19

567 10 0
                                    

Lumipas ang araw at linggo  ngunit nananatiling mailap si Anton kay Martha. Palagi na rin itong late kung umuwi at walang magawa si Martha kung hindi ang ikubli ang lungkot at luha lalo na pag kaharap ang anak. Kinikimkim niya ang lahat sapagkat ayaw niyang malaman ng kahit na sino ang pinagdadaanan niya sa piling ng asawa. Ayaw niyang iaipin ng mga tao na ang perpektong pamilya na meron siya ay unti unti ng nasisira dahil sa anay na unti unting ngumangatngat sa dati matibay na pundasyon nila ni Anton.

Espesyal ang araw na iyon para kay Martha sapagkat araw iyon ng anibersaryo nila ng kabiyak kaya lihim siyang umaasa na sana'y hindi ito nakalimutan ni Anton. Maaga pa lang ay niyakag na niya si Martina na magpunta sa supermarket para mamili ng mga lulutuin niya. Nakaugalian na niyang maghanda tuwing anniversary nila ng asawa at kahit unti unti ng lumalayo sa kanya ang asawa ay nagdesisyon pa rin siyang mag abala para sa simpleng salo salo.

"Alam mo ba anak kung bakit maghahanda ang mama??".nakangiti ngunit may lungkot sa mga matang tanung ni Martha sa anak.

"Hindi po..".

"Ngayon ang anniversary ni Mama at ni Dada..Kaya maghahanda si Mama para icelebrate ang pagiging isa namin ng Dada mo...".

"Wow...Talaga po Mama?".

"Oo anak...kaya tulungan mo ang Mama ha..Wag kang makulit mamaya pag magluluto na ako ha...".

"Opo Mama...".nakangiting sagot ni Martina sa ina habang naglalakad sila patungo sa patungo sa Goldilocks kung saan balak bumili ng cake ni Martha.

****

@Anton's Office...

"Benjie where is Anton??".tanung ni Monique kay Benjie ng makita nitong wala sa opisina ang lalaki.

"Umuwi na yun...Pag ganitong araw,buwan at petsa halfday lang siya lagi..".

"Ha??? Bakit???".

"Wedding anniversary nila ni Martha ngayon....Kaya nakakasiguro ako na papunta na sa dangwa yun oara bilhan ng bulaklak ang asawa niya...".

"Wedding anniversary?!".

"Oo..Every year yan.....Ngapala bakit mo siya hinahanap??".

"May icoconsult sana ako eh..Sige maiwan na kita ako na lang siguro mag isang aalis..".ani ng dalaga habang patakbong lumapit sa elevator at agad na pinindot ang down button.

"Wedding anniversary pala ha?! Tingnan natin kung makakapagsaya kayo!!".sumisigaw na wika ni Monique habang pababa ang elevator. Pagkabukas niyon ay agad niyang tinakbo ang sasakyan at agad iyong pinaharurot palabas ng building habang nanlilisik ang mga mata.

"Hindi kayo makakapagsaya!! Over my dead body!!!!!".hiyaw ni Monique habang inapakan ang silinyador kaya naman biglang humarurot ang sasakyan niya at ng makakita ng puno ay agad niyang ibinangga sa punong naroon.

"Anton...Hellpppp..".ani ni Monique ng sagutin ni Anton ang tawag niya.

"Monique?! Anong nangyari?!".

"Nabangga ako Anton....Help me please..".

"Asan ka??!!". Kabadong tanung ni Anton na nagawa niya pang bitawan ang rosas na ibibigay niya sana kay Martha at agad na tumakbo sa kotse niya at agad na pinasibad papalayo sa lugar na iyon para saklolohan si Monique.

Samantala walang tigil naman sa pagsuntok si Monique sa braso at hita nito hanggang sa magkapasa.
Hindi pa nakuntento ang dalaga at muli nitong inuntog ng inuntog ang sarili hanggang sa magkaron siya ng sugat sa anit at magdugo. Tumigil lang ang ang dalaga ng makita nitong papalapit na si Anton.

"Help me Anton...huhuhuhu...".umiiyak na wika ni Monique ng makitang papalapit sa kanya ang lalaki.

"What happened???".

"I don't know...nawalan ako ng preeno....Help me please ..".umiiyak na wika ng dalaga habang nagpupunas ng dugo sa ulo.

"Oh my God...Dadalhin kita sa ospital...".alalang wika ni Anton sa dalaga.

"No..just take me home Anton...Ayoko sa ospital..".umiiling na wika ng dalaga habang nakahawak sa braso ni Anton.

"May mga sugat ka Monique....Yupi pa yang kotse mo..Dadalhin kita sa ospital..".

"No..Just take me home..Gusto ko ikaw ang mag alaga sakin....Please..wag mo akong iiwan..".

"Pero Monique..".

"Kahit ngayon lang...Sige na naman...naaksidente na ako ohh...Di ka ba nag aalala sakin?".

"Hayyssst...".marahas ang paghingang wika ni Anton habang inaalalayan ang dalaga pababa sa sasakyan nito.

"Paano yang kotse mo??".

"Tumawag na ako kay Benjie....Baka paparating na siya dito...Let's go...Kung pwede sa Marikina tayo umuwi...Please??".pakiusap ng dalaga sa lalaki na kahit nag aalangan ay wala pa rin itong nagawa.

******

@Martha's residence....
03:30am

"Nangingilid ang mga luha ni Martha habang nakatitig sa natutulog na si Martina,parang wala siyang lakas para buhatin ang anak para mailipat ito sa kwarto nito. Nakatulugan na nito ang paghihintay  sa ama dahil gusto nito na siya ang sasalubong sa ama nito. Lumamig na rin ang mga pagkaing inihanda niya ng maaga. Unti unti ng nauupos ang mga kandila at gutom na rin siya pero wala siyang gana. Hinihintay niya si Anton ngunit tila wala itong balak na umuwi.

"Panginoon....Anong kasalanan ko sayo?? Bakit mo ako ginaganito???Masama ba akong anak,ina o asawa??? Bakit mo ako pinabayaan?".humahagulhol na wika ni Martha.

Tulog ang kanyang anak kaya malaya siyang umiyak,walang makakarinig...Walang makakakita..

"Mama....".mahinang boses ni Anton matapos nitong buksan ang pintuan at makita nito ang asawang umiiyak.

"San ka galing??? Tumawag ako kay Benjie pero nag halfday ka lang daw..Bakit ngayon ka lang??".

"Magpapaliwanag ako Ma..".

"Paliwanag?? Ipapaliwanag mo ba sakin na galing ka sa babae mo?!".

"Ma..".lumuluhang wika ni Anton habang unti unting napaupo.

"Oo Anton...Alam ko....Lahat alam ko pero hinayaan kita kasi akala ko magbabago ka...Tuluyan mo na ba kaming kinalimutan? Wala na bang halaga sayo lahat?! Ganun mo ba talaga siya kamahal para makalimot ka sa araw mismo ng anibersaryo ng kasal natin??".mariing sumbat ni Martha sa asawa.

"Im sorry Ma..".lumuluhang wika ni Anton. Ni hindi nito magawang tumitig sa asawa dahil sa labis na awa at pagkapahiya.

"Saan na ba ang dati kong asawa?? Yung asawa kong malambing..yung asawa kong mahal na mahal kami ni Martina...Yung asawa kong matino...Asan na yun Anton..Pwede bang ibalik mo siya?? Pwede bang ibalik mo sakin yung Dada ko....Kasi sobrang nangungulila na ako sa kanya.".humahagulhol na pakiusap ni Martha habang nakaluhod sa asawa na noon ay umiiyak na din.

Labis man siyang magsisi sa nagawa niya ay huli na..labis na niyang nasajtan si Martha.

"Patawad Mama....Patawarin mo ako...".humahagulhol na sagot ni Anton habang sapo ang buong mukha na basang basa na ng luha .

"Dada....Mama....Bakit po kayo umiiyak??".malungkot na tanung ng pupungas  pungas na si Martina.

"Patawarin mo ang Dada anak....Sorry....".paulit ulit na wika ni Anton habang nakaluhod sa harapan ng kanyang mag ina.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon