Nangingiti si Anton habang pinagmamasdan ang kanyang mag ina na masayang naglalaro ng luto lutuan ng umagang iyon. Nagpasya siyang panoorin muna ang kanyang mag ina habang umiinum siya ng kape bago pumasok sa kanyang trabaho. Napakatiyaga ni Martha na alagaan ang kanilang anak na si Martina kahit na may pagka spoiled ito.
Nagagawa ni Martha na paamuhin ang anak nila tuwing umaga kapag sinusumpong ito ng tantrums nito,kaya naman wala siyang masabi sa asawa.
"Oh gising na pala si Dada anak..".nakangiting wika ni Martha ng mapansin siya nito na nakatingin sa dalawa.
"Dada!!!!!".malakas na sigaw ng anak sa kanya bago ito tumakbo papalapit sa kanya para humalik sa pisngi. Ganun ka sweet ang anak nila lalo pa at naturuan ng maayos ni Martha.
Good morning baby ko...".nakangiting bati niya sa anak.
"Morning Dada..".matabil na sagot ng anak sa kanya.
"Pasok ka na ba Dada?? Naka ready na lahat ng babaunin mo..Nasa mesa lang nakapatong..".masiglang sabat ni Martha sa paglalambingan ng mag ama.
"Naku tiyak mapapadami na naman ang kain ko mamaya..The best ata magluto ang asawa ko...Parang professional cook..".papuri ni Anton sa kabiyak.
"Asus...nambola ka pa...Sige na tapusin mo na yang kape mo at ihahanda ko na ang mga labahin para maaga kami matapos maglaba ni Martina..".nakangiting tugon niya dito.
"Masarap ng magluto tapos napakasipag pa..Wala na akong hahanapin pa...Napakaswerte ko talaga sayo Mama..".muling sambit ni Anton sa asawa.
"Asus....maiwan ko na muna kayong mag ama dyan..akyat muna amo sa taas..".aniya sa asawa bago iniwanan ang mga ito para kunin ang mga labahin.
Hands on kasi siya sa lahat ng gawaing bahay dahil ayaw niyang kumuha ng kawaksi dahil gusto niya siya mismo ang mag aasikaso sa pamilya niya. Isa yun sa mga langakong binitawan niya ng ikasal sila ni Anton kaya naman talagang tinutupad niya ito at hinding hindi niya pagsisisihan lahat ng desisyon niya sa buhay."Mama..matagal kapa ba diyan?? Pasok na ako sa trabaho..ikaw na muna bahala kay Martina"..malakas na sigaw ni Anton mula sa baba kaya naman dali dali siyang naglakad pabalik sa salas.
"Oh sige,mag iingat ka Dada ha...Anong palagi mong iisipin pag nakakita ka ng magandang chicks sa daan?".nakangiting tanung niya sa asawa.
"Hindi ko na kailangan ng chicks dahil mayroon na akong litson,hahahahaha!!".pang aasar ng asawa niya sa kanya.
"Dada naman...".kunwari nakasimangot na wika niya rito.
"Hahahaha, biro lang Ma....Syempre aanhin ko pa ang ibang babae kung andiyan na kayo ni Martina? Sibrang swerte ko na sainyong dalawa Ma,at hindi na ako maghahanap pa ng bato na ipupokpok ko sa ulo ko...".malambing na wika ni Anton sa asawa bago ito hinalikan ng mabilis sa labi habang di nakatingin ang anak.
"Thank you Dada..Martina and I loves you so much...Mag iingat ka..".masayang bilin ni Martha sa asawa bago ito inihatid ng tanaw habang papasakay sa kotse nito para pumasok sa pinapasukan nitong kumpanya bilang isa sa mg arkitekto.
***
Pagkaalis ng asawa ay agad niyang inayusan ang anak at bahagyang naglinis sa salas. Darating kasi ang nanay niya para bisitahin sila kaya naman kailangan niyang maglinis lalo ng bahay lalo pa at may pagka metikulosa ang inang si Corazon.
"Anak pwede ka bang maupo muna sa sala...Maglilinis lang ang mama..Pwede bang magbehave ka muna? Darating kasi si Mamita mo eh..Namiss ka na daw niya anak....".nakangiting pakiusap niya sa anak na agad naman nitong sinunod.
Pasalamat na lang siya sa anak sapagkat mapapakiusapan niya ito palagi at talaga namang napakabait.Maya maya pa ay dinala na niya sa likod bahay lahat ng labahan niya para simulan na ang lagbababad sa mga puting damit at pagsalang sa washing machine ng mga de kulay na damit. Saglit pa niyang nilanghap lahat ng polo na sinuot ng asawa dahil gustong gusto niya ang amuyin ang mga damit na pinagpawisan ng asawa,napakamasculine kasi noon at sobrang sarap ng dating sa ilong niya.
"Mama dito na po si Mamiitttaaaaaaa!!!".malakas na sigaw ni Martina sa kanya kaya naman agad din siyang bumalik sa salas at tma nga ang anak. Andun na ang nanay niya na nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa kanya.
"Ohh bakit naman ganyan ka makatitig sakin mommy mukha kang nakakita ng multo.."biro niya sa ina pagkatapos humalik dito.
"Santisima Martha,talagang pinabayaan mo na ang sarili mo..Mukha ka ng balyena sa taba mo..".ani ng ina habang nakatitig sa kanya.
"Pambihira ka naman mommy,asawa ko nga di nagrereklamo eh..hahahahha".
"Aba hindi talaga yun magsasalita dahil takot na maoffend ka..Pero anak,look at you...Para kang may dalang belt bag palagi at ang mga braso mo namumutok sa laki..".
"Hay naku mommy...wag mo na ngang oinapansin ang taba ko....Ang asikasuhin mo yang apo mo dahil kanina pa excited yan na makita ka..Ipaghahanda lang kita ng kape..".aniya sa ina bago ito tinalikuran para ipagtimpla ng maiinum. Bukod kasi sa ayaw niya ng humaba ang usapan tiyak na hindi iyon titigil hanggang sa mapilit siya nito na mag gym at mag diet.
Pasimple niyang tinitigan ang kabuuan sa malakinv salamin na nasa gilid ng salas nila at kita niya na tama nga ang ina. Sobrang laki ng itinaba niya at halos magmukha na siyang matanda sa totoo niyang edad.
Napabuntunghininga na lang si Martha bago lumapit sa ina at ibigay ang kape nito. Malaki naman ang tiwala niya kay Anton na kahit mataba na siya ay hindi nito magagawang maghanap ng iba. Dahil siya ang mahal ng asawa at mahal nito ang pamilya nila.
BINABASA MO ANG
Martha's Revenge(COMPLETED)
HorrorHell hath no fury like a woman scorned lalo na kapag pinatay mo siya.