Chapter 41

864 14 0
                                    

Kurt’s POV

Nagmamadali akong nagmaneho pabalik ng bahay, kung bakit naman kasi ngayon ko pa naiwan ang phone ko. Kagabi pa ako nakauwi ng Bataan para sa grand opening ng resto nila Kath. Oo, masokista na nga siguro ako dahil napapayag ako ni Ate Kara na maging guest nila. Hindi ko mapigilan dahil miss na miss ko na si Kath. Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa resto nila pero hindi ko siya nakikita.

Dalawang linggo na mula nung huli kaming magkausap at hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kanya ang mga nasabi ko nang araw na iyon. Marahil ay dala ng sobrang selos ko kay Eduard. Pero sa loob ng dalawang linggo na hindi ko siya nakita, ay sobrang pagsisisi ko bakit nasabi ko sa kanya ‘yun. Alam kong mali na paasahin ko pa ang sarili ko, pero gusto ko siyang bawiin. Meron sa loob ko ang nagsasabi na ako pa rin ang mahal niya.

Na ako pa rin ang gusto niya. . .

Napakunoot ang noo ko na may mapansin akong kotse na nakaparada sa harap ng gate namin. Pinark ko ang sasakyan ko sa likod ng kotse na iyon at saka pinuntahan ang tao na nasa harap ng gate namin at nakatitig lang doon. Baba-taas ang kamay nito na halatang nag-aalangan kung mag do doorbell ba o hindi. Kaya naman lumapit na ko sa may likuran niya at nagsalita.

“What are you doing here?” nakasalubong ang kilay ko kahit na hindi siya nakaharap sa akin. Sa dami ng tao na maaabutan ko rito sa tapat ngt bahay namin, ay talagang nagulat ako na andito siya. Kita ko ang pagkagulat niya dahil sa biglang pagtaas ng balikat niya. Hindi siya kumilos o humarap man lang, nanatili akong natayo sa likuran niya.

“I said what are you doing here?” ulit ko sa tanong ko, nanatili lang ako sa likuran niya.

Dahan-dahan siya humarap at nanlaki ang mata niya ng tumingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil nawiwirduhan ako sa mga ikinikilos niya.

“A-ah. . . A-ano. . . N-napadaan lang. . . Ahm s-sige a-alis na ko.” utal-utal na sabi niya saka umalis sa harap ko, bago pa man siya makalayo ay hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa pag-alis. Gulat na gulat siyang tumingin sa ‘kin saka bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

“Why?” seryosong tanong ko.

“W-wala. . . S-sige a-aalis na---. . . K-kurt!” hindi na niya nagawang tapusin ang sinasabi niya dahil agad ko siya hinatak palapit sa’kin at saka ipinulupot ko ang mga kamay ko sa may bewang niya. Nilagay niya naman ang kamay niya sa dibdib ko para harangin ako. “A-anong g-ginagawa m-mo?!”

Halata ang panic sa boses niya at ang panginginig ng kamay niya na nasa dibdib ko.

“I miss doing this. . .” puno ng emosyong sabi ko, nakatitig ako sa mga mata niya na gulat na gulat na nakatingin sa ‘kin. “I miss you. . . so much. . . I miss you babe. . .” madamdaming sabi ko pa. Hindi ko alam kung bakit ko ito sinasabi sa kanya, pero hindi ko na kayang pigilan ang damdamin ko.

Tama na ang two hell weeks na hindi ko siya nakita. Niyakap ko siya ng mahigpit, naramdaman ko ang pag-alis ng kamay niya sa dibdib ko. Pumikit ako at ninamnam ang bawat sandaling yakap ko siya. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko tanda ng pagganti niya ng yakap sa ‘kin.

Hindi ko alam kung gaano katagal na yakap ko lang siya. Pakiramdam ko ay tumigil ang oras at ang paligid. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang yakap niya. Ang balat niya sa balat ko. Wala akong pakialam kung nasang lugar kami ngayon, ang tanging pakialam ko ay ang babaeng nasa bisig ko ngayon.

Marahan ko siyang inilayo sa ‘kin at walang pag-aalinglangan na itinaas ko ang mukha niya para halikan siya. Dinama ko ang labi niya at hinagkan ko iyon ng magaan na magaan, na kalaunan ay hindi ko na mapigilan na palalimin.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon