29

1K 23 10
                                    

Agad na inasikaso ng mga nurse sina Anton at Monique at sabay na dinala sa pinakamalapit na ospital. Dinala agad si Monique sa emergency room at sa operating room naman si Anton dahil sa malaking pinsala na natamo nito sa paa. Pinangangambahan na maputol ang dalawang paa nito dahil sa pagkadurog ng mga buto nito.

"Doc,she's losing her heartbeat!". Ani ng nurse ng makitang nag flatline na si Monique. Hinubad nito ang damit ni Monique at pagkatapos ay agad na isinagawa ang cpr ngunit hindi pa rin bumabalik ang pulso ng dalaga.

"Ihanda mo na ang defibrillator.".seryosong wika nito habang sinisipat ang mata ni Monique.

"Ready na doc...".ani ng nurse sa doktor kaya naman wala ng sinayang ang doktor at agad na binigyan ng tamang bilang ng electric shock na kaya ng matawan ng dalaga.

Nakailang ulit na ang doktor sa pag revive sa dalaga ngunit hindi pa rin bumabalik ang pulso nito kaya naman nagpasya na itong tigilan na ang dalaga at tinakpan na ng puting kumot  ang mukha nito.

"Time of death 03:00pm.".ani ng doktor habang nakatingin sa relos nito.

Papaalis na sana ito ng biglang magkaroon ng pulso ang dalaga at huminga ito ng napakalalim na tila ba hinahabol nito ang paghinga.

"Doc,may heartbeat na ang patient!!".sigaw ng nurse sa doktor.

Pagkatapos bumalik ng pulso ni Monique ay agad ng itinuloy ang operasyon sa dalaga at si Anton naman ay tuluyan ng naputulan ng paa.

Ilang linggo pang nanatili si Anton sa ospital at sa tulong ni Corazon ay mayroon pa ring nag alaga dito. Sa kabila ng nagawa ni Anton ay mas pinili pa ring magpatawad ni Corazon alang alang sa anak nitong si Martha at sa apo nito.

Ng makalabas sa ospital si Anton ay nagsimula na sila ng panibagong buhay. Hindi na rin nagsampa pa ng kaso si Corazon kay Monique dahil alam niyang napatawad na ito ng kanyang anak at para makapagsimula na sila ng buhay ng walang bakas ng mapait na nakaraan. At para na rin sa ikakatahimik ng lahat at sa kapanatagan ng kani kanilang mga isip isa isa nilang sinunog lahat ng ebidensya at alaala ng pangit nilang kahapon.

*****

Five Months Later....

"Martina,apo...Halika na rito sa kusina at handa na ang almusal mo....Mauna ka na sa Dada mo dahil baka mamaya pa yun magising ...". Aya ni Corazon sa apo ng matapos itong magluto para sa kanilang agahan.

"Mamitaaaaaaa....".mahinang tawag ni Martina sa lola niya  habang nakatitig sa babaeng nakatayo sa harapan niya.

"Bakit????". Takang tanung ni Corazon habang naglalakad papalabas at labis siyang natigilan ng mapagsino kung sino ang hindi nila inaasahang panauhin.

"Magandang umaga ho....".magalang na bati ng babae habang nakatingin sa maglola.

"Anong ginagawa mo rito??".

"Nagluto po kasi ako ng espesyal na agahan para sainyo at kay Martina...".

"Bakit maman namin kakainin yan??? ".

"Paborito niyo po kasi ang niluto ko...Alam ko ho namimiss niyo ng makatikim nun..".nakangiting sagot nito.

"Umalis ka na dito...Ang kapal ng mukha mong magpunta pa rito matapos mong guluhin ang buhay namin...Pinatawad ka na namin para makapagsimula ka na rin ng sarili mong buhay. Matapos ng lahat ng kasalanan mo eh may gana ka pang magpakita samin Monique?! Wag mong sabihin na manggugulo ka? Umalis ka na.". Asik ni Corazon sabay talikod dito ngunit agad na tumakbo si Monique at agad na yumakap sa matanda  at muling nagsalita.

"Miss na miss na kita.....Mommy...".mahinang bigkas nito ngunit malinaw na malinaw na narinig ni Corazon ang mga katagang iyon.

"Anong s-sabi mo??".tanung ni Corazon ng makawala sa dalaga.

"Kain na po tayo..".pag iiba nito ng usapan at dire diretsong nagtungo sa kusina at inilapag ang lahat ng iniluto nitong pagkain na paborito nila ni Martha at Anton.

"Martina....Halika na,kumain ka na dito .Alam kong namimiss mo na ito...".nakangiting aya nito sa bata.

Ng hindi tumalima ang bata ay agad itong nagtungo kay Martina at kinarga ito.

"Tara na rin po .".ani ng dalaga sabay kiliti sa tagiliran ni Corazon kaya naman natigilan ang matanda.

Tanging si Martha lang ang nakakaalam at nakakagawa nun sa kanya. Paanong nalaman iyon ni Monique???

"Wow....Paborito ko nga po yan...Lagi akong pinagluluto ng ganyan ni Mama ko  ".nakangiting wika ni Martina.

"Hayaan mo...palagi ka na niyang makakatikim magmula ngayon...".nakangiting kindat nito.

"Akyat po muna ako sa taas...Baka gising na si Anton...Tiyak nagugutom na yun..".muling wika ng dalaga habang naiwan si Corazon na tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Bago pumasok sa kwarto ni Anton ay dumaan muna sa banyo si Monique para sipatin ang hitsura nito at kung maayos ba ang damit niya. Ng makuntento ay muli niyang tinitigan ang sarili hanggang sa sumungaw ang napakagandang ngiti sa labi.

"Welcome home....Martha...". Nakangiting wika ni Monique habang tinititigan ang repleksiyon sa salamin na naging si Martha. Ang simpleng maybahay ni Anton at ang mapagmahal na ina ni Martina.

Maya maya pa ay lumabas na ang dalaga at parang walang anumang pumasok sa kwarto ni Anton at agad na iniangat ang kurtina upang makapasok ang sikat ng araw.

"Gising na at tara ng mag almusal.....Luto na ang almusal...Dada...".nangingislap ang mga matang wika ni Monique habang nakatitig sa nagtatakang mukha ng lumpong si Anton.

The End...

Please subscribe to my youtube channel. I will be posting stories there, too! Thank you

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon