"Game ba kayong maghappy happy tayo ngayon? Don't worry..My treat...".biglang sabi ng big boss nila matapos makapagpakilala si Monique sa mga bagong makakatrabaho.
"Pass ako bigboss..Tiyak naghihintay na sakin si misi at anak ko..".maagap na tanggi ni Anyon oagkarinig ng imbitasyon ng bigboss nila.
"Naku naman pare,minsan lang mag aya si bossing..tatanggihan mo pa? Sumama ka na..minsan lang to eh...".saway sa kanya ni Benjie.
"Pare....gustuhin ko man pero di pwede..Kilala mo naman yun si Martha baka mag alala yun ng sobra pag hindi ako nakauwi agad..".
"Sows..eh di tawagan mo,may load ka ba? Kung wala itong cellphone ko ang gamitin mo...".alok ni Benjie sa kanya kaya naman agad niya itong pinandilatan. Ang totoo ay ayaw niya talagang sumama sa mga ganung galaan dahil katwiran niya ay gumraduate na siya sa mga gimik nights na katulad ng trip ng mga katrabaho.
"Oo nga naman Anton...Pawelcome niyo na lang din sakin...Sumama ka na para kumoleto tayo..".sulsol din ni Monique.
"Pasensya na talaga pero hindi pwede..Nangako ako sa mag ina ko na uuwi ako ng maaga para sabayan sila sa hapunan..Next time na lang guys..Uwi na ako..".aniya habang nagmamadaling lumabas ng conference room para hindi na siya pilitin ng mga ito. Titiisin na lang siguro niya ang pangangantiyaw ng mga ito sa kanya na miyembro siya ng takusa dahil malaki ang takot niya sa asawa.
"Hayaan na natin si Anton...ganun talaga siguro pag padre de pamilya na..Mahirap ng mahila sa mga galaan....Ano pang hinihintay niyo? Tara nang maghappy happy".masiglang aya ng bigboss nila kaya naman naghiyawan na ang lahat na patang mga sabik na sabik masayaran ng alak ang lalamunan.
Samantala laking panghihinayang ni Monique sapagkat hindi nila kasama si Anton. Iyon pa naman ang pinakagwapo sa lahat ng kaopisina niya kaya nais niya itong makilala ng husto dahil sa unang tingin niya pa lang dito ay nagkaroon na siya agad ng interes dito."If you want I can be your date tonight...".boluntaryong anas ni Benjie sa dalaga habang inaalalayan ito sa paglakad.
"Hahahha,nah, it's okay....Hindi naman 'to date..".natatawang tanggi ni Monique sa lalaki.
"Hahaha...Oo nga naman....Well kung pwede lang naman I can take you home...".alok ulit nito sa dalaga.
"We'll see".nakangiting sagot ng dalaga sabay kindat kay Benjie.
Napangiti naman ang binata dahil napansin niya na hindi mahirap iapproach si Monique,ito ang tipo ng babaeng hindi ka mahihirapang maka iskor kaya naman lihim na nagdidiwang ang binata dahil nararamdaman nito na may magandang mangyayari ng gabing iyon.
***
@Anton&Martha's residence...
"Anak,andito na si Dada..!!!!!".malakas na sigaw ni Anton pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa salas. Bumili kasi siya ng pasalubong sa anak at alam niyang magugustuhan iyon ng kanyang unica hija.
Dada!!!".tili ni Martina habang nagmamadali sa oaglapit sa anak.
"Anak dahan dahan,baka madapa ka..".malambing na sabi ni Martha habang nagsasandok ng kanin sa kusina oara makakain na sila.
"May surprise ako sayo anak..Hulaan mo kung ano??".nakangiting ani ni Anton.
Ano po??".namimilog ang matang tanung ni Martina.
"Tadahhhhh!!! Ang pinakamalupit na donut sa balat ng luoa na paborito ng aking prinsesa..".natatawang wika ni Anton sabay pakita ng isang box ng krispy kreme.
"Wooooowwwww.....Thank you po Dada...".excited na ani ni Martina sabay kuha ng box sa ama.
"Kiss mo naman si Dada anak...dali...".ungot ni Anton sabay amba ng pisngi nito para mahalikan ng anak na agad naman nitong ginawa.
BINABASA MO ANG
Martha's Revenge(COMPLETED)
HorrorHell hath no fury like a woman scorned lalo na kapag pinatay mo siya.