Cinco

628 11 0
                                    

Malamig na wisik ng tubig ang nagPagising sa kamalayan ni Benjie at agad itong nagpunas ng mukha habang pilit na idinidilat ang mata. Nakita niya sa Monique na nakabihis na at kasalukuyang nag aayos ng buhok.

"Wake up Benjie,wala ka sa bakasyon..May pasok pa tayo..".simpleng sabi nito sa kanya ng makita siya nitong umupo sa kama.

"Haa?? Anong oras na ba???".

"Alas sais na ng umaga...magbihis ka na..At siya ngapala kanina pa may tawag ng tawag sayo..".ani ng dalaga sabay nguso ng cellphone niya na maayos na nakalagay sa maliit na mesa sa gilid ng kama ng dalaga.

"Oh shit!!!".bulalas ni Benjie ng makitang may 20 missed calls ang nobyang si Vergie. Tiyak niyang katakot takot na namang paliwanag ang kakailanganin niya para mapaamo ang nobya.

"Wear this..".ani ng dalaga sabay abot sa kanya ng puting long sleeve at itim na pantalon.

"Huh??".

"Alangan namang hindi ka magpalit ng damit pagpasok mo..Ano na lang sasabihin ng mga kaopisina natin..It's unused,so wear it..bilisan mo at bibyahe pa tayo..".

Agad namang nagbihis ang binata dahil kailangan na niyang matawagan si Vergie dahil tiyak niyang umuusok na ang ilong nun sa galit sa kanya.

Pagkatapos magbihis ay agad silang bumaba para pumasok sa trabaho ngunit sa lobby pa lang ay pinigilan na siya ng dalaga.

"Mag taxi ka dahil ayokong pumasok na kasabay ka..I don't want them to think na magkasama tayo buong gabi..".anito sa kanya bago naglakad patungo sa parking area ng condo ng dalaga. Napapakamot na lang ng batok si Benjie dahil kung umasta ang dalaga ay animo'y walang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi.

Pailing iling ang binata habang naghihintay ng taxi na masasakyan ng biglang tumawag ulit ang nobya kaya naman agad niya itong sinagot upang magpaliwanag. Maswerte na nga lang siya dahil agad siyang nakasakay ng taxi at maluwag pa ang daluy ng trapiko kaya halos sabay din silang dumating ni Monique at agad siya nitong kinausap.

"I don't want anyone to know what happened between us last night. Keep your mouth shut or else you'll dead.".seryosong ani sa kanya ng dalaga bago ito nagmamadaling pumasok sa opisina nito.

"Grabe namang babaeng 'to matapos ng lahat lahat nambablackmail pa..".pailing iling na anas ng binata ng bigla siyang tapikin sa balikat ni Anton na kadarating lang din.

"How's your night pare? Enjoy ba?".nakangiting tanung ni Anton sa kaibigan habang sabay na silang naglalakad.

"Yeah..It's fun...nalasing naman lahat..".nakangising sagot ni Benjie sa kanya.

"That's good...I know mag eenjoy ka..Ikaw pa ba..Oh paano start na tayong magtrabaho...Mahaba haba pa ang araw na bubunuin natin dito..".ani ni Anton bago ito tuluyang pumasok sa opisina nito at maya maya ay parehas na silang naging abala sa mga gawain.

Busy si Anton sa kakacheck ng blueprint niya ng biglang kumatok at dumungaw si Monique na ngiting ngiti.

"Hi Mr.Aldana.... Can we talk for a minute??".nakangiting ani nito.

"Yup... sure..please come in...Anong atin?".nakangiting tanung niya sa dalaga.

"About sa isang remote island sa Masbate...May nakausap na kasi si Mr.De Vera na isang businessman na gustong gawing mini boracay ang island na yun..And of course magtatayo sila ng mga building,hotels and restaurant. Tayo ang napili niyang mag designs ng mga itatayong infrastructure doon. Mr. De Vera decided to give me a break and....I am in need for a partner...I am hoping na pwede ka??".

"Why me??".nagtatakang tanung ni Anton sa dalaga.

"Well,last night I've heard na isa ka daw sa pinakamagaling na architect dito..So I think we can be the best partner if its okay with you??".

"I can't promise anything Monique since may mga nakahilera din akong project..".

"Actually I am expecting you to say No...but sad to say I won't  accept No for an answer ..  This project might be your biggest break as an architect because I've heard na ang bagong ka deal natin ngayon ay may mga negosyo din from other countries...At kapag nagustuhan niya ang trabaho natin,who knows magtuloy tuloy ang pagkuha nila sa atin at makilala tayo here in abroad...Tatanggi ka pa ba.?.".maluwang ang ngiting sagot ni Monique dito.

"Just give me some time to think about it..Okay lang ba?".

"Sure....by the way it's almost time maybe we can eat together?? Yesterday halos di ako nakakain ng maayos since nabihiya pa ako..maybe pwede mo akong samahan?".makulit na aya nito.

"Okay,you win!".taas ang kamay na wika ni Anton at agad na kinuha ang coat niya at sabay na silang lumabas ng opisina  habang abot tenga naman ang ngiti ni Monique.

"Ohh pare buti na lang kasabay ko kayo..Tara ng mag lunch..Sabay na ako sainyo..gutom na gutom na ako eh..".ani ni Benjie sabay akbay kay Anton habang sinusulyapan si Monique na bigla ng sumimangot.

"Hi Monique...".nakangiting bati ni Benjie sa dalaga at nginitian naman ito ng pilit ng babae.

Sa isip isip nito ay gusto niyang sakmalin si Benjie at ihulog sa building dahil sa pagsira nito sa date sana nila ni Anton.

"Parang wala kang hang over pare ahh..".ani ni Anton ng mapansin na nasa good mood ang kaibigan.

"Oo pare...Ibang klase ata yung tinira ko kagabi..".nakangising sulyap ni Benjie kay Monique na tahimik na naglalakad.

"Hahahaha..mukha nga pare...abot tenga ang ngiti eh....".

"Naman pare hahahaha...Nasabon nga lang ni Vergie kanina but we're okay now....Kaya mas masarap sa pakiramdam hihihi..".

"Loko ka talaga..Di ka gumaya sakin na tahimik na ang buhay at masaya na sa pamilya...".

"Dedicated father and husband ka kasi pare....Eh ako di pa ako sawa sa buhay binata..".

"Sira*lo baka nakakalimutan mong ikakasal ka na..".

"Wala namang laglagan pare..Naririnig ni Monique eh..".kunwaring nagtatampo na ani ni Benjie habang si Monique naman ay tila walang narinig.

Wala naman siyang paki kay Benjie dahil kung may gusto man siyang makuha yun ay si Anton. Isang lalaking responsable at mabait.. Isang ugali ng lalaki na matagal na niyang pinapangarap.

Dahil sa isiping iyon ay biglang napangiti si Monique lalo na at may pag asa na maging partner niya ito sa first ever project niya sa kumpanyang pinagtagrabahuan.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon