18

568 9 1
                                    

Ilang oras ding hinayaan ni Genaro si Martha na umiyak ng umiyak dahil alam niyang labis itong nasaktan sa mga nalaman niya. Baka kung siya yun ay maaaring pinaglalamayan na ang dalawa ngayon.

"Genaro....".maikling tawag ni Martha ng kumalma na ito ng bahagya.

"Bakit..".

"Sana walang makaalam ng lahat ng 'to...Ipangako mo sakin na kahit anung mangyari di mo sasabihin kahit kanino ang mga nalaman mo...".

"What do you mean??".

"I will try to fix things up....Mukhang bago pa lang naman sila...Maybe mababawi ko pa ang asawa ko..Ayokong malaman nila na nagloloko ang asawa ko...Ayokong masira si Anton....Kahit ganun ginawa niya samin siya pa rin ang ama ni Martina...Ayokong madamay ang anak ko..".

"What?! Hindi mo sila kakasuhan?!".

"Sana igalang mo ang desisyon ko.. Pamilya ko ang nakasalalay dito...Ayokong masaktan si Martina dahil alam kong siya ang pinakaunang maapektuhan dito..".

"Martha inaabuso ka na ng asawa mo..Iniputan ka sa ulo pero tatanggapin mo pa rin siya??".

"Kung yun ang ikakatahimik ng lahat....Kaya please??? Wala sanang makaalam ng lahat ng ito....Kailangan ko si Anton atvmas kailangan siya ni Martina..".wika ni Martha habang sinasamsam ang mga litrato at maingat na ibinalik sa envelope at maingat na inilagay sa shoulder bag nito.

"Okay..Ikaw bahala...desisyon mo yan eh...Pero sana wag mong kakalimutan yung payo ko...Wag ka masyadong martir Martha dahil hindi ka si Rizal...baka ikamatay mo yan...Ayusin mo na ang sarili mo at ihahatid na kita pauwi..".ani ni Genaro bago nito inilalayan si Martha ng tumayo ito mula sa kinauupuan.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang na nag iisip si Martha at nanatiling walang kibo. Kinailangan pa nitong mag make up para hindi mahalata ang pag iyak nito at ng hindi mausisa ng inang si Corazon.

******

"Hi munchkin..".ngiting ngiting bungad ni Monique kay Anton ng pumasok ito sa opisina ng huli.

"Ssshhhhh..".

"Oh I'm sorry....May sasabihin lang sana ako sayo...".

"What??".

"Well,naisip ko kasi na total okay na tayo...iniisip ko na mag rent ng house away from here..".

"Huh?? For what??".

"For us....hindi safe ang condo ko since alam nila na dun ako nakatira...Gusto ko mayroon tayong private place na tayong dalawa lang ang nakakaalam...Lovenest kumbaga..".

"Do we really need to do that?".

"For your safety of course....If we need some time or we want to be together my place tayo na malaya tayong dalawa away from other people na nakakakilala satin..".

"And???".

"Gusto ko kasing mangyari yung katulad noong nasa isla tayo..Tayong dalawa lang at walang isipin na ibang tao na makakakita sakin..Don't worry ako ang maghahanap..Sasabihin ko na lang sayo pag meron na okay?".ani ng dalaga sabay kindat kay Anton.

"Okay..You won..Sige na bumalik ka na sa opisina mo baka may masabi pa satin mga ka officemates natin..".natatawang taboy ni Anton sa dalaga na agad naman niton sinunod ng nakangiti.

Pailing iling na lang si Anton habang tinititigan si Monique na naglalakad palabas. Hindi niya sukat akalain na sa isang iglap mapapaamo siya nito. Awa nga ba ang nararamdaman niya para sa dalaga? Bakit hindi niya ito matiis???

****

"Mommy dito na po ako..".matamlay na bungad ni Martha pagdating niya sa bahay. Hindi na pumasok si Genaro dahil may pupuntahan pa daw itong kaibigan kaya hindi na niya ito pinilit pumasok.

"Para namang ginahasa ka sa ayos mong yan Martha..nag gym ka lang naman..".kantiyaw ni Corazon sa anak.

"Masakit nga katawan ko Mommy eh..Pwede bang ikaw muna bahala kay Martina? Para akong lalagnatin eh.. Pahinga muna ako sa kwarto..".aniya bago niya tinalikuran ang ina at tahimik na naglakad paakyat.

"At Mommy..Please wag mong sabihin kay Anton na umalis ako...remember secret natin to ha".aniya bago siya pumasok sa kwarto at dun muling pinakawalan ang luha na kanina niya pa pinipigil na kumawala.

Nais niyang umiyak sa balikat ng ina pero alam niyang magkakagulo pag nalaman nito ang totoo. Kaya naman itatago niya ang sekreto ng asawa at kakausapin niya si Anton ng masinsinan kapag nagkaron siya ng lakas ng loob na harapin ang asawa.

******

Samantala abala naman sa paghahanap ng marerentahang bahay si Monique para sa kanila ni Anton,desidido siyang magkaroon ng ligtas na masusulingan na malayo sa mga matang mapanuri at mapanghusga. Gusto niyang masolo si Anton ng sa ganun ay magawa niya ang lahat ng gusto niya at tuluyan itong maagaw sa sarili nitong asawa. Lalo na ngayon na pumayag na ito na magkaron sila ng ugnayan kahit na palihim lang. Mas okay na yun sa kanya kesa sa iniiwasan siya nito na parang hindi siya kilala,pasasaan ba at makukuha din niya si Anton at yun ang sisiguraduhin niya.

Pauwi na si Anton ng biglang tumawag sa kanya si Monique at sinabi nitong may nakita na itong  bagong bahay na pansamantala nilang magiging kanlungan sa Marikina. Inaya nito si Anton na puntahan iyon para makita nito at para matigil sa pangungulit. Maaga pa naman kaya sumama na lang siya sa dalaga.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay palihim pa din silang sinusundan ni Genaro. Nangako kasi itong bibigyan niya ng parusa ang dalawa kahit ayaw pa ni Martha.

"Sige lang pare..Ang kapal ng mukha mong magpakasaya samantalang si Martha umiiyak. Pagsisisihan niyong dalawa yan..".galit na galit na wika ni Genaro ng makita nito ang magkasunod na pag alis ng dalawa.
Namalayan na lang niya ang sarili na tahimik na sinusundan ang dalawang taksil patungo sa tagpuan ng mga ito.

******

Hindi na lumabas para maghapunan si Martha nagbilin na lang siya sa ina na pakainin nito si Martina dahil wala siyang ganang kumain. Bagay na sinunod naman agad ni Corazon para makapagpahinga ang anak.

"Siyangapala anak,tumawag si Anton..may meeting ata kaya baka malate ng uwi...Kain na kami ni Martina ha..".

"Sige po Mommy..".sagot niya sa ina bago ito lumabas ng kwarto niya. Napakagat labi na lang si Martha dahil sa katotohanang baka magkasama ang dalawa at kapwa nagsasaya,samantalang siya ay durog na durog at di alam kung makakaya niya pang mabuhay kung mawawala ang kanyang mahal na asawa.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon