Nagwawalis sa bakuran si Corazon ng makarinig ng mahinang tawag mula sa bakuran kaya naman agad niyang tiningnan kung sino ang dumating.
"Sino ho sila?".magalang na tanung ni Corazon habang pinagbubuksan ng gate ang dalaga.
"I'm Monique Peralejo po...Katrabaho po ako ni Anton at may itatanung lang po sana ako sa kanya regarding sa project na pinagsamahan namin,eh hindi po siya pumapasok kaya ako na lang po ang nagpunta...Pwede ko ba siyang makausap??".
"Ayy ganun ba hija??madalas siyang nasa kwarto at hindi makausap pero sasabihin ko sa kanya na narito ka..Halika pasok ka..".nakangiting wika ni Corazon sabay bukas ng gate para makapasok ang dalaga at agad itong iginiya papasok sa sala. Saglit niyang tinawag si Martina na naglalaro ng mga dahon at tila may kausap.
"Martina...Apo...halika muna rito maya na natin ituloy ang pag lilinis...Samahan mo ako kay Dada bilis..sabihin natin may bisita siya...".
"Bad siya Mamita.."ani ni Martina sabay turo kay Monique na noon ay nakatitig sa napakalaking wedding picture ng mag asawa.
"Wag kang magsasalita ng ganyan apo...Bisita natin siya...Tara na at ipaalam natin sa Dada mo na may bisita siya..".yakag ni Corazon sa anak sabay karga dito.
"Bad ka!!! Pupuntahan ka ni Mama mamaya!!".ani ni Martina ng madaanan nito si Monique ngunit binalewala lamang iyon ng dalaga. Si Anton ang ipinunta niya roon at hindi si Martina o si Martha.
"Anton,anak...May bisita ka..Monique daw ang pangalan at may itatanung daw sayo..".wika ni Corazon kasabay ng mahinang pagkatok sa pintuan ng silid nito.
Ilang minuto ang pinaghintay nila ng biglang lumabas si Anton na akala mo ay hindi na nakatikim ng ahit,ligo at suklay.
"Sino ho Mommy??".nanlalaki ang mga matang tanung ni Anton.
"Si Monique daw siya hijo at may itatanung daw siya sayo...".takang sagot ni Corazon sa manugang.
"Ganun ho ba Mommy? Sige po lalabasin ko muna...Pwede po bang ipasok mo muna si Martina sa kwarto niya? Salamat po Mommy..".
"Sige,lilinisan ko na rin siya dahil naglaro ng lupa sa labas..".ani ng matanda sa manugang at naglakad na papasok sa kwarto ni Martina habang karga karga ang bata.
Maya maya pa ay patakbong bumaba sa salas si Anton na animo'y nagmamadali.
"Anong ginagawa mo rito??".madiing wika ni Anton sabay hablot sa braso ng dalaga at kinaladkad ito palabas ng bahay.
"Aray Anton nasasaktan ako..".nakangiwing ani ng dalaga.
"Bakit ka nandito?!".
"Namimiss na kita eh..Hindi ka pa rin pumapasok...".
"Di ka ba talaga marunong mahiya o makonsensya sa mga ginawa mo???".
"Excuse me???? Ginawa ko o ginawa natin??? Wag mong isisi sakin lahat Anton..".
"Ikaw ang dahilan kung bakit nagulo ang pamilya ko..Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang asawa ko..".
"Wag kang magmalinis Anton...Dahil alam mo kung anong totoong nangyari..Sa ayaw at sa gusto mo damay ka dito...".
"Na labis kong pinagsisisihan Monique..Sana hindi na lang kita nakilala!".
Pak!
Isang malakas na sampal ang iginawad ng dalaga kay Anton na siya nitong ikinagulat kaya halos hindi ito makatinag sa ginawa ng dalaga.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan na para bang hindi mo rin nagustuhan ang lahat ng nanggari..Ipapaalala ko lang sayo na ginusto mo na ring mangyari ang mga nangyari satin at di mo yan maitatanggi sakin Anton dahil alam ko lahat ng yan!".
"Oo na...Aaminin kong ginusto ko din ang lahat...Pero ikaw pa rin ang may kasalanan kung bakit siya namat-".
"Ginawa ko yun para sating dalawa!!! Para tuluyan ka ng makawala sa kanya...Kahit di mo sabihin alam kong gusto mo na ring makawala sa kanya. Ginawan ko ng paraan..".mariing wika ng dalaga habang nananatiling nakatulala si Anton at hindi makapagsalita.
"Pero mali at hindi tama!!".
"Oh tapos?! Ano isusumbong mo ako sa pulis?! Sige para pati ikaw makulong...Para tuluyang mawalan ng mga magulang na mag aaruga kay Martina...Sige para wala ka ng mukhang ipagmamalaki sa anak mo!".pananakot ni Monique dito.
Bahagya namang natigilan si Anton ng marinig nito ang mga sinabi ng dalaga at saglit na nag isip.
"Anton...ano ka ba...Malaya ka na...Wala na siya kaya magiging malaya na din tayo...Hindi ka ba natutuwa? Hindi na natin kailangang magtago pa dahil wala na tayong pagtataguan..".
"Nakokonsensya ako Monique....Sana hindi na lang siya namatay para hindi nawalan ng ina si Martina..".
"Andito ako Anton..Handa akong maging ina ni Martina...".
"Monique...Hindi mo naiintindihan.....Kailangan ni Martina ng nanay niya....At yun ay si Martha..".
"Bata pa si Martina,pasasaan ba at matatanggap din niya ang pagkawala ng ina niya...Lalo na at nandito ako...Pero sa ngayon agbihis ka muna....Sabay na tayong pumasok.. Ilang araw ka ng hindi pumapasok may nakabinbin pa tayong project.".maawtoridad na wika ni Monique kay Anton na parang wala sa sarili na sumunod din sa dalaga.
Samantala hindi alam ng dalawa na may lihim na nagmamasid sa kanila at hindi ito natutuwa sa mga nangyayari. Hindi siya papayag na maging maligaya ang dalawa lalo na at ang mga ito pa ang naging dahilan ng kamatayan niya.
******
"Mommy,papasok na po ako sa trabaho..May mga projects po pala akong napabayaan ko na mitong nakaraang mga araw...Pwede po bang kayo muna bahala kay Martina??".magalang na paalam ni Anton sa biyenan habang inaayos ang pagkakasuot niya ng kurbata.
"Dada..Wag kang sasama sa kanya,bad siya!!".biglang sabat ni Martina sa usapan nila.
"Wag mo ng pansinin tong si Martina at kanina pa ito nagkakaganyan sinasaway ko na nga . ..".
"Ganun po talaga siguro ang mga bata...hayaan na lang po natin..".
"Wag kang mag alala ako muna ang bahala dito sa apo ko...Sige na pumasok ka na sa trabaho...".nakangiting sagot ng matanda.
"Salamat po Mommy...".aniya bago tuluyang bumaba ng hagdan para samahan si Monique sa pagpasok, iisang kotse na lang din ang ginamit nila dahil coding ang kotse ni Anton.
"Magbabayad kayong dalawa!!!!".ani ng isang tinig mula sa babaeng nakasilip sa bintana habang nanlilisik ang mga mata dahil sa poot at galit.
"I told bigboss na late tayong makakapasok at pumayag naman siya..Sabi ko meron tayong imemeet na prospect clients kaya di na rin siya nag usisa.".
"Akala ko ba about kay Mrs. Edenburg ang dahilan kaya tayo papasok???".
"Yup,but before that daan muna tayo sa bahay natin sa Marikina....Namiss na kita ng sobra Anton...".ani ni Monique habang hinahaplos ang hita ng lalaki.
"Monique...".paos na wika nito.
"Alam kong namimiss mo din yun..Don't worry....Aalisin natin yang pagkamiss mo sakin mamaya..".nanunuksong wika nito may Anton kasabay ng pagkagat ng mapupulang labi ng mga ito.
******
@Martha's residence...
"Apo,bakit mo sinasabing bad yung babae na kasama ng Dada mo??".takang tanung ni Corazon sa apo.
"Sabi po ni Mama sakin,bad daw po siya at wag daw po tayong lalapit sa kanya...".
"S-si Mama mo??".kabadong tanung ni Corazon.
"Opo....Sabi niya po monster daw po si Ate...Kaya dapat we should stay away from her...".
"Apo baka nananaginip ka lang....Paano masasabi sayo ni Mama mo na bad siya e ilang araw ng wala ang Mama mo??".
"No Mamita, andito lang po si Mama...Palagi po natin siyang kasama....Andiyan nga po siya nakatayo sa likod mo..".inosenteng sagot ng bata sabay turo sa likod ni Corazon kaya naman halos hindi makagalaw sa sobrang takot ang matanda dahil sa biglaang paglamig ng temperatura ng kwarto at ang biglaang pagkalat ng amoy kandila sa loob niyon.
BINABASA MO ANG
Martha's Revenge(COMPLETED)
HorrorHell hath no fury like a woman scorned lalo na kapag pinatay mo siya.