MARIA'S NOTE:
Oops~ Sa mga nagbabalak magbasa nito na hind pa nababasa yung My Brutal Wife, wag muna dahil malilito kayo. Obvious naman na Book two na 'to, hehe. So, basahin muna ang MBW :))
Wala po akong kaalam-alam sa trabaho ng pulis, kung paano sila kumilos, kung paano magtrabaho, kaya kung MALI o BAWAL man sa pulis ang mga nakatype dito ay pagpasensyahan nyo na lang po. This is a fiction :)
So here is the book two :)) Sana suportahan nyo pa rin ito kagaya ng pagsuporta nyo sa Book one.
Wala pa pong cover :/ dinudugo ang utak ko sa paggawa! Wala kasing tumutulong sa akin :/ Anyways, enjoy reading!
--------------------
Panimula.
5 years. 5 years ang lumipas.
Hindi naging madali sa aming dalawa ang apat na taong magkahiwalay.
Hindi naiwasan ang selos, na baka may kasamang iba ang kung sino man sa aming dalawa.
Marami syang naging kasalanan sa akin. Napakarami.
Nung unang buwan ng pag-alis nya ay madalas pa ang tawagan namin. Naiintindihan ko kung minsan ay hindi sya nakakatawag dahil alam kong busy rin sya, ganun din naman ako.
Pero pagkalipas ng limang buwan. Halos isang beses sa isang linggo na lang sya kung tumawag. Sinubukan kong tawagan sya nun pero operator lang ang sumasagot sa akin.
Naiinis na ako. Gasino man lang kung magtext sya na busy sya, para hindi ako umasa. Kaso wala!
Gusto ko sana syang sundan at pagbubugbugin kaso hindi ako basta-basta makaalis dahil hindi biro ang pagpupulis. Lagi pa kaming nasa biladan.
Kahit si daddy ay hindi rin macontact.
.
.
.
"Hayaan mo na princess. Baka maraming ginagawa." Laging sinasabi sa akin ni Kuya Alfred.
"Who knows? Baka may kasama ng iba." Pahaging naman lagi ni kuya John. At ang sagot..
"Nakakatulong ka Kuya John!" Eksaheradang sabi ko.
.
.
.
Hindi talaga 'yun nakatulong. Kasi talagang nababagabag ako. Paano nga kung may babae talaga sya dun?
At ang kinaiinisan ko pa ay kahit wedding anniversary namin ay hindi sya umuwi.
.
.
.
"Happy Anniversary Babe. I love you--- Yeah! Wait Mr. Lee. Babe I have to go. Bye." Then he ended the call.
.
.
.
Ang ganda ng bati nya diba? Hindi manlang ako nakapag salita.
Hayaan na natin si Stanley. Baka patay na. Maghahanap na lang ako ng bagong partner sa story na 'to. Hehe!
Mahirap mamuhay ng mag-isa, kahit na kasama ko sa bahay si Manang.
Minsan kailangan kumilos mag-isa. Kadalasan kasi madaling araw na ako umuwi galing sa pag o-ojt.
Nakapag trabaho naman ako sa hotel namin. Naging working student ako. Kinaya ko naman dahil hindi naman ganun kabigat ang mga ginagawa ko.
At sa awa ng Diyos ay nakapag ipon na ako.
Bago kami mawalan ng koneksyon ng magaling kong asawa ay napag desisyunan naming ipa renovate ang bahay.
Si Stanley ang nag design ng loob ng bahay.
Sa labas may mini garden, na pwedeng pag dausan ng party, syempre hindi mawawala ang pool. May parking lot na kasya ang dalawang kotse.
Sa loob naman, unang makikita ang sala. May 32" flat screen t.v., stereo. May dingding bago marating ang kitchen, malaki ang pinagawa ni Stanley dahil nandun na rin ang lamesa para sa kainan.
Sa 2nd floor ang mga kwarto. Hindi na kagaya ng dati na naka tapat ang pinto sa sala, medyo tago na.
Mayroon kaming limang kwarto, every room has a bathroom. Una ay ang guest room na mallit lang naman, ang katapat na kwarto ay guest room pa rin.
Ang pangatlo ay ang kwarto daw ng magiging anak namin. Excited masyado. Isang bed pa lang ang laman ng kwarto na 'yun, pero cute ang wall. Sya pa rin ang nagdesign nun. May naka drawing na langit sa apat na wall, at pagtingala sa kisame ay makikita ang kalangitan tuwing gabi. Katapat nun' ay ang master's bedroom, mas malaki 'to. Para daw pwede kaming maghabulan. Haha.
Syempre hindi mawawala sa loob ang pinakamamahal kong punching bag.
Simple lang ang kwarto namin. May malaking closet para sa aming dalawa, at kung ano-ano pang appliances.
Sa dulo ang study room ni Stan. Paniguradong puro pang opisina 'yun kaya hindi ko na ieexplaine.
May isa pa pala akong nakalimutan. Ang wine cellar sa baba ng kitchen! HAHA!
---------
01/29/2017
Highest rank #299 in Chicklit
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet