Nagsisimula ng panghinaan ng loob si Anton dahil hindi siya makasagap ng signal kahit saan siya magtungo kaya naman nagawa niyang umakyat sa puno ng mangga sa pagbabakasakaling makasagap ng signal kapag nasa taas na siya at sa awa ng diyos ay nagkaron naman kaya dali dali niyang tinawagan ang asawa.
"Hello Ma....Dito na kami...Pero may problema Ma..Walang signal dito...Umakyat pa ako sa puno para lang magkasignal. Safe naman ako dito at maganda nga ang isla...".
"Ganun ba Dada....Baka naman mahulog ka pa diyan bumaba ka na baka mapano ka pa...Happy na ako na nalaman kong ligtas kang nakarating diyan...".
"Sige Ma...Maya maya ay darating na din ang may ari nitomg isla...Ayusin ko din muna ang mga gamit ko...Tatawag tawag pa rin ako kapag nakahanap ako ng signal..Miss ko na kayo ni Martina...Asan pala ang batang iyon?".
"Naku Dada....Tulog na tulog....Ngapala pinapunta ko dito si Mamita...Baka parating na din yun kaya nagluluto ako ng paborito niyang paella ...".
"Wow...sarap naman Ma.....Sayang lang kasi hindi ko matitikman..".
"Yaan mo Dada pag uwi mo lahat ng paborito mo ang madaratnan mong nasa hapag kainan..".
"Promised Ma ahh...".ani ni Anton habang nakatitig kay Monique na biglang nagtanggal ng pang itaas at dumapa sa buhangin. May balak atang mag sun bathing pero bakit kailangan pang magtanggal ng pang itaas eh alam ng lalaki ang kasama niya.
Napapailing na lang si Anton habang iniba ang tingin at nakita niya ang papalapit na bangka sa kanila na sa tingin niya ay ang may ari.
"Ma baba ko muna 'to ha..Mukhang andito na yung may ari.Ingat kayo diyan..I love you.".ani ni Anton sa asawa bagi nagmamadaling pinutol ang tawag upang makababa na rin siya sa puno.
Agad niyang nilapitan si Monique na nakapikit oa at agad na binigyan ng tuwalya para may maipantakip ito sa sariling kahubdan.
"They're here...".aniya sa dalaga bago ito pinagbihis ngunit ibinalabal lang nito ang tuwalya sa katawan at tila walang paki sa darating na ibang tao.
"Hello Mr. Aldana....Miss Peralejo..I am Lolita Edenburg..Welcome to my safe haven...Have you guys tried to roam around para makita ang buong lugar??".ani ng isang matandang babae na sa pustora pa lamang ay napakayaman na.
"My husband is sick so ako na lang nagpunta dito para imeet kayo..".muling ani nito bago bumaba sa bangka na sinasakyan nito.
"Let's go at libutin natin ang isla...Hindi ito kalakihan kagaya ng Burias Iand....But I know magagawa niyo itong mapagandang dalawa. I trust you guys..".nakangiting sabi ulit ng matanda sa kanila at tahimik lang silang nakikinig dito.
Medyo may kaliitan nga ang isla kaya naman ilang oras lang ang pag iikot ikot nila lalo na at hiningal na ang matanda at ayaw na niyang maglakad pa ng mas malayo.
"Ngayong nakita niyo na ang lugar ..I am hoping na kaya niyo ng makapagdisenyo ng mga itatayo rito...".
"Yes Maam..Makakaasa po kayo na magiging maganda ang Islang ito bago matapos ang transaksiyon natin..".kampanteng sagot ni Anton habang nangingiti din si Monique sa kanya.
"Bueno we made bahay kubo sa bukana nitong isla para may matuluyan kayong dalawa. Kumpleto yan sa mga gamit wala nga lang kuriente kasi hindi pa naayos ang lahat ng dapat agusin. I am hooing na okay lang sainyo na magkasama sa iisang bubong for a couple of weekes? I can see na gentleman ka naman Mr. Aldana kaya alam kong safe naman si Monique...".
"Wag ho kayong Mag alala Maam Edenburg...pamilyado na po ako at alam ko kung papaanong rumespeto ng kababaihan...No worries po..".
"Well thats good to hear from you Mr.Aldana...Kaya lang ako naparito para samahan kayo sa paglilibot at oara naman masabi kung ano ang gusto kong mangyari sa bawat oarte ng isla....I think I'm done here...Kailangan ko na djng bumalik sa bahay dahil may sakit ang aking esposo...Maiwan ko na kayo..".ani ng matanda bago ito muling naglakad pabalik sa bangka nito.
BINABASA MO ANG
Martha's Revenge(COMPLETED)
HorrorHell hath no fury like a woman scorned lalo na kapag pinatay mo siya.