Chapter 21

851 9 0
                                    

Kath’s POV

“Yes!!! Woooooohhhhh!!!” malakas na sigaw ko sabay talon pa ng manalo ang team nila Kurt sa ikatlong pagkakataon. Isa na lang at champion na naman sila this season. Halos pumasok na ko sa loob ng t.v. sa tuwing makakashoot si Kurt at ang iba pa niyang kasamahan.

Kitang-kita sa t.v. kung gaano karaming tao ang nanood, hindi lang ngayon, kahit nung first two games nila. Hindi magkamayaw ang mga fans sa pagcheer at rinig na rinig mo talaga ang pagdagundong ng arena sa lakas ng hiyawan. Kahit ako dito sa bahay ay halos mapaos na kakasigaw kahit na alam ko naman hindi iyon maririnig ni Kurt.

Sa tuwing iko close up si Kurt at makikita ko ang gwapo niyang mukha ay talagang namimilipit ako sa sobrang kilig. Kung minsan ay hindi pa rin ako makapaniwala na akin siya, na ako ang girlfriend niya. Naalala ko pa kung paano siya nagulat nung huminga ako ng kiss sa kanya. Pinilit kong itago ang kaba ko nun at pilit na pinakaswal ang kilos ko. Alam kong nagtaka siya talaga dahil nun ko lang iyon ginawa at hindi naman ako nagsisi dahil nakita ko naman ang resulta na gusto kong makita.

“Hoy mahipan ka ng masamang hangin diyan! Hanggang kabilang baranggay ata rinig na rinig yang hiyaw mo!” sita sa’kin ni Ate Kara.

“Ang galing kasi nila Ate, lalo na siyempre ang babe ko.” malapad na ngisi ko naman sa kanya.

“Si Eduard rin naman magaling ah! Bakit hindi mo siya tinitilian?”

“Joke yan teh?! Hahahaha! Aray!” binatukan niya kasi nung sinabi ko ‘yun.

“Bestfriend mo yung tao, baka gusto mo lang bigyan ng support. Psh!” irap niya sa’kin.

“Eh? Affected? Alam na ni Eduard na suportado ko siya noh. Saka hindi naman niya maririnig ang sigaw ko ah!” depensa ko sa kanya. Matagal ko ng napapansin na iba ang tingin ni Ate kay Eduard. Ayaw ko lang bigyan ng ibang kahulugan dahil kapag magkasama naman sila ay panay rin ang bangayan nila minsan. Pero mas madalas nakikita kong nakatingin si Ate kay Eduard ng palihim. Eto naman kasing bestfriend ko may pagka manhid minsan.

Napapansin ko rin iba yung ningning ng mata ni Ate kapag nanonood kami ng games nila at nakapocus ang kamera kay Eduard. Tulad na lang ngayon, tutok na tutok siya sa t.v habang ini-interbyu si Eduard. Dali-dali kong pinunasan ang labi niya na ikinagulat naman niya.

“A-ano ba?!” asik niya sa kin.

“Tumutulo laway mo Ate. Hahahahahaha!” ngisi ko sa kanya.

“L-laway ka dyan!” irap niya pa sa’kin, pilit niya pang iniiwas ang tingin niya sa t.v. pero mayamaya rin ay tumitingin siya. Lihim naman akong natatawa dahil hindi ko inaasahan na magkakagusto si Ate kay Eduard. At ngayon ay talagang nakumpirma ko na!

“Alam mo Ate ewan ko diyan kay Eduard bakit hindi pa mag girlfriend. Matanda na siya eh! Hahahaha. Pero alam mo teh, ang bagay kay Eduard yung mas matanda sa kanya.” pasaring ko sa kanya.

“B-bakit naman?” utal niyang tanong at hindi makatingin sa ‘kin.

“Seryoso kasi siya madalas, may pag kaisip bata rin minsan. Alam mo naman rin na may pagkamoody siya. So kung kaedaran lang naming yung makakatuluyan  niya, parang hindi siya masyadong mage gets nun, unlike kung mas ahead sa kanya, mas malawak at mas mahaba ang pag-intindi at pang-unawa diba?”

“B-baka ayaw niya sa mas m-matanda.”

“Di pa naman niya nasubukan eh. Wala ngang maipakilala sakin eh! Hahahaha. Ba’t di mo ligawan kaya ate?!”

“Iba naman ang gusto niya---…” inis na napatingin siya sa’kin dahil nabigla siya sa sagot niya.

“Hahahahahaha! Uy si Ate!” tukso ko pa sa kanya. Pulang-pula ang mukha ni Ate Kara at panay ang irap sa ‘kin.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon