27

626 9 0
                                    

"Oh God, I missed you so much Anton...".ani ng dalaga pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa loob ng bahay. Agad na hinalikan ni Monique ang lalaki habang nagmamadali sa pagtanggal ng suot nitong damit.

"Monique..".mahinang bigkas ni Anton sa pangalan ng dalaga. Iba kasi ang pakiramdam niya ng oras na iyon,magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya lalo na at kamamatay lang ni Martha.

"Just leave it to me".ani ng dalaga habang tinutulak si Anton papasok sa kwarto nito ngunit kapwa sila natigilan ng  mapansin ang pagkakaroon ng mabahong amoy sa loob ng kwarto na tila nabubulok na laman. Idagdag pa ang nagkalat na bubog sa sahig na dulot ng muling pagkabasag ng mga picture frame nilang dalawa.

"What the hell is this?!".nababaghang wika ng dalaga habang dahan dahang lumapit sa kama dahil tigmak iyon ng dugo at nagkalat sa sahig ang mga bubog at punit punit na litrato.

"M-m-monique!!!".nanginginig na tawag ni Anton sa dalaga habang nakatitig sa dingding ng kwarto ng dalaga.

"What?!".angil ng dalaga sa inis dahil nakita na naman niya na nasira na naman ang pinakaiingatan niyang mga litrato.

"Monique!!! Look out". Sigaw ni Anton ng makita nito na unti unti ng gumagapang ang nilalang papalapit kay Monique.

"Oh my God!!". Sigaw ni Monique ng makita ang babaeng dahan dahang lumalapit sa kanya.

"Magbabayad kayo....!!!!".anito habang nanlilisik ang mga mata at dahan dahang lumalapit kina Monique at Anton.

"Martha?!".takot na wika ni Monique habang tila naninigas ang buo niyang katawan dahil sa takot.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sakin!!".galit na galit na wika nito at ng akmang hahawakan na nito ang dalaga ay agad itong nahila ni Anton at agad na kumaripas ng takbo palabas ng bahay na nanginginig at takot na takot. Agad na nakasakay ng kotse ang dalawa at mabilis na pinatakbo ang kotse papalayo sa lugar na iyon.

"Ahhhhhhhhhhhhh!!!!!!". Sigaw ni Martha na galit na galit sa ginawa ng asawa.

"Ginagalit mo talaga ako Anton!!!!! Humanda kayo sakin!! Hindi ko kayo mapapatawad!!!". Wika ni Martha habang lumalakas ang hangin sa buong paligid sanhi ng pagkabasag ng mga babasaging display ni Monique.

*****

Samantala nasa harapan naman ng bahay nila Martha si Genaro para kausapin ang nanay nito tungkol sa nalaman niya. Alam niyang nangako siya kay Martha na wala siyang pagsasabihan ng tungkol sa pagloloko ng asawa nito ngunit kailangan na niyang magsalita para maipakulong si Anton at si Monique. Nakailang katok pa siya sa pintuan bago siya pinagbuksan ng matanda na tila kabado at takot na takot.

"Magandang araw po Tita...Pwede ko po ba kayong makausap??".magalang na aniya sa matanda.

"Ikaw pala Genaro...Anong maipaglilingkod ko sayo?".

"May sasabihin lang po sana akong importante...Pwede po ba??".

"Tungkol saan hijo??".

"Tungkol ho sana kay Martha at sa taong may kaugnayan sa kamatayan niya.".

Nanlalaki ang mga mata ng matanda dahil sa sinabi niya at maya maya pa ay bigla na lang itong napaluha dahil sa sinaoit ng anak.

"Ang kaawa awa kong anak...".mapait na wika nito.

"Pwede ko ho ba kayong makausap ng masinsinan??".muling wika ni Genaro.

Dahil sa pagiging seryoso ni Genaro ay agad na pinapasok ng matanda ang lalaki at agad itong pinaupo sa salas.

"Gusto mo ba ng kape??".

"Wag na ho tita....".aniya ni Genaro habang kinakalkal sa bag nito ang mga ebidensya niya kina Anton.

Dahil sa pagtanggi ng lalaki ay muling naupo si Corazon habang matiim na nakatitig dito. Tulog kasi noon si Martina kaya naman alam niyang hindu nito maririnig ang oag uusapan nila.

"Bago ho namatay si Martha ay nakausao ko pa siya dahil may gusto siyang paimbestigahan sakin...".

"Ha?? Sino??".

"Si Anton ho, dahil simula ng bumalik mula sa isla si Anton ay nag iba na ang pakikitungo nito kay Martha. Madami na ring napapansin si Martha sa asawa niya kaya lumakas ang kutob niya na may babae ito...".

"Mahabaging Diyos.....Kawawa naman ang anak ko...Kaya pala naging malungkutin siya noon..".naluluhang wika ni Corazon.

"Ito ho ang mga larawan na nakuha ko ng subaybayan ko sina Anton at ang katrabaho niyang si Monique. Nakapagbigay na ako ng kopya niyan kay Martha pero may kopya ako...".

"Mga walanghiya..Paano nila nagawa ito sa aking anak???".

"Noong araw na namatay si Martha ay nagawa niya pang tumawag sakin para hingin ang address ni Monique kung saan sila tumutuloy ni Anton pag magkikita sila. Hindi ko alam na pupunta siya roon at yun ang magiging sanhi ng kamatayan niya..".

Napapahagulhol naman si Corazon habang nagkukwento si Genaro. Nakokonsensya siya dahil hindi man lang niya nalaman na naghihirap na pala ang kanyang anak at wala man lang siyang nagawa para tulungan ito.

"Kaso may problema ho tayo ngayon tita..".muling wika ni Genaro.

"Ano???".

"Nagbalik si Martha para maghiganti...Nauna na niyang pinatay si Benjie...".

"Benjie?? Yung kaibigan ni Anton?? Bakit niya papatayin si Benjie?".

"Isa si Benjie sa naging lalaki ni Monique,at base sa pagkamatay niya ay mukhang may kinalaman ito sa pagpatay kay Martha dahil sa mga bubog na nakuha sa pinangyarihan ng krimen.".aniya habang ipinapakita nito ang bangkay ni Benjie at ang mga bubog na nakita sa crime scene.

"Imposibleng magkaroon ng bubog sa bahay nila Benjie dahil wala doong nabasag. Katulad yan ng bubog na nakuha ko sa bahay ko ng isang gabing mapanaginipan ko si Martha na humihingi ng tulong."

"Diyos ko po....".takot na wika ng matanda.

"Malakas ho ang kutob ko na isusunod niya sina Anton at si Monique....Nandiyan ho ba si Anton??".

"Wala...Sinundo siya ni Monique dahil may aasikasuhin daw silang proyekto..".

"Hindi niyo na sila maililigtas.....Nagagalit na si Mama.. Paparusahan niya ang may kasalanan sa kanya.".ani ni Martha na nakatayo sa taas ng hagdan habang kinukusot pa ang nga mata.

"Martina,apo....Anong sinasabi mo??".kilabot na tanung ng matanda.

"Galit na si Mama....Di siya papayag na hindi maparusahan ang taong may kasalanan sa kanya..".ani ni Martina habang bumababa sa hagdan ng mag isa kaya naman agad na tumayo si Corazon para maalalayan ang apo.

"Tita....Mukhang kailangan nating puntahan sina Anton...Nasa panganib sila ngayon..".wika ni Genaro sa matanda pagkakuha nito kay Martina.

Dahil sa sinabi ni Genaro ay mabilis na pumayag si Corazon sa sinabi nito at agad niyang inakay si Martina papalabas upang puntahan ang ama nito na nasa panganib ang buhay.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon