingi ko dahil nag flashback sa isip ko yung nangyari sa min ni Kurt bago sila pumuntang states.

“Oh eh bakit pulang-pula ka?!” pang-aasar pa ni Mama.

“Psh! Ewan ko sa inyo!” nakangusong sabi ko.

“Eh baka mahimatay kayo kapag nalaman niyong engage na yang anak niyo.” sabad ni ate, pinanlakihan ko siya ng mata dahil sinabi niya iyon kay Mama. Ayaw ko pang ipaalam iyon kay Mama dahil siguradong magkakaroon si Kurt ng kakampi para magpakasal na kami.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon