Katorse

594 9 0
                                    

Paikot ikot si Martha sa harapan ng salamin habang inaayos ang pagkakasuklay sa kanyang buhok. Suot niya ang paborito niyang pantulog at nagwisik ng kunting pabango sa bandang leeg niya. Matagal na nawala si Anton kaya naman alam niyang sabik din sa kanya ang asawa kagaya ng pagkasabik niya rito kaya naman talagang nagpabango siya para sa esposo. Nais niyang mapatunayan sa sarili na kahit may nakasama itong maganda ay siya pa rin ang kaakit akit sa paningin ng asawa. Ng sa gayon ay mawala rin ang nararamdamang insekyuridad sa katrabaho nito na bigla na lang niyang naramdaman ng makita ito.

"Okay na yan Martha..Kahit di ka mag ayos sa paningin ng asawa mo sexy at maganda ka pa rin .".nakangiting wika niya sa sarili bago lumabas ng banyo ngunit agad din iyong napawi pagkakita kay Anton.

Ang inaasahan niyang sabik na asawa ay nakatalukbong na ng kumot at naghihilik na ng malakas na tila pagod na pagod.

"Dada...".mahinang tapik niya sa pisngi nito ngunit hindi ito nagising kahit anong gawin niya.

"Sige Dada..Sleep na...Baka nga pagod na pagod ka sa biyahe...Nyt...Mahal kita..".aniya sa asawa bago tahimik na tumalikod dito habang nagkasya na lang siya sa pagyakap sa unan.

Lingid sa kaalaman ni Martha ay gising pa din si Anton at nagkunwari lang itong natutulog. Alam niyang nasasabik sa kanya ang asawa ngunit ayaw niya itong angkinin sapagkat alam niyang madumi na siya. Ayaw niyang mabahiran ng kahit na kaunting dumi ang asawa dahil sa katangahan niya.

"I'm sorry Mama...".piping usal ni Anton habang nakatitig sa nakatalikod na asawa na alam niyang nagtatampo sa kanya.

****

Kinabukasan maagang gumising si Martha para maipagluto ang asawa ng agahan nito. Kailangan niya din kasing agapan ang mga maduduming damit nito para malabhan agad at matuyo din sa buong maghapon.

"Good morning Dada...nakapagluto na ako ng almusal mo at naipagtimpla na din kita ng kape...Kain ka na ha..puntahan ko muna si Martina at ipagtitimpla ko muna ng dede...Maglalaba din kasi ako agad para matuyo lahat ng madumi mong damit..".masiglang bati ni Martha ng makita ang asawang pababa sa hagdan.

"Goodmorning din Ma..".naghihikab na bati ni Anton habang dire diretso papunta sa kusina na hindi man lang siya sinulyapan o hinalikan di gaya noon. Gayunpaman binalewala lang ito ni Martha at agad na tinungo ang silid ng anak para ipagtimpla ito ng gatas.
Pagkatapos ay agad niyang kinuha ang mga labahin at dumiretso siya sa laundry area para simulan na ang nakatambak na labahin ng asawa at kagaya ng nakagawian inamoy amoy niya ang damit ng asawa dahil namiss niyang gawin ang mga iyon ng ilang linggo.

"Huh???".takang usal ni Martha habang paulit ulit na nilalanghap ang mga damit ng asawa ngunit hindi siya maaaring magkamali. Hindi iyon amoy ng kanyang asawa dahil amoy pabango ng babae ang nalalanghap niya. Bigla na lamang kinabahan si Martha habang kinukuha lahat ng damit ng asawa at isa isang inamoy lahat ng iyon at iisa lang ang naamoy niya,Amoy pabango ng babae at hindi ang natural na amoy ng asawa.

"Anong ibig sabihin nito Dada??".nanginginig na anas ni Martha habang tila kandila siya na unti unting nauupos. Parang nawalan siya ng lakas sa tuhod at unti unting napasalampak sa sahig habang namumutla. Hindi siya maaaring magkamali sa naamoy niya dahil sa mahigit isang dekada nilang pagsasama ng asawa ay noon lang niya napansin ang kakaiba sa mga labahin ng asawa.

"Wag mong gawin 'to samin Dada please....".ani ni Martha habang tahimik na naiiyak sa sulok. Ayaw niyang malaman ng asawa ang pagluha niya lalo na at wala pa siyang napapatunayan.

"Ma,alis na ako..Ikaw na ang bahala kay Martina!!!".sigaw ni Anton mula sa salas at narinig na lang niya ang pag ugong ng sasakyan nito papalayo. Ni hindi nito nagawang magpaalam ng maayos sa kanya at tila nagmamadali sa pagpasok sa opisina.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon