Chapter 42

911 14 0
                                    

Kath’s POV

“Pakasal na tayo babe. . .”

“Eh??!!” mabilis ko siyang tinulak at medyo may kalakasan na ikinalaglag niya sa sofa.

“A-aray!”

“S-sorry. . .” agad ko siyang nilapitan at inalalayan na umupo, nakasimangot siyang nakatingin sa’kin at napanguso naman ako.

“Tss. Naging sadista ka na talaga. Konting bagay, panay ka nanakit.” simangot na sabi niya habang nahimas sa pang-upo niya na nasaktan sa pagkakalaglag niya.

“Eh. . . k-kasi n-naman eh. . . k-kung ano-anong sinasabi mo.” nakangusong sabi ko, hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil nahihiya ako. Nandito kaming dalawa sa kwarto niya, tapos naghalikan kami tapos yayayain niya kong pakasal?! Ano ba yun?!!

“Tss. Why? Iyon naman na talaga ang plano bago ka pa man umalis diba?” seryosong tanong niya. “Unless. . . may iba ka na at pinagmumukha mo lang akong tanga.” nakita ko pa ang pagguhit ng sakit sa mukha niya pagkasabi niya non.

“A-anong??. . . p-pinagmumukha kitang tanga???!!! Kelan naman yun?!” inis na tanong ko sa kanya. “Eh diba ikaw nga itong nagluko at n-nakabuntis ng iba. . .” sabi ko pa sa papahinang boses. Hindi pa rin kasi talaga ako kumportable na pag-usapan ang tungkol kay Clarisse at sa anak nila. Pakiramdam ko ay isa akong babae na gustong kumabit sa buhay nila.

“Tss. Kaya iniwan mo ko without even explaining everything.” seryosong sabi niya, umayos siya ng upo sa sofa habang ako naman ay hindi makatingin sa kanya. Natahimik ako dahil guilty talaga ako sa part na iyon. Lakas loob kong tiningnan siya, nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng sofa habang nakatitig sa kisame. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapagpapitlag sa kanya.

“Leaving you was the dumbest decision that I made in my entire life. Daig ko pa ang namatay Kurt, everyday not having you. . . not seeing you. . . not feeling you. . . is like a strong stab of knife in my heart. . . araw-araw para akong pinapatay at pilit na ipinapamukha sa akin kung gaano ako katanga na iniwan kita. . .” naiiyak na sabi ko sa kanya, ang kaninang galit na mukha niya ay napalitan ng malambot na ekspresyon habang nakakatitig sa ‘kin. “. . .hirap na hirap ako nung mga panahong wala ka. . . moving on was never my forte. . .ayaw ko. . .hindi ko binalak at inisip man lang. . . mas gugustuhin ko pa na masaktan at patayin ang sarili ko sa lungkot kesa ang tuluyang kalimutan ka. . .” hindi ko na napigilan ang  mapaiyak sa harap niya.

Agad niya naman akong hinapit papalapit sa kanya at saka niyakap ng mahigpit.

“I-im s-sorry babe. . . for causing you so much pain. . .” umiiyak na ring sabi niya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap na para bang sinusulit namin ang limang taon na nagkahiwalay kami. Hinahalikan niya ko sa ulo paminsan-minsan na nakakapagpayapa naman sa nararamdaman ko. Alam kong hindi pa rin kami ganun ka okay pero ang mahalaga ngayon ay kasama ko siya. Kayakap at nararamdaman ko na hindi lang ito isang ilusyon katulad dati.

“Bakit nga ba hindi natin pag-usapan babe?” maya-maya’y tanong niya, napakunot ang noo kong napatangin sa kanya. Nakatingala ako sa kanya dahil ayaw niya akong pakawalan.

“Ang alin?”

“Ang lahat. Let’s clear things out.” sabi niya pa sabay halik na magaan sa labi ko. I felt like crying again when I felt his light kiss on mine. Umayos na ko ng upo at pilit na inalis ang yakap niya kahit na nakasimangot na naman siya sa ‘kin.

“We’re gonna talk diba.” natatawang sabi ko sa kanya.

“Yeah, we’re just talking. Bakit kelangan na umalis ka pa sa yakap ko.” nakangusong reklamo niya.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon