Chapter 31

790 8 0
                                    

Joanne’s POV

Nanginginig ang kamay ko habang idinadayal ang number ni France, halos mabitawan ko pa ang cp ko ng magsalita na siya s kabilang linya.

“Hon?”

Parang naumid ako ng marinig ko ang boses niya.

“Hon? Are you still there? May problema ba?” sunod-sunod na tanong na niya.

“I-I’m fine. Are you here na in Bataan?” pinipigilan ko ang mapaiyak kahit na kanina pa nag-uunahan ang luha sa mata ko.

“Hey are you okay honey? Nasa bahay ka ba ngayon? Pupun---…”

“I’m home. I’ll wait you here, please make it fast hon.” putol ko sa sasabihin niya, kasabay ng pagpatay ko na rin sa phone ko.

Alam kong nagtataka siya sa inaasal ko ngayon pero saka ko na iisipin iyon. Ang mahalaga ngayon ay ang babae sa harap ko na kanina pa walang tigil ng iyak. Agad ko siyang nilapitan at niyakap naman niya ako agad. Hindi ko na naman mapigilan ang mapaiyak at maawa sa kanya. Mugtong-mugto na ang mata niya sanhi ng ilang araw na rin niyang pag-iyak. At maitim na rin ang paligid nun, halatang ilang gabi na siyang walang tulog.

“Ssshhh… It’s okay… Everything’s we’ll gonna be okay… Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya, kanina ko pa siya hindi makausap ng maayos, panay lang siya iyak at walang kibo. Paputol-putol niya naman naikwento sa’kin ang nangyari, pero marami pa rin akong tanong sa kanya.

“Kumain ka muna…” sabi ko habang iniaabot sa kanya ang sandwich na dinala ng maid namin.

Patuloy lang siya sa pag-iyak, pinahiga ko muna siya sa kama habang hinahaplos ko ang likod niya. Pagtingin ko ay nakatulog na siya, inayos ko muna ang kumot niya saka ako tumayo. Sakto namang nagsidatingan na sila Hannah, Kristine at April. Nauna ko na silang tinawagan bago pa man ang mga boys. Agad silang pumasok pero inunahan ko na agad sila at tinulak palabas ng kwarto.

“What happened?” tanong ni Hannah.

“Dun tayo sa baba, baka magising siya eh. Sabi ni Ate Kara, wala pa raw tulog yan.” sabi ko saka nagpauna ako sa baba, sa terrace ako tumuloy habang inutusan ko ang maid namin na maglabas ng pagkain.

Kanya-kanyang upo na sila at nakatingin lahat sa’kin. Bakas ang pag-aalala sa mukha nila.

“Spill it now Jo, I hate suspense you know.” di makatiis na tanong agad ni Hannah.

“She texted me kaninang umaga, asking kung nandito na ko. Mabuti na lang at nauna na kong umuwi kina Mama. When I saw her, sobrang naawa ako sa kanya girls. She almost cry a river when she saw me. Halos wala siyang tigil ng kakaiyak mula pa kaninag dumating siya at hindi rin kumain.” hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa harap nila.

“Ano bang nangyari? Is something happen with Kurt?” tanong ni Kristine.

“Wait, diba the other day France texted us asking kung may contact tayo kay Kath?” dagdag na tanong ni April.

“May babae si Kurt.” gigil na sabi ko sa kanila. Nagagalit ako kay Kurt dahil hindi deserve ng kaibigan namin ang pangloloko niya.

“WHAT???!!!” sabay-sabay na sabi nila. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa narinig nila at hindi agad sila nakasalita.

“How---…” – Hannah.

“Imposible---…” – April.

“Bakit---…” – Kristine.

“Ako rin hindi ako makapaniwala. Halos pagtawanan ko nga si Kath eh, pero nung kinuwento niya how she found out, lahat ng benefit of the doubt sa isip ko nawala…” sabi ko hanggang sa ikuwento ko lahat ng sinabi ni Kath.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon