24

623 13 0
                                    

Tahimik na nakatingin si Genaro kay Monique ng makita niya itong nagpaiwan sa puntod ni Martha. Alam niya na posibleng may kinalaman ang dalaga at si Anton sa pagkamatay ng kaibigan at yun ang aalamin niya. Natatandaan niyang bago namatay ang kaibigan ay hiningi nito ang address ni Monique at sa Marikina din nakuha ang bangkay ng kaibigan. Maya maya pa ay umalis na din siya sa  lugar na iyon bitbit ang pangakong bibigyan niya ng katarungan ang pagkamatay ni Martha. Hindi niya hahayaang makatakas ang salarin at mamuhay ng normal at masaya.

Malalim na ang gabi at mahimbing ng natutulog si Genaro habang malayang naglalas masok ang mabining hangin mula sa nakabukas na bintana. Hinahayaan niyang nakabukas ang bintana ng kwarto niya para presko sa pagtulog.
Maya maya pa ay naalimpungatan siya ng makarinig ng mahinang iyak mula sa labas ng kwarto kaya naman agad sjyang bumangon ng dahan dahan. Maingat niyang inapuhap ang kanyang baril mula sa ilalim ng kanyang unan at naglakad papalabas ng kwarto. Imposibleng may makapasok sa bahay niya dahil sinigurado niyang nakalock ang lahat ng bintana at pintuan at hindi iyong mabubuksan basta basta ng kahit na sinuman.
Sobrang dilim ng buong paligid at tanging sinag ng buwan lang na lumalagos sa bintana ang tanging ilaw niya sa buong paligid kaya naman bahagyang itong kinilabutan lalo na ng palakas ng palakas ang iyak ng babae habang papalapit siya ng papalapit sa sala.

Maya maya pa ay may nakita siyang babae na nakaupo sa kawayang sofa habang nakatalikod at malakas na umiiyak.

"Sino ka??! Paano kang nakapasok dito??".tanung niya habang iniuumang ang baril dito.

Isang nakakabinging katahimikan lamang ang isinagot nito sa kanya at agad na nag angat ng mukha ngunit hindi ito lumingon.

"Sino ka sabi?! Anong kailangan mo??".malakas na sabi niya rito kahit na unti unti na siyang dinadaga sa dibdib dahil sa hindi maipaliwanag na takot na nararamdaman.

"Tulongggggggggg....Tulungan mo ako....".ani ng babae na animo galing pa sa hukay ang boses habang humihikbi ito ng napakalakas.

"Tulong???? Anong tulong?????".

"Pinatay nila ako....pinatay nila ako...Tulungan mo ako Genaro..".malamig na wika ng babae habang unti unti itong lumilingon kay Genaro at halos himatayin ito ng makita kung sino ang kanyang panauhin.

"Tulungan mo ako...Pinatay nila ako..".umiiyak na wika nito habang naliligo ng sariling dugo at nakatingin sa kanya ng nakakaawa . Maya maya pa ay dahan dahan itong gumapang papalapit sa kanya habang pilit siyang inaabot.

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!". Malakas na sigaw  ni Genaro habang punong puno ng pawis ang buong katawan at hingal na hingal.

"Panaginip lang pala ....".bulong niya sa sarili ng makitang nasa kwarto lamang siya at hindi totoo ang nakita niya.

Agad siyang tumayo sa kama at agad na lumabas para kumuha ng maiinum dahil pakiramdam niya ay tuyong tuyo ang lalamunan niya at pagod na pagod. Hindi na niya nakita ang nilalang na nakatayo sa sulok habang malungkot na nakatingin sa kanya.

"Tulungan mo ako Genaro...".malungkot na wika nito hanggang sa unti unti itong nawala sa kawalan kasabay ng hangin.

Samantala hindi na rin makatulog si Genaro dahil sa masamang panaginip na bumulabog sa pagtulog niya kaya nagoasya na lang itong magtungo sa salas para mag isip.

"Hindi kaya si Martha talaga yun??".mahinang anas ni Genaro habang kampanteng umupo sa upuan ng bigla siyang matigilan at unti unting tiningnan ang kinauupuan.

"Anak ng tinapa!!!".gilalas na wika niya ng makitang may mga bubog ito at ilang bakas ng dugo! Tila nilukuban siya ng napakalamig na hangin ng makita niya ang mga iyon sa upuan at alam niyang hindi iyon galing sa kanya.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon