22

600 13 0
                                    

Iyak ng iyak sina Martina at Corazon ng maiuwi ang bangkay ni Martha sa bahay nila para maiburol ng ilang araw bago mailibing,samantalang si Anton ay naging tahimik at halos hindi makausap dahil sa nangyari sa asawa. Hiniling din nito na wag munang mag imbestiga ang mga pulis upang mabigyang daan ang pagluluksa ng buong pamilya.. Lahat ng katrabaho ni Anton ay nagpunta sa unang lamay ni Martha at kahat ng ito ay nagpahatid ng pakikiramay. Si Monique naman ay mas piniling magpunta sa lamay upang damayan si Anton. Ngunit hindi nito maitatanggi na masaya ito sa pagpanaw ni Martha dahil alam nitong masosolo na niya si Anton at wala na silang magiging problema pa.

"Grabe yung nangyari sa asawa ni Pareng Anton nuh...Pero ang sabi baka daw personal na kagalit ang may gawa kasi hindi talaga siya bubuhayin sa dami ng saksak eh..".ani ng isa sa mga katrabaho nila habang nakaupo sa sulok.

"Oo nga eh .Sayang napakabait at napakamaasikaso pa naman niyan ni Martha...Nawalan na tuloy ng ilaw ng tahanan ang bahay na ito...Tingnan mo yung anak nila nakakaawa ayaw umalis sa tabi ng kabaong ng ina.".sambit naman ng isa.

"Dami na kasi halang na kaluluwa ngayon...Parang lamok na lang kung pumatay ng tao pero alam niyo hindi natutulog ang Diyos..Andiyan lang ang karma at kung sino man ang gumawa nun ay tiyak na makakarma". Bulong naman ng isa.

"Nahuli na ba ang may gawa o may lead na ang mga pulis???".

"Sa ngayon wala pa daw eh...Ang sabi pinahinto daw saglit ni Anton ang imbestigasyon bilang paggalang daw sa burol ni Martha...Hindi na rin naman ata makausap ang nanay ni Martha kaya di pa alam kung magpapaimbestiga pa ba o hindi na..".

"Bulungan kayo ng bulungan diyan.di na kayo naawa sa patay para kayong mga tsismosa sa kanto na walang patawad. Magsitigil nga kayo!".asik ni Benjie sa mga kasamahan bago ito tumayo sa sikya par lapitan ang kaibigang si Anton na tahimik lang na nakaupo sa sulok.

"Pare....Condolence nga pala...Napakaaga pa ni Martinang maulila sa ina.".malungkot na wika Benjie sa kaibigan habang hinahaplos ang balikat nito ngunit nananatiling walang kibo ang kaibigan.

"Aalis na din ako maya maya pare..May pasok pa bukas eh,balik na lang ako dito ulit...Silipin ko lang si Martha...".ani ni Benjie bago marahang naglakad papalapit sa bangkay ni Martha at pasimpleng sinilip ito.

Kahit hanggang sa kamatayan ay napakaamo pa rin ng mukha nito at tila natutulog lamang kaya mariin niya itong tinitigan ng bigla itong dumilat at tumitig sa kanya ng masama kaya naman napasigaw si Benjie habang nagtatakbo paalis.

"Anong nangyari dun??".takang tanung ni Monique habang sinusundan ng tingin si Benjie na nagmamadali sa pagsakay sa kotse nito at agad iyong pinaharurot palayo sa lugar ng nanginginig  pa rin sa takot. Mag isa pa naman siya sa bahay  niya dahil wala si Vergie dahil nasa galaan na naman ito.

Anton pwede ka bang makausap..".mahinang wika ni Monique sa lalaki ngunit tila wala itong narinig o nakita.

"I hope pwede nating pag usapan  kung anung meron tayo...".makulit na  tanung ni Monique.

"Pwede ba Monique?! Irespeto mo naman ang asawa ko...?!".paasik na wika ni Anton habang marahas na tinabig ang kamay ng dalaga.

"A-anton..".mangiyak ngiyak na sagor ni Monique.

"Wag kang bastos Monique ...Burol ito ng asawa ko!!!"madiing wika ni Anton bago nito iniwanan ang dalaga na mangiyak ngiyak dahil sa biglaang pagsusungit ni Anton.

*****

Pagkauwi niya ay  agad niyang tinawagan ang kasintahan habang papasok na sa loob ng bahay ngunit hindi ito sumasagot kaya naupo muna siya saglit sa sofa habang busy sa pagkalikot ng cellphone ng bigla siyang makakita ng anino mula sa pheriperal vission niya na dumaan sa tabi niya at paakyat sa hagdan.

"Hon....Dito ka ba??".kabadong tanung ni Benjie ngunit nakakabinging katahimikan lang ang bumabalot sa buong paligid na animo nasa loob siya ng isang kahon. Maya maya pa ay may narinig siyang tila tumutulo sa sahig kaya naman dahan dahan siyang humakbang papalapit sa hagdan habang napakalakas ng kabog ng dibdib niya.

"H-hon??".nauutal niyang wika ng makita niya ang napakadaming dugo na nagkalat sa sahig patungo sa hagdan.

"Hon?? Ikaw ba yan???".takot na tanung ni Benjie habang unti unting sinisilip ang nakita niyang papaakyat na babae.

Halos mahigit niya ang hininga niya ng makita niya ang napakaraming dugo na umaagos sa katawan nito at malayang tumutulo sa katawan nito.

"S-sino ka??".nginig ang buong katawan na tanung ni Benjie sa babae kaya bigla itong tumigil sa paglalakad.

"Sino ka sabi?!".ngatal ang katawan na muling tanung ni Benjie habang lumalapit rito.

"Sino ka?!".malakas na sigaw sabay hatak sa balikat nito ngunit nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mukha nito.

Nalilisik ang  mga mata na nakatitig sa kanya habang malayang tumutulo ang dugo nito mula sa bibig.

"Aaaaahhhhh!!!!!!!".malakas na sigaw ni Benjie ngunit agad itong sinakal ng babae hanggang sa puro puti na ang makita mata ng binata at bahagya ng nakalawit ang dila.

Ng makitang nangitim na ang buong katawan nito ay agad nitong binitawan ang binata at dire diretsong nahulog sa hagdan kasabay ng malakas na pagkabagok ng ulo nito dahilan upang mabasag ang bungo nito.

Ng masiyahan ang nilalang ay unti unti itong lumisan sa bahay na iyon at naiwan ang walang buhay na katawan ni Benjie habang umaagos ang napakalapot nitong dugo.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon