Chapter 23

843 12 0
                                    

 Kath’s POV

Sunod-sunod ang paghinga ko para mapawi ang kabang nararamdaman ko. Nandito na kami nila Joanne ngayon sa Chillin, dito daw gaganapin ang celebration ng team nila Kurt para sa pagiging champion nila sa UAAP. Wala sana siya dito dahil nagpupumilit siya na uuwi kapahon pa sa Bataan dahil anniversary namin ngayon, pero hindi ako pumayag. Syempre naman dahil masisira ang plano ko na pinagtulungan namin nila Joanne.

Kahapon pa ko na kina Joanne para hindi ako ngarag ngayon. Nag-uumapaw sa excitement ang nararamdaman ko dahil sa maaaring kalabasan ng sorpresa ko sa kanya. Todo-tampo pa siya sa’kin dahil hindi ko siya pinayagan na umuwi. Pinaliwanag ko na lang sa kanya pero alam kong nagtatampo pa rin siya. Kanina niya pa ko tinatawagan at tinitx kaya naman inoff ko muna ang phone ko. Sigurado naman na mawawala lahat ng tampo niya pag nagkita kami mamaya.

Halos mapaos ako kakasigaw sa dorm nila Joanne, nung manalo sila Kurt at mag champion. May bonus pa na siya na naman ang naging MVP ngayon season na ‘to. Hindi ako sumama kina Joanne ng manood ng live sa arena dahil ayokong makita ako ni Kurt roon. Mahirap ng magbaka sakali dahil siguradong mapupurnada ang lahat ng pinaghirapan namin nila Joanne.

“Joanne sigurado ka ba na dito?” kinakabahang tanong ko kay Joanne.

“Oo naman bru! Sus magsisinungaling ba naman sa’kin si France!” malakas na sabi niya sa’kin. Medyo umiingay na kasi sa loob. Marami-rami na ring tao pero hindi ko masyadong masipat ang mukha nila dahil sa medyo madilim sa loob bukod pa sa nakakahilo ang disco light dahil masyadong magalaw iyon.

“Bakit wala akong makita na ka-team niya?” sigaw ko pa sa kanya.

“Baka mamaya pa, sabay-sabay raw silang lalabas eh. Alam mo na grand entrance.” ganting sigaw sa’kin ni Joanne na sinabayan pa ng pagngisi.

“Okay naman na ang lahat diba?” kabadong tanong ko ulit sa kanya.

“Kath, relax okay, kahit wrapper lang ng kendi ang ibigay mo kay Kurt siguradong magtatalon pa sa tuwa ‘yon! Hahahaha! Everything is set, just relax and enjoy the night.” bigay-assurance niya sa’kin, tinapik niya pa ko sa balikat saka lumakad na papasok sa loob ng bar.

Inaya ako ni Joanne sa may pinakagitnang bahagi ng lugar malapit sa stage. May mga stand up comedienne daw kasi mamaya bago ang disco na uumpisahan pagtungtong ng alas dose ng gabi. Kaya naman ang space ng para sa disco medyo lumiit dahil nilagyan iyon ng ilang lamesa at upuan.

Palinga-linga ako sa pag-asang makita ko ang team nila Kurt, nakita ko naman sila Hannah, Kristine at April na palapit na sa’min. Nag-beso pa kami at nagyakap. Halata ang excitement sa mukha nila.

“Excited ka na ba bru?” masayang tanong ni April. Kasama silang lahat sa pagpaplano nito kaya naman alam kong excited na rin sila.

“Kinakabahan ako bru. Pero dahil sa sobrang excitement.” nakangising sabi ko naman kay April.

“Asus! Ngayon ka pa talaga kinabahan ah! Oy bawal ng magback out!” tukso niya pa sa’kin.

“Kuha muna ko ng drinks ha.” paalam samin ni Joanne. “Bru samahan mo ko.” aya niya kay Hannah.

“Bru” tawag naman sa’kin ni Kristine. “Powder lang ako ha.” tumango na rin ako sa kanya. Humabol naman si April na mag-ccr din daw. Ang nangyari, naiwan akong mag-isa sa table namin. Luminga ulit ako s pag-asang makikita ko na ang team nila Kurt pero bigo pa rin ako. Mayamaya lang ay dumilim na at tanging nasa stage ang spotlight.

‘Ai may banda rin pala. Pwede kayang magrequest sa kanila mamaya habang binibigay ko ang regalo ko kay Kurt?’

Naimagine ko ang magiging reaksyon ni Kurt at hindi ko mapigilan ang mapangisi.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon