21

636 9 0
                                    

Hindi mapakali si Corazon habang palakad lakad sa salas habang tangan tangan ang cellphone niya. Ilang beses na niyang tinatawagan ang anak ngunit wala siyang makuhang sagot dito. Kalat na ang dilim sa buong paligid ngunit walang kahit na anong senyales kay Martha kaya lalo siyang kinutuban ng hindi maganda.

"Nasaan ka na anak...".alalang wika ni Corazon habang nakatingin sa kawalan ng biglang maisipang tawagan si Anton.

"Anton,anak??? Hello...May itatanung sana ako sayo..".aniya ng sagutin nito ang tawag niya.

"H-hello...Mommy B-bakit po??".

"Umalis kaninang umaga si Martha ang sabi niya ay maggym lang daw siya..Kanina ko la tinatawagan hindi ko makontak...Nagsabi ba siya sayo kung nasaan skya..Kanina pa ako nag aalala eh...".

"W-wala po Mommy...Andito po ako sa opisina at hindi ko siya nakakausap.. baka po nag shopping??".

"Anton alam kong kilala mo ang asawa mo...Kung nag shopping yun ay tiyak na magpapaalam yun satin....Masama na ang kutob ko..".

"S-s- subukan ko pong tawagan siya Mommy ...".kandautal na sagot ni Anton sa matanda.

"Sige..".maikling sagot ni Corazon ng biglang may mag doorbell.

"Saglit lang at may dumating..tawagan kita mamaya...".

Patakbong lumapit si Corazon sa pintuan para pagbuksan ang panauhin ngunit bumulaga sa kanya ang tatlong pulis na nakauniporme.

"Magandang gabi po,dito ho ba nakatira si Mrs. Martha Aldana??". Magalang na tanung ng pulis.

"Opo dito nga po ako ang nanay niya...Bakit ho??".kinakabahang sagot niya.

"Wag ho sana kayong mabibigla Maam..Pero natagpuan po ang katawan ng anak niyong nakabalot sa garbage bag at maraming saksak sa buong katawan sa isang bakanteng lote sa Marikina. Kung maaari ho ay sumama kayo sa morgue ng ospital na pinagdalhan sa kanya para ma claim niyo po ang bangkay."

"A-ano?! Hindi totoo yan!!!".histeryang sigaw ni Corazon habang umiiyak. Kaya naman agad lumapit si Martina sa lola nito ng makitang may mga panauhin sila.

"Kung maaari po ay sumama kayo sa amin para kayo mismo ang makakita ng bangkay niya. Ito ho ang mga gamit na na recover sa kanya.".ani ng pulis sabay abot sa isang plastic kung saan nakalagay ang mga gamit ni Martha at alam niyang pag aari nga ng anak iyon.

"Hindi!!!!!!!!! Huhuhuhuhu!!!". Malakas na sigaw ni Corazon habang yakap yakap si Martina na noon ay naiiyak na din dahil sa nakikitang pag iyak ng kanyang lola.

"Mamita ano pong nangyari sa mama ko...".lumuluhang wika ng paslit na si Martina.

"Wala na ang mama mo apo ko.....Diyos kooooooooooooo....Ibalik mo sakin ang anak ko....".humahagulhol na sigaw ni Corazon habang mahigoit na yakap ang apo.

"Kung maaari po lamang ay sumama ho kayo sa amin para makilala niyo at makuha ang bangkay niya..".malumanay na wika ng mga pulis sa mag lolang nagdadalamhati.

Kaagad na sumama sina Corazon bitbit ang apo para tingnan ang sinasabi ng mga pulis. Habang nasa biyahe ay lihim na nananalanin si Corazon na sana hindi iyon ang anak niya. Di niya makakayang mawala ang kaisa isang anak niya. Napakabata pa ni Martina para mawalan ng ina na gagabay at mag aalaga dito.

***

Pagkarating nila sa Amang Rodriguez hospital ay tila walang lakas ang mga tuhod ni Corazon habang  akay akay nito ang apo papasok sa loob niyon. Napakalakas ng kabig ng dibdib niya at tila mawawalan siya ng lakas dahil sa pangyayari na sana ay isang masamang panaginip lamang. Natawagan na din niya si Anton at maging ito ay gulat na gulat din sa mga pangyayari at susunod daw agad.

Agad silang inakay patungo sa morgue at halos panawan ng ulirat si Corazon ng makita nito ang anak na nakahiga sa napakalamig na higaang bakal habang nakabalot ito sa kumot at tanging mukha lang ang nakikita.

"Siya po ba ang anak ninyo Maam??". Magalang na tanung ng pulis.

"Anaaaaaaaaaakkkkkkkkkkk!!!!!!". Malakas na hiyaw ni Corazon kasabay ng pagtakbo papalapit kay Martha.

"Anak ko......!!!!!!! Diyos ko po...Wag mong kunin sakin ang anak ko....Anak gumising ka...huhuhuhu..".ani ni Corazon habang yakap yakap ang malamig na bangkay ng anak.

"Mama??? Mama??? Gising na po Mama....Tara uwi na tayo...".inosenting wika ni Martina habang pilit na inaabot ang higaan ng ina.

"Anakkkk kooooo....Parang awa mo na...Gumising ka anak....".panaghoy ni Corazon habang mahigpit na niyayakap si Martha na kahit anong sigaw at pakiusap nila ay hindi na muling magigising pa.

"Mama...Uwi na po tayo...Mama....".ani ng bata habang nagsisimula na ring umiyak dahil nakikita nito ang kanyang Mamita na pumapalahaw ng iyak.

*****

Samantala dinig na dinig naman ni Anton mula sa labas ng morgue ang paghagulhol ni Corazon kaya wala halos lakas ang lalaki na humakbang papasok.

"Sir kayo ho ba ang asawa ng biktima?? Pwede ho ba kahong makausap saglit?? May itatanung lang po kaming ilang katanungan..".

Bahagyang tumango si Anton habang kaharap ang pulis habang inihahanda ang sarili sa mga posibleng tanung ng mga ito.

"May kaaway ho ba kayo o ang asawa niyo??."

"Wala..Mabait ang asawa ko..".

"Hindi po kasi makita ang teorya ng pagnanakaw sapagkat walang nawawala sa biktima,sa paraan ng pagkakapatay sa kanya ay halatadong ito ay sadya at wala talaga siyang balak buhayin. Sa dami ng saksak na tinamo niya ay tiyak talaga ang kamatayan niya.".

"Mabait ang asawa ko Sir...Ni minsan wala siyang nakaalitan....Kaya....d-di ko din ho alam kung sino ang may gawa niyan sa kanya..Nagulat na lang ako ng tawagan ako ng biyenan ko..".

"Kung ganun may suspek ho ba kayo kung sino ang may gawa nito??".

"Wala Sir..".nanghihinang tugon ni Anton sa pulis habang nanghihina.

Maya maya pa ay lumabas na sa kwarto sina Corazon at Martina na pawang umiiyak.

"Anton....Wala na si Martha..Wala na ang anak ko...".lumuluhang wika ni Corazon sa biyenan na noon ay halatadong balisa.

"Dada...Si Mama..Ayaw niya gumising...Magluluto la siya ng food ko..Saka timplahan niya ako ng dede....Gisingin mo si Mama Dada....Halika po..Andon siya oh natutulog..".inosenteng wika ni Martina habang hila hila ang ama papasok sa kwarto at tumambad sa kanya ang walang buhay na katawan ng asawa na halos hindi niya malapitan.

"Dada....Gisingin mo na si Mama para uwi na tayo...".naiiyak na wika ni Martina sa ama habang lumuluha. Sa murang isipan niya ay alam niyang may masamang nangyari sa ina.

"Mama....Uwi na tayo....Iiyak na ako pag di ka bumangon diyan.....Mama...". Ani ng paslit sa ina na kahit kailan hindi na niya makakasama.

"Mama....Patawarin mo ako...".mahinang bulong ni Anton habang hawak ang malamig na kamay ni Martha.

Kamuntik pang mapahiyaw si Anton ng biglang humawak ng mahigpit si Martha sa kamay niya na halos mapiga ang mga daliri niya kaya agad niyang hinila ang mga kamay.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon