28

613 12 1
                                    

Halos paliparin ni Monique ang pagpapatakbo ng  sasakyan dahil sa matinding takot na nararamdaman. Kahit na si Anton ay halatadong nanghihilakbot dahil sa nasaksihan. Sino nga naman ang mag aakala na ang isang patay ay muling magbabalik at gustong maghiganti? Sino ang mag aakala na ang isang mabait na Martha ay magbabalik bilang isang mapanganib na multo?

"Sabihin mo sakin na nananaginip lang tayo Anton!!". Takot na takot na wika ni Monique habang nagmemenor sa pagmamaneho  dahil papasok na sila sa parking lot ng kumpanyang pinagtatrabahuan. Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula dito kaya naman agad niya itong tiningnan ngunit halos mabaliw siya ng makitang si Martha ang katabi niya at hindi si Anton!

"Ahhhhhhh!!!!!!". Kahindik hindik na sigaw ni Monique sabay hinto ng kotse at agad na bumaba para kumaripas ng takbo.

"Wala ka ng tatakbuhan,papatayin kita!!!!!!". Nakakakilabot na wika ni Martha habang unti unting lumalapit kay Monique habang si Anton naman ay nagtataka sa biglaang pagtakbo ng dalaga.

"Monique,antayin mo ako wag mo akong iwan!!!".sigaw ni Anton habang hinahabol ang dalaga na mabilis na tumatakbo kahit nakasuot ng sapatos na de takong.

Dahil sa biglaang pagsasalita ni Anton ay nabaling ang pansin ni Martha dito at ito muna ang hinarap.

"Ikaw!! Wala kang kwentang asawa,sa kabila ng pagmamahal at pag aaruga ko sayo nagawa mo pa rin akong  lokohin!! Magbabayad ka ng mahal sakin!!!". Nanlilisik ang mga matang wika ni Martha habang unti unting lumalapit kay Anton kaya naman agad itong  umatras sabay takbo ng matulin.

"Hindi mo ako matatakasan Anton,papatayin kita!! Magsama sama tayo sa impyerno!!!". Malakas na sigaw ni Martha sabay paandar ng sasakyan ni Monique at pinatakbo iyon ng kusa. Balak niyang sagasaan si Anton para mamatay ito at magbayad sa mga kasalanan nito.

"Layuan mo ako!!!". Pawisan at lumuluhang wika ni Anton habang tumatakbo ng mabilis.

Kaagad na tinapakan ni Martha ang silinyador at agad na binundol si Anton kaya bahagya itong tumilapon at bumalandra sa sulok.

"Aray....".daing ni Anton habang hawak hawak ang mga paa na sa sobrang lakas ng pagkabundol ni Martha ay halatang mabale ang mga buto.

Dahan dahang bumaba si Martha mula sa sakyan at agad na lumapit sa asawa na hawak hawak ang mga paa na halos madurog.

"Masakit ba Anton?? Masakit ba na nasa ganyan kang kalagayan pero walang tutulong sayo??".puno ng poot na wika ni Martha habang lumalapit sa nakitang kalakihang  bato sa sulok at agad iyong dinampot at binalikan ang asawa.

"Ngayon ipapalasap ko sayo ang sakit na ibinigay niyo sakin!!!!!!".galit na galit na sivaw ni Martha sabay angat sa hawak na bato para basagin ang  ulo ng asawa ng biglang iharang ni Martina ang munting katawan nito.

"Wag po Mama!!!!".lumuluhang wika ni Martina sa ina habang nakatingin sa ina na puro dugo ang buong katawan.

"A-aanakk....".tila nanghihinang wika ni Martha habang nakatitig sa munti niyang prinsesa.

"Wag niyo pong papatayin si Dada ...Maawa po kayo sa kanya Mama ...Nawala ka na sakin,wag na po pati si Dada..  please Mama ..".pagmamakaawa ni Martina  habang umiiyak ng napakalakas.

Kahit na sina Corazon at Genaro na nasa sasakyan ay umiiyak na rin ng makita ang unti unting pagkalma ng hitsura ni Martha. Ang dating nakakatakot at mabagsik na hitsura nito ay napalitan ng maamo at mapagmahal na ina ni Martha.

"Anak...Martina....Patawarin mo si Mama...".umiiyak na wika ni Martha habang unti unting inilalapag ni Martha ang bato upang yakapin ang anak.

"Mahal na mahal po kita Mama....Pero mahal ko din si Dada...Wag mo pong papatayin si Dada,malulungkot akong mag isa...Please Mama...".ani ng bata habang lumalapit sa ina nito.

"Anak,wag kang lalapit sa kanya..Baka saktan ka niya...".takot na wika ni Anton habang gumagapang para kunin ang anak ngunit di niya mahawakan ang bata.

"Yakapin mo nga ang Mama anak...Nasasabik na ako sa yakap mo..".lumuluhang wika ni Martha sa anak habang nakalahad ang mga kamay.

"Mama.....Mama ko....".paulit ulit na bigkas ni Martina habang nakayakap ng mahigpit sa ina na tumatangis.

"Mahal na mahal ka ni Mama Anak...Lagi mo yang tatandaan ha...Mawala man ako pero lagi pa rin kitang babantayan...Lagi akong nasasabik na mayakap ka baby ko..". Lumuluhang wika ni Martha sa anak.

"Anak...".mahinang bigkas ni Corazon habang nilalapitan ang anak na si Martha.

"Mommy...wag mong pababayaan ang anak ko ha...Mahalin mo siya at alagaan ha..".bilin ni Martha sa ina ng makalapit ito sa kanya.

"Oo anak...di ko pababayaan ang anak mo...Pangako..".lumuluhang sagot ni Corazon sa anak.

"Genaro....Salamat sayo....".nakangiting sabi ni Martha sa kaibigan na noon ay  pasimpleng nagpupunas ng luha.

"Walang anuman....Kaibigan...".madamdaming sagot ni Genaro.

"Baby,aalis na si Mama ha..Palagi kang magpapakabait...Mahal na mahal kita anak...". Ani ni Martha sabay yakap ulit sa anak.

Ang huling yakap ng isang ina sa kanyang anak na hindi na niya muling mayayakap.

"Wag mo akong iwan Mama...Dito ka lang....".humahagulhol na wika ni Martina kasabay ng paghigpit ng yakap sa ina.

"Kailangan ng umalis ni Mama anak...Wag kang mag alala..kung ipapahintulot ng pagkakataon muli tayong magkakasama..".aniya kasabay ng muling paghalik sa anak hanggang sa unti unti itong nawala sa paningin nila.

"Mamaaaaaaaaaaaaaaa!!!!! Mama ko....".tumatangis na sigaw ni Martina habang inaalo siya ng butihin niyang lola.

Samantala labis din ang pagkagulat ng mga katrabaho ni Monique dahil sa pagtakbo nito ng matulin kaya hindi nito napansin na mahuhulog na pala ito sa hagdan. Sa isang kisapmata ay nagpagulong gulong si Monique hanggang sa mabagok ang ulo nito at walang malay na sinalo ng malamig na sahig habang umaagos ang dugo nito.

"Ambulansiya... tumawag kayo ng ambulansiya!!!!!!!". Sigaw ni bigboss ng makita nito ang nangyari sa empleyada at agad na binigyan ng paunang lunas habang inaantay ang pagdating ng ambulansiya.

❤❤❤

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon