23

590 14 0
                                    

Kinabukasan gumimbal sa lahat ng mga kamag anak,kakilala at mga katrabaho ang pagkamatay ni Benjie. Iyak ng iyak si Vergie dahil sa trahedyang nangyari sa kasintahan. Agad na siniyasat ng mga pulis ang bahay ni Benjie ngunit walang makitang ebidensya ang mga ito dahil walang nakikitang force entry at wala namang gamit na nawawala. Hinala nang iba ay baka lango sa alak si Benjie kaya ito nahulog sa hagdan ngunit ang ipinagtataka nila ay ang bakas ng sakal sa leeg nito at ang pangingitim ng katawan nito na parang hindi ordinaryong nilalang ang may gawa noon.

Palibhasa nakaburol pa si Martha kaya nagpaabot na lang ng pakikiramay si Anton kay Vergie,dahil hindi din niya maiwan ang anak na hanggang ngayon ay hinahanap hanap pa din at pilit na pinapabangon ang ina mula sa kabaong.

"Anton...anak...".pukaw ni Corazon sa manugang ng sandaling iyon.

"Bakit po Mommy??".takang tanung ni Anton.

"Pagkatapos sana ng libing ni Martha iniisip ko na dito muna tumira pansamantala....Bukod kasi sa nagtatrabaho ka eh wala ding mag aalaga kay Martina...Ako na muna ang titingin tingin sa apo ko...Ngapala pinatulog ko muna sa kwarto niyo si Martina   Gusto daw niya humiga sa kama ng Mama niya. .".

"Talaga po Mommy?? Naku maraming maraming salamat po...".

"Wala yun hijo...naaawa lang ako sa apo ko...Ang bata pa niya para mawalan ng ina..di ko matanggap na wala na ngayon ang anak ko....Napakabait ni Martha para patayin na parang baboy...".

Tahimik na tumutulo ang luha ni Anton habang nakikinig sa biyenan,kahit siya man ay nginangatngat ng konsensya dahil alam niya ang totoo..Alam niya ang nangyari ngunit isa siyang malaking duwag kaya siya tumakas.

"I'm sorry Mommy...".lumuluhang wika ni Anton habang nakatungo sapagkat hindi niya kayang salubungin ang titig ng matanda.

"Wala kang kasalanan Anton...Lahat tayo ay biktima rito...At sana kung sinuman ang may gawa niyan sa anak ko ay magbayad siya ng mahal. Hindi nararapat para sa anak ko ang kanyang kamatayan.

"Justice will be prevail Tita....Tinitiyak ko yan sainyo..".ami ng isang tinig mula sa kanilang likuran.

"Genaro ikaw pala..Salamat at nagpunta ka..".malungkot na wika ni Corazon sa kaibigan ng anak.

"Wag ho kayong mag alala Maam...Tinitiyak kong magbabayad kung sinuman ang lumapastangan kay Martha....Hindi ba Anton???".may bahid ng diin at galit na wika ni Genaro habang maingat na inilalapag ang dalang bulaklak para kay Martha.

"Salamat naman Genaro at narito ka para tulungan kaming bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak ko..Ikaw lang ang pag asa namin para mabigyan siya ng hustisya...".

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makulong ang salarin Tita Corazon...Wag ho kayong mag alala..".matigas na wika ni Genaro habang nakatitig sa nakatungong si Anton na hindi magawang makapagsalita.

Magsasalita pa sana si Corazon  ng bigla nilang marinig ang tawa at hagikhik ni Martha na tila tuwang tuwa sa kausap nito kaya naman biglang nagkatinginan silang tatlo.

"Mommy may kasama ba si Martina sa kwarto??".kabadong tanung ni Anton.

"Wala..Siya lang mag isa..".

Dahil sa sagot ng biyenan ay patakbong umakyat sa taas si Anton habang nakasunod din sina Corazon at Genaro.

"Hahahahahhahahahaha....Mama stop na po hahahahaha!!!".tawang tawang pakiusap ng bata.

"Buti naman gumising ka na Mama...Maglalaro na po ba tago ulit???? Kahapon pa kita gingising ayaw mo po gumising eh..Buti na lang ngayon andito ka na...".masayang wika ni Martina habang nakatitig sa kawalan.

Kitang kita ni Anton ang anak na ngiting ngiti habang tila may kinakausap itong di nila nakikita.

"Opo Mama  mabait po ako  pero na sad ako nung palagi ka na lang nag e sleep..Di na tayo nakakapag play ..Pero ngayon pwede na ulit kasi andito ka na Mama."masayang wika ng paslit.

"Anak!!! Sino ang kausap mo?!".hintakot na wika ni Anton ng bigla silang  pumasok sa loob ng kwarto.

"Si Mama po...Sabi niya pwede na ulit kaming magplay....Yan po siya ohhh".inosenteng turo ni Martina sa gilid ng dingding.

"Anak imposible yang sinasabi mo..".gilalas na wika ni Anton habang kinakarga ang anak.

"Totoo po Dada ..Mama,bakit di ka po nila nakikita??? Ayan si Mama ohh".mangiyak ngiyak na wika ni Martina.

"Stop it Martina!! Wala na ang mama mo at hindi totoo yang nakikita mo! Tigilan mo yang kakulitan mo hindi ka na bata!".mataas na boses na saway ni Anton sa anak.

"Anton ano ba?! Wag mong ginaganyan ai Martina... imbes na pakalmahin mo si Martina sinisigaw sigawan mo pa tuloy..".sawata ni Corazon sa manugang sabay kuha nito kay Martina na umiiyak na.

"Ililipat ko na lang si Martina sa kwarto niya..".simpleng wika ni Corazon sabay labas sa kwartong iyon.Sumunod na din si Genaro at bumaba na rin sa sala para maupo sa upuan ng mga nakikilamay at tahimik na nag isip.

Si Anton naman ay tila nakakaramdam ng kakaiba sa kwartong iyon dahil nagtayuan lahat ng balahibo niya sa batok at tila may nakamasid sa kanya kaya naman dali dali din sjyang lumabas para sundan sina Martina at mag sorry sa anak.

Hindi na nakita ni Anton ang nilalang na nakatayo sa gilid habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya. Titig na may poot,galit at panunumbat. Titig na nagbabadya ng panganib.

*********

Napagdesisyon nila Anton na ipalibing na si Martha ng araw na iyon para malaman na din ni Martina na wala  a talaga ang ina niya. Madalas kasi nilang mahuli na nakikipag usap sa hindi makitang nilalang si Martina kaya kinakabahan na si Corazon para sa apo. Parang hindi nito matanggap na wala na ang ina kaya nakikipag usap na lang sa imaginary friends nito.

Present si Monique sa libing ni Martha at maging si Genaro ay naroon din para magmatiyag sa dalawa. Pigil ang galit ni Genaro sa dalawa sapagkat nais niyang mabigyan ng maayos at payapang libing ang kaibigan kaya hindi siya nagsasalita. Alam niyang may kinalaman ang dalawa sa pagkamatay ng kaibigan kaya yun ang aalamin niya at tinitiyak niyang magbabayad ang dalawa sa mga kasalanan nito!

"Iniwan mo na talaga kami anak....Pero sana kung saan ka man naroroon ay tahimik ka na....Wag kang mag alala kay Martina..Hindi ko siya pababayaan anak...Gagawin din namin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkawala mo...".umiiyak na wika ni Corazon sa anak bago tuluyang ibaon sa hukay ang kabaong ng anak.

"Martha ..patawarin mo ako kung naging makasalanan ako sayo ..Patawad kung naging duwag ako...patawad..".ani sa isip ni Anton habang tahimik na lumuluha habang karga ang anak.

Ng matapos ang libing ay agad na nagsiuwian ang mga nakilibing at maging ang sina Anton ay umuwi na rin. Samantalang si Monique ay hinintay pa na maibaon sa hukay ang kabaong ni Martha na waring naninigurado na totoo ngang patay na ang karibal. Maya maya pa ay maayos ng natabunan ang kabaong at nalagyan na ng lapida ang puntod ni Martha saka lamang lumapit si Monique at nagsindi ng kandila. Maya maya pa ay itinusok niya yun sa malapit sa lapida at nagsalita.

"Ngayong wala ka na,nakakatiyak akong magiging tunay ng masaya si Anton..Wag kang mag alala Martha dahil sisiguraduhin kong isang araw malilimutan ka na ng mag ama mo..Patay ka na ngunit buhay ako...At may kakayahan akong alagaan ang mag ama mo...Matulog ka na diyan ng mahimbing ..".nakangiting wika ni Monique bago ito naglakad papalayo sa puntod ni Martha kaya naman hindi na nito nakita ang marahas na pagkatanggal ng kandilang itinirik ni Monique.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon