Chapter 18

900 9 0
                                    

Kath’s POV

‘Anong problema nun?’

Tanong ko sa isip ko ng talikuran ako ni Kurt at nagdire-diretso sa kusina. Susundan ko na sana siya ng biglang may mag doorbell at dumating ang pinadeliver nilang pagkain. Nagkagulo na sila at nagkanya-kanyang kuha ng pagkain, kumuha na rin ako at kinuhanan ko si Kurt saka ako dumiretso ng kusina. Pagpunta ko dun ay wala siya, nagpalinga-linga pa ko at nakita kong nakabukas ang back door. Marahil ay nandoon siya kaya naman pumunta na rin ako doon dala ang pagkain namin.

Malilim sa parteng iyon dahil sa maraming puno sa paligid malakas pa ng simoy ng hangin at talagang nakakarelax. Nadatnan ko siyang nakaupo sa umbrella table at malayo ang tingin, mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi niya man lang naramdaman ang paglapit ko. Nakatalikod siya sa’kin, dahan-dahan kong nilapag muna sa may damuhan ang plastic ng pagkain na hawak saka ko siya niyakap sa likod at mabilis na hinalikan sa mga pisngi.

“Yay!” malakas na sigaw niya at saka mabilis na kumalas sa yakap ko at lumayo sa’kin.

“Oy! O.A. ka na ha. Psh!” inis na sabi ko sa kanya dahil medyo naoffend ako sa reaksiyon niya. Kinuha ko ang pagkaing dala ko saka inilapag iyon sa lamesa at umupo. “Upo.” Mariing utos ko sa kanya, dahil nakatayo lang siya doon at nakatingin sa ‘kin.

Umupo naman siya sa tapat ko, hindi siya makatingin sa’kin kaya mas lalo akong nawiwirduhan sa kanya. Inayos ko ang pagkain namin at saka ko inabot sa kanya ang kutsara’t tinidor para kumain. Wala pa rin siyang kibo at paiwas ang tingin sa ‘kin.

‘Ano kayang problema ng isang ‘to? Kanina pa siya parang umiiwas sa’kin eh.’

“Babe, naiinis na ko. Ano bang problema?” diretsong tanong ko sa kanya.

“W-wala na---…”

“Kurt tigilan mo ko diyan sa sasabihin mong wala na naman ha! Psh. Alam kong meron kaya sabihin mo na kasi naiinis na talaga ako. Sala sa init ka, sala sa lamig. Kagabi naman---…” agad kong napatakip ang kamay ko sa bibig ko ng mag flashback lahat sa isip ko ang nangyari kagabi!

Mas lalo siyang natahimik at ngayon ay diretsong nakatingin sa ‘kin. Malalim at parang… mainit??!

‘Wait, what Kath?! A-anong ma-mainit???!!! Erase. Erase. erase!’

Ako naman ngayon ang naging uneasy at awkward ng maalala ko ang nangyari kagabi! Sunod-sunod ang pagkabog ng puso ko at parang gusto ng lumabas sa dibdib ko. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko, nanlaki naman ang mata ko saka napaatras sa kinauupuan ko. Sige pa rin ang paglapit niya habang napapaatras naman ako!

Halos gadangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha dahil wala na rin akong aatrasan, sagad na sa sandalan ng upuan ang ulo ko. Matiim pa rin siyang nakatitig sa mata ko at maya-maya lamang ay inalis niya ang kamay kong nakatakip sa bibig ko at saka tinitigan ang labi ko!

‘Shet na malagket!’

Parang nag ba-banjuee jumping ang puso ko sa lakas ng pagtalbog nun sa dibdib ko.

‘Kalma puso! Kalma.’

Sige pa rin ang pagtitig niya sa labi ko at maya-maya lamang ay hinawakan niya iyon gamit ang thumb finger niya! Marahan niyang dinama ayon saka ngumisi ng nakaakit sa’kin! Mas lalong nanlaki ang mata ko ng unti-unti na niyang tinatawid ang maliit na espasyo sa pagitan ng aming mga labi. Kaya naman malakas ko siyang tinulak!

 “Aray ah!” malakas na sigaw ni Kurt dahil tumatama siya sa upuan niya. Napatayo ako at lumayo sa kanya. Ang sama ng tingin niya sa’kin, nginiwian ko lang siya saka pinakalma ang puso kong talon ng talon.

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon