Hindi mawala sa isipan ni Martha ang litrato ng babaeng ipinakita ni Benjie sa kanya kaya naman kahit pagabi na ay pilit pa rin nitong inuukupa ang kamalayan niya. Kapansin pansin kasi ang kasexyhan nito at kagandahan na kung itatabi siya ay tiyak na magmumukha siyang matanda. Una dahil mataba siya,pangalawa ay di siya marunong mag ayos ng sarili.
"Tigilan mo yang kakaisip mo ng hindi maganda Martha..hindi ganyan ang asawa mo...".sawata niya sa sarili habang pailing iling.
"May problema ba anak??".tanung sa kanya ng inang si Corazon.
"Wala naman po Mommy....Medyo masakit lang ang ulo ko...".
"Aba inuman mo na yan ng gamot..Mas maiigi na yang agapan mo ng hindi na lumala..".payo sa kanya ng ina.
"Opo Mommy...".nakangiting wika niya rito bago siya nito tinalikuran ngunit pasimple niya itong hinabol at agad na kiniliti sa tagiliran. Malakas kasi ang kiliti ng ina niya sa gawing iyon kaya madalas niya itong kinikiliti.
"Naku namang bata ka...Tigilan mo yan Martha para ka na namang bata ako na naman napagdiskitahan mo ha..".saway sa kanya ng ina habang unti unting lumalayo sa kanya.
"Ito naman...naglalambing lang eh..".
"Naglalambing o may bumabagabag sayo?? Kilala kita anak...May problema ba??".
"Ito talaga si Mommy masyado kang paranoid...Kiniliti ka lang may problema gad..di ba pwedeng naglalambing lang?".pabirong sagot niya sa ina na ikinahalakhak nito.
"Ewan ko sayo Martha...Akyat na ako sa taas at baka hinahanap na ako ng apo ko..".
Marahang tango lang ang isinagot niya sa ina bago ito naglakad papalayo sa kanya.
Wala siyang balak na sabihin sa kanyang ina ang bumabagabag sa kanya lalo pa at pamilya na niya ang pinag uusapan. Hindi niya nais na makaladkad sa kahihiyan ang pamilyang matagal na niyang pinakaiingatan."Tigilan mo yang iniisip mo Martha...Relax...Breathe and smile....Mahal ako ng asawa ko...At hindi siya titingin sa ibang babae.".mahinang wika niya bago itinuloy ang pagluluto ng hapunan nila.
Kailangan niyang kumalma para hindi siya mag isip masyado ng ikababahala niya lalo pa at malayo ang asawa niya sa kanya. Hindi makakatulong kung magiging paranoid siya basta basta.
******
"Hi Anton....Saan ka galing??".nakangiting tanung ni Monique ng makita ang lalaki na nakahubad baro at may dala dalang sariwang isda na nakatusok pa sa patulis na bakal.
"Nag fishing ...nagtry lang kung makakahuli ako..Swerte naman at nakakuha ng apat na piraso.. Ihawin na lang natin para mas madali..".nakangiting sagot ni Anton habang nagpupunas ng katawan.
Kaagad na tumalikod si Monique kay Anton ng maramdaman nito ang mabilis na pagtibok ng puso dahil sa nakitang hubad na katawan ng lalaking kasama niya. Kailangan niyang pigilan ang sarili niya dahil baka madala na si Anton at bigla itong umuwi.
"Hanap muna ako ng kalamansi sa paligid...Baka sakaling may makita ako..".paalam niya kay Anton at tuloy tuloy na naglakaf ng mabilis papalayo rito.
Samantala nagtataka naman si Anton sa inasal ng dalaga dahil parang bigla itong umiwas sa kanya,gayunpaman ipinagwalangbahala na lang niya iyon dahil gumawa na lang siya ng siga para makapag ihaw na.
Ilang minuto ding nawala si Monique at ng bumalik ito ay may dala ng kalamansi at hinog na papaya.
"Kitam,kalamansi lang ang hanap ko may bonus pang papaya..hahahahhaa...".natatawang wika ni Monique ng ipakita kay Anton ang dala dala niya.
"Ayos yan para may panghimagas naman tayo...Nakaluto na ako,maghugas ka na ng kamay at ng makakain na tayo habang may liwanag pa..Kesa sa madilim na kahit may gasera para pa din tayong nangangapa..".ani ni Anton habang iniaabot kay Monique ang dahon ng saging na pinadaan niya sa apoy para lumabas ang bango nito at maging matibay.
BINABASA MO ANG
Martha's Revenge(COMPLETED)
HorrorHell hath no fury like a woman scorned lalo na kapag pinatay mo siya.