Chapter 10

963 13 0
                                    

Kath’s POV

Agad kong pinahid ang luha sa mata ko pagkatapos naming mag-usap ni Kurt. Medyo nagtampo ako dahil umayaw siyang mag skype kami. Miss na miss ko pa naman siya. Naiintidihan ko rin naman na kelangan rin nilang magbreak at magrelax lalo na at may laban sila sa Friday. Importante ang laban nila na ‘yon para makapasok sila sa finals. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang sarili ko bago lumbas ng kwarto ko. Naabutan kong nandun si Mama at nanonood ng paborito niyang palabas sa tv.

Pumunta ako sa may gilid ng sala at pinagpatuloy ko ang pagencode ng mga thesis. Yun ang racket ko ngayon, taon-taong bago matapos ang school year ay tumatanggap ako ng mga typing job. Dinoble ko nga lang ang pagtanggap ngayon dahil may pinag-iipunan ako.

Napangiti ako ng maalala ko ang dahilan kung bakit doble kayod ako ngayon. Kung yung thesis ko lang, matagal ng tapos. Nakapagfinals na rin kami pagkagaling ko ng Manila at okay na ang lahat ng dapat kong i-comply. Okay na rin ang grades ko at narelease na rin ang lahat ng classcards. Kung tutuusin ay libreng-libre na ko, pero mas pinili ko ang magpart-time na lang para makapag-ipon. Malapit na kasi ang eight years anniversary namin ni Kurt at sobrang excited na ko dun.

Third year kami ng regaluhan niya ko ng couple’s ring. Hindi ko yun tinanggap, nagalit siya ng sobra sa’kin at talagang sinigawan niya ko ng bongga.

Flashback…

“Ano na namang problema?!” galit ng talagang sigaw ni Kurt sa’kin. Gulo-gulo na ang buhok niya at para na siyang nasabunutan ng sandamakmak na babae sa itsura niya. Nandito kami ngayon sa pinakadulo ng second floor malapit sa hagdan ng building. Ang mga kaibigan namin ay inintay na lang kami sa may gate, inaya kasi ako ni Kurt at may ibibigay daw siya sa’kin. Third year anniversary kasi namin ngayon. “Pinaghirapan ko naman ‘to babe eh. Kahit itanong mo pa kay Papa at Mama, pinag leave ko pa yung hardinero at boy namin sa bahay para lang makaipon at mabili ko ‘to. Bakit naman ayaw mong tanggapin?” nafufrustrate niyang sabi sa’kin, napangiwi naman ako dahil ang lakas ng boses niya at alam kong galit na siya talaga.

“Babe, wala naman problema eh. Ayaw ko lang---…”

“Ganun lang?! Ayaw mo lang! Shit naman babe oh! Hindi ba pwedeng tanggapin mo na lang?! Bakit ba kasi?! Ano na naman bang nilabag ko sa mga ‘patakaran mo sa buhay’?!”

“Babe, ang bata pa kaya natin. Saka---…”

“Babe naman eh! Couple’s ring lang ‘to! Tss! Sila France at Joanne nga meron nito eh! Anong problema sa pagkakaroon ng couple’s ring?! Paliwanag mo nga!” sigaw na naman niya. Hindi na ko makatapos ng sasabihin ko kakasingit niya!

“Paano ako magpapaliwanag kanina ka pa singit ng singit! Psh! Kainis!” nakangusong sabi ko, kita ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa pagsigaw ko.

“Tss! Wow! Ikaw pa ang galit ngayon?!” di makapaniwalang sabi niya, iiling-iling na naman siya saka ginulo na naman ang buhok niya.

“Eh nakakainis ka kasi eh. Ayaw mong patapusin ang sasabihin ko tas hingi ka ng hingi ng paliwanag.” sabi ko sa kanya saka ko siya inirapan.

“Dahil hindi ko talaga ma gets kung bakit! Babe naman eh!” sigaw na naman niya sabay pigil sa braso ko dahil sa tinalikuran ko na siya.

‘Ang daming arte! Kainis!’

Ramdam kong pilit niyang pinapakalma ang sarili niya, pilit ko namang binawi ang braso ko na hawak niya. Nagsalita na rin ako bago pa man niya ako maunahan.

“Babe, hindi naman kasi sa ayaw kong kunin, kasi nama ang bata pa natin diba. Saka ang gusto ko yung singsing na ibibigay mo sa’kin, yun na rin yung engagement natin.” sabi ko, napalingon siya sa’kin ng marinig niya ‘yan.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon