Chapter 7

1K 10 0
                                    

Kath’s POV

Dobleng kalabog ang puso ko at parang gusto ng lumabas sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ng hinahalikan niya ko, parang may mga bulate na nagwawala sa tiyan ko at para akong atataken sa sobrang kaba. Di dahil sa takot, kundi dahil sa excitement na nagkukumawala sa kin. Di tulad kanina, mas malalim at mas matagal niya kong hinalikan ngayon. Ni hindi ko alam kung pano ko natagalan ang halikan namin ng hindi man lang ako bumitiw upang sumagap ng hangin. Pero ngayong yakap niya ako sunod-sunod ang paghinga ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa halikan namin o dahil sa malakas pa ring tibok ng puso ko. Mahigpit pa rin ang yakap niya sa’kin hindi ko alam kung bakit siya tumigil sa paghalik sa’kin at nakakahiya mang aminin parang gusto ko pang halikan niya ako.

‘Kath ano ba ‘yang iniisip mo!’

Saway ko sa sarili ko, nakakahiya! Kung nababasa lang ng Kurt ang iniisip ko siguradong magugulat siya! Isiniksik ko pa lalo ang mukha ko sa dibdib niya dahil nahihiya akong tingnan siya. Kakaiba ang epekto ng halik ni Kurt sa’kin, may nararamdaman akong kakaiba at masarap sa pakiramdam iyon.

“Hey, okay ka lang ba?” tanong ni Kurt sa’kin. Tumango na lang ako, hindi ko pa rin magawang tingnan siya dahil sa nangyari ngayon lang.

Iniangat niya ang ulo ko na pilit ko namang nilabanan at pilit pa rin akong sumiksik sa dibdib niya. Naramdaman ko ang mahinang pagtawa niya dahil sa ginawa ko.

“Ano ka ba babe?” natatawang sabi niya.

Kakasiksik ko kakasiksik ko sa kanya naiangat ko ang tuhod ko at sumagi iyon sa katawan niya. Narinig ko ang paimpit niyang ungol na may halong mura ng masagi ko iyon. Agad pa siyang napalayo sa’kin, nagtaka naman ako sa inakto niya at agad rin akong napaayos ng upo.

“Sorry.  Sorry. Sorry!” sabi ko pa at balak na hawakan ang parteng nasagi ko kung san man ‘yon.

“Hep! Dyan ka lang! O-okay lang! W-wag ka ng lumapit! Damn!” narinig ko pang mura niya at nakita ko ang mariing pagpikit niya. Nasaktan ko nga yata talaga siya dahil napapamura pa siya eh!

“Babe sorry talaga. San ba masakit?” tanong ko pa habang nakagat ko pa ang hintuturo ko.

“W-wala! W-walang masakit!” sabi niya at di makatingin sa’kin. “Tigilan mo nga yan!” sigaw niya at nagtaka naman ako.

“A-ang alin?!” balik tanong ko naman habang nakagat ko pa rin ang daliri ko.

“I-iyan! Aiiisssshhh! Babe ano ba?! H-Hindi mo ba lam na nahihirapan ako!”

“Halah! Inaano kita?! Hindi naman ganun kalakas yung pagkakasagi ko sa’yo ah!” nakangusong  sabi ko naman.

‘Ang arte naman niya! Ang hina-hina nun, mas malakas pa nga yung baldahan nila sa court kanina!’

“Aiiisssshhh!” inis na sigaw niya at ginulo niya pa ang buhok niya. “Tigilan mo yang pagkagat-kagat mo dyan sa daliri mo!” nagulat ako na iyon pala ang tinutukoy niya. Agad ko iyong tinigilan at nakangusong tumingin sa kanya.

“Bakit ba?!” inis kong sabi. “naiinggit ka lang yata eh! Eh di kagatin mo rin sa ‘yo!”

‘Badtrip ‘to! Para ganun lang eh nagagalit na!’

“Aaaiiiissshh!!” sigaw niya ulit saka tinalikuran ako!

“H-hoy! San ka pupunta?!” tanong ko.

“Maliligo!” sigaw niya at dumiretso siya sa c.r. ng kwarto niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Nag-uusap lang kami tapos maliligo na?! Anong drama ‘yon?!

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon