"Mamita,dito ka na tulog ..".paglalambing ni Martina sa lola nito habang hinihintay nila ang pagdating ni Anton para sabay sabay na silang maghapunan ng gabing iyon.
"Oo nga naman mommy....May guest room naman sa tabi ng kwarto ni Martina eh,o di kaya tabi kayo ng apo niyo..gabi na din kaya delikado pag bumyahe ka pang mag isa..".
"Pinagtulungan niyo pa akong mag ina...Oh siya sige,dito na kung dito na matutulog .basta tabi kami ng apo ko ha..".
"Yeheyyyyyy..!".nagtatatalon sa tuwa na sigaw ni Martina kasabay ng mumunting palakpak nito kaya naman agad itong pinupog ng halik ng matanda dahil sa sobrang gigil. Nasa ganoong eksena sila ng biglang dumating si Anton na may dala dala pang groceries at litsong manok na binili pa mito sa Andoks.
"Oh andito na pala si Anton eh..".bati ni Corazon sa manugang.
"Kumusta po mommy...Magandang gabi ho..".magalang na bati ni Anton sa biyenan.
"Tamang tama Dada,nakapagluto na ako..Palit ka muna ng pambahay at tara nang kumain...".nakangiting salubong ni Martha habang kinukuha sa asawa ang mga bitbit nito at itinaboy ito papaakyat sa kwarto nila para magbihis. Nakahanda na sa banyo nila ang damit na isusuot nito kaya naman hindi na siya sumama sa taas para pagsilbihan ang asawa.
"Psssttt...Martha".sitsit sa kanya ng ina.
"Bakit po?".
"Tingnan mo yang asawa mo...Maganda pa din ang katawan at lalo pang gumwapo..Nakuuuuu kung ako sayo magdadiet na talaga ako,yang mga ganyan na hitsura ng asawa mo lapitin pa rin ng mga babae yan..".ani ng ina niya sa kanya.
Bahagya niyang naisip ang mga sinabi ng ina,tama nga naman ito sa edad na 38 ng asawa ay maganda pa din ang pangangatawan nito. Idagdag pa ang gwapong gwapong mukha nito na kamukha pa ni Bradley Cooper. Bagamat noong dalaga pa lamang siya ay halos malaki ang hawig nila ni Sunshine Cruz ngunit ng nanganak siya ay halos napabayaan na niya ang sarili niya hanggang sa lumipas ang ilang taon at nakasanayan na niya na hindi inaasikaso ang sariling pigura.
"Mommy,iba si Anton sa ibang lalaki,my husband is one of a kind and I know he will never do anything na makakasira samin..Kaya stop na po sa pagwoworry okay?? Maya maya bababa na yun si Anton,wag mo ng ulitin yan mommy ha..Baka magtampo asawa ko lag nalaman niyang iniisip mo na mambababae siya..".
"Oo na...Pero sana wag mong kakalimutan ang sinasabi ko sayo..Para sayo din yan anak...".
"Mommy stop na po..okay??".
Buti na lang at tumigil na sa kakukulit sa kanya ang ina ng makita nitong pababa na si Anton.
"Dito na si Dada..tara ng kumain..".nakangiting aya ni Martha sa mga kasama habang inaalalayan nito ang anak sa maliit na silya na siyang upuan nito kapag kumakain sila.
Kapansin pansin ang pagiging maalaga ni Martha sa asawa't anak dahil todo ang pagsisilbi nito sa dalawa. Hanggang sa matapos magsikain ang lahat ay agad na nagprisintang maghubugas ng pinagkainan si Anton para naman malinisan na ni Martha ang anak nila bago ito matulog. Kaya naman nahihiya man sa asawa ay pumayag na din siyang iyo ang maghugas ng pinagkainan. Lalambingin na lang niya ang asawa para naman mawala ang pagod nito mamaya."Paamoy nga sa kili kili anak.. .Mukhang ambango bango naman eh..".nanggigigil na lambing ni Martha sa anak matapos itong malinisan.
"Ayaw..hahaha..".pakipot ng anak bago ito sumiksik sa lola nito ngunit agad niya itong hinabol at hinalik halikan hanggang sa makiliti ito ng makiliti. Gustong gusto niya kasing naririnig ang halakhak ng anak niya nakakawala ng pagod,ang sarap pakinggan na para bang isa itong napakagandang musika.
"Ako nga din paamoy din sa kili kili..".sabat ni Anton na natapos na pala sa paghuhugas kaya nakisali na din sa pakikipagharutan sa mag ina.
"Goodnight anak..Kiss na kay Dada..matutulog na din si Dada kasi pagod ako sa trabaho..Kiss na daliii...".ani ni Anton habang pinapatulis nito ang nguso para ikiss ni Martina na agad naman nitong sinunod.
"Si Dada lang ba anak...Paano si Mama?".kunwaring nagtatampo na ani ni Martha sa anak. Kaya naman agad na lumapit ang bata at agad nitong hinalika ang ina at mahigpit na niyakap.
"Ang sarap naman anak...Thank you sa pagiging malambing na baby ha .Ang wish ko sana kahit lumaki ka na ay sweet ka pa rin..".
"Mama..matutulog na lang tayo magdadrama ka pa..Tara na nga sa kwarto..".pabirong aya ni Anton sa asawa bago ito masuyong hinila palabas ng kwarto.
"Goodnight..".muling wika ni Martha bago tuluyang lumabas sa silid at hawak kamay silang naglakad ng asawa papasok sa sarili nilang kwarto.
******
Paikot ikot si Martha sa harapan ng salamin habang nakasuot ng pajamas,pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na matuto mag ayos para sa asawa ngunit hindi niya alam kung magagawa niya pa iyon lalo pa ngayon na mas tutok siya sa pag aalaga ng kanilang munting prinsesa.
"Ma...matagal ka pa ba diyan.....halika na matulog na tayo.."sigaw na aya ni Anton mula sa kwarto nila kaya naman agad niyang pinasadahan ng suklay ang magulo niyang buhok bago lumabas ng kwarto. Tahimik ng nakahiga ang mister sa kama nila habang nakasuot ng puting sando at boxer short na kinahiligan na nitong gawing pantulog.
"Lika na dali...".ani ni Anton sabay tapik sa tabi ng kama at agad na iniumang ang braso nito na ginagawa niyang unan habang magkayakap sila pag natutulog.
Agad siyang napangiti sa ginawa ng asawa kaya naman agad din siyang tumabi dito at agad na niyakap ang asawa ng mahigpit.
"I love you Dada....".malambing na anas niya sa punong tenga ng asawa habang nakayakap dito. Alam niyang makikiliti ang asawa niya sa tuwing ganun ang ginagawa niya at hindi nga siya nagkamali.
"I love you too Mama....".ani ni Anton sabay yakap ng mahigpit sa asawa at halik sa noo nito.
"Dada...".
"Hmmm??".
"Pangit na ba ako ngayon?".
"Ha?? No!!".
"Promise!".
"Kahit mataba na ako?".
"Mama,kahit lumaki ka pa ng doble sa katawan ko ikaw pa rin ang pinakamaganda kong asawa at kahit kailan hindi yun magbabago hanggang sa pumuti na ang mga buhok natin..".
"Thank you Dada....Mahal na mahal ko kayo ni Martina...".
"Mahal na mahal ko din kayong dalawa at mas lalo la litang minahal dahil sa dedikasyon mo sa anak natin at syempre sa akin din...If you'll gonna ask me kung sino ang napakaswerteng lalaki sa buong mundo...Walang pag aalinlangan kong isasagot na ang lalaking iyon ay ang asawa mo..".malambing na wika ni Anton sa asawa.
"Naks...kinikilig tuloy ako..".namumulang wika ni Martha sa asawa sabay subsob sa malapad na balikat nito.
"Hahahaha....Itong asawa ko talaga oo..".
"Bakit??".
"Pwede ba Ma?".pilyong ngiti ni Anton.
"Anong pwede??".kunwari pagmamaang maangan niya sa asawa.
"Na ano..".tila nakakalokong sagot ni Anton habang hinahaplos nito ang dibdib niya.
"Dada...".pabulong niyang sagot dito at wala ng inaksayang oras si Anton. Agad na nitong siniil ng halik ang asawa at nagmamadaling tinanggal ang mga butones ng pantulog nito.
"Mama..Paisa ako ahh..".hingal na bulong ni Anton habang kinakagat kagat ang punong tenga ng asawa na buong pusong nagpaubaya sa mister.
BINABASA MO ANG
Martha's Revenge(COMPLETED)
HorrorHell hath no fury like a woman scorned lalo na kapag pinatay mo siya.