20

655 10 0
                                    

Naiyak na rin  si Martina ng makita nito ang ama at ina na umiiyak,palibhasa isang batang paslit lamang kaya madaling umiyak at maguluhan. Bagamat nais pang manumbat ni Martha sa asawa ay hindi na niya itinuloy dahil maririnig ng anak.

"Nagsosorry lang ang Dada kasi galing siya sa trabaho anak...Hindi daw siya umabot sa celebration...".wika ni Martha habang nilalapitan ang anak.

"Bakit pati ikaw umiiyak Mama??".

"Kasi namiss ni Mama si Dada...Ang sipag kasi ni Dada mo anak....Nagtatrabaho pa rin siya kahit hating gabi na para sa atin...Tara na ihahatid kita sa kwarto mo para makatulog ka na ulit...".aya niya sa anak bago ito kinarga at dinala sa kwarto nito habang si Anton ay patuloy pa din sa tahimik na pag iyak.

"Matulog ka na rin Dada..Tatabihan ko munang matulog si Martina...".mapait na wika ni Martha sa asawa bago ito iniwanan sa sala ng walang lingon likod.

Hindi na niya kayang lingunin pa ang asawa na umiiyak,kita niya ang pagsisisi sa mga mata ni Anton kaya naman lalong nadurog ang puso niya.

"Mama...".mahinang bulong ni Martina.

"Love niyo po ba si Dada??".

"Oo naman anak...".malungkot na sagot ni Martha.

"Love niya rin po kayo di ba??".

"Love niya tayo anak..Bakit mo naitanung???".

"Love ko din kayo Mama....wag na kayong mag aaway ha... ".

"Hindi naman kami nag aaway ni Dada anak...humingi lang siya ng sorry satin kasi nasayang yung effort natin tapos me work pa pala siya....Pero okay naman diba? Di ka galit kay Dada diba anak??".

"Opo,hindi po...Basta wag ka ng iiyak Mama ha...Love din tayo ni Daddy..".wika ni Martina sa  ina matapos itong halikan sa pisngi.

"Tabi ang Mama sayo matulog ngayon..Pwede ba anak???".

"Opo Mama....Pwede po...".ani ng bata at kaagad nitong niyakap ang ina ng mahigpit.

Parang nadudurog ang puso ni Anton habang sinisilip ang kanyang mag ina. Kitang kita niya ang pagluha ni Martha habang yakap yakap nito si Martina. Alam niyang kabis niyang nasaktan ang kanyang asawa at kasalanan niya iyon dahil wala siyang kwentang lalaki.

Dahan dahan siyang humakbang papalayo sa kwarto ng anak at agad na dumiretso sa refrigerator kung saan nakalagay ang mamahaling alak nila at agad iyong tinungga.

Hindi siya sanay uminum ng alak palagi pero ng oras na iyon ay gusto niyang magpakalunod sa alak. Gusto niyang iuntog ang sarili sa pader para mabawasan ang dinadala niyang bigat sa dibdib ngunit alam niyang hindi niyon matatanggal ang kasalanan niya sa kanyang asawa.

"Patawarin mo ako Ma....".wika ni Anton habang tinutungga ang isang bote ng alak hanggang sa malango ito sa kalasingan at nakatulog na lamang sa salas ng hindi inaayos ang sarili.

*****

Maririnig na ang tilaok ng manok sa buong paligid ngunit dilat na dilat pa rin ang mata ni Martha na mugtong mugto na dahil sa kakaiyak. Hindi niya alam kong babangon pa ba siya o ipaghahanda ang sarili o titikisin niya ang asawa para malaman nito ang pagkakamali nito.
Ngunit kahit anong pagmamatigas ni Martha ay nanaig parin sa kanya ang pagmamahal sa asawa kaya naman napagpasyahan niyang bumangon na para mainit ang mga niluto niyang handa para sana kay Anton.
Tahimik siyang naglakad pababa ng hagdan ng makita niya ang asawa na nakadapa sa salas at tulog na tulog. Hawak pa nito ang isang bote ng alak na wala ng laman.

Didiretso na sana siya ng kusina ng bigla niyang marinig ang pagtunog ng cellphone at tila may tumatawag kaya agad niya itong inusisa. Hindi siya makalikot sa cellphone ng asawa ngunit tila may nag uutos sa kanya na sagutin iyon.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon