Chapter 35

835 11 0
                                    

Kath’s POV

Ang tanga ko dahil sa kabila ng ginawa niya sa’kin ay sobrang miss na miss ko si Kurt. Kanina ko pa gustong gawin ang mahalikan siya. Simula pa lang ng makita ko siya kanina pagkasara ng pinto ay gusto ko na siyang sunggaban ng yakap.

Gusto kong sabihin na miss na miss ko siya. . .

Na halos mabaliw ako kakaisip sa kanya. . .

Na gusto kong kalimutan ang lahat at magsimula kami ulit. . .

Kahit ngayon lang. . .

Gusto ko ulit maramdaman na akin siya. . .

Agad siyang tumugon sa halik ko sa kanya, ang kaninang nakayapos na mga kamay niya sa’kin ay napunta sa bewang ko upang mas hapitin ako papalapit sa kanya. Inalis ko ang lahat ng babala sa utak ko at kinalimutan ko ang paligid. Tanging ang mga halik lang ni Kurt ang nasa isip ko ngayon.

Parehas kaming naghahabol  ng hininga ng pakawalan namin ang isa’t-isa.

“I love you babe. . .” sabi niya, hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan iyon.

“I love you too babe. . . so much. . .” ganting sabi ko. Hinayaan ko lang siya na yakapin at hagkan ulit ako. Kakalimutan ko muna ang lahat ngayon. Kahit ngayon lang.

“Babe. . .” malambing kong tawag sa kanya. “Gutom na ko. . .” nakangusong sabi ko. Napangiti siya saka hinalikan ulit ako sa labi na agad ko namang tinugon.

“Tss. Sigurado hindi ka na naman kumain. Tara, pagluto mo ko. Hahaha.” sa unang pagkakataon mula ng bumalik siya galing States, ay ngayon ko lang narinig ang tawa niya. Ngayon lang rin kami nagkausap ng ganito.

“I love you. . .” sabi ko saka ko siya niyakap. Tumayo na kami, at saka pumunta sa pinto.

“Ay teka lang babe.” kinuha niya ang phone niya at saka may tinawagan. “France, lalabas na kami.” kunot-noong tiningnan ko siya, nakangiwi naman siyang tumingin sa’kin. “Sorry, babe. . . sa labas lang kasi ito pwedeng buksan. Natakot ako na baka hindi mo ko kausapin. Natakot ako na takasan mo na naman ako at hindi makinig sa mga paliwanag ko. . .” nakayukong sabi niya.

Ngumiti lang ako at saka humilig sa dibdib niya. “Hindi kita matiis babe. . . sorry sa---. . .”

“Ooopss. Puwede bang mamaya na natin pag-usapan? I just miss you so much, I don’t want to ruin this moment.” pakiusap niya sa’kin. Tumango naman ako at saka ngumiti sa kanya. Hahalikan niya sana uli ako pero biglang bumukas ang pinto.

“Oy! SPG dude! Hahahahaha!” pang-aasar niya sa’min dahil nakita niya pang malapit na malapit ang mukha naming dalawa. Agad namang nag-init ang pisngi ko dahil nakakahiya na nahuli pa niya kami!

“Tss.” binatukan lang siya ni Kurt at saka inaya na ko palabas. Nagulat pa ko ng nakita ko silang lahat na nandoon. Oo lahat ng kaibigan ko, pati sila Mama at parents ni Kurt. Mukhang kinasabwat niya ang lahat. Agad na lumapit sa’kin si Tita Andrea at niyakap ako.

“I’m glad you two are okay.” sabi ni Tita Andrea. “Oh my god Kurt! Napano yang kamay mo?!”

“W-wala ito Mom.” balewalang sabi niya saka ako inakbayan.

“Anong balewala halika nga muna at gagamutin ko muna ‘yan!” aya ni Tita Andrea sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanila.

Niyakap rin ako ni Tito Keith pagkakita sa’kin. Si Mama ay todo ang ngiti, samantalang si ate Kara ay nakatitig lang sa’kin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Niyakap rin ako ng mga kaibigan namin.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon