Sais

634 13 0
                                    

Tahimik na nakasandal sa headboard ng kama si Anton habang nag iisip ng malalim. Bagay na napansin ni Martha kaya naman agad niyang nilapitan ang asawa at malambing itong kinausap.

"May problema ba Dada?".nakangiting tanung ni Martha sa asawa.

"Wala naman ma..May offer lang sakin ang isa sa mga katrabaho ko..".

"Then..".

"Nagdadalawang isip akong kunin...Bukod sa malayo dito sa Manila madami din akong tambak na project....Kaya lang...".

"Kaya lang ay ano??".

"Well kung susunggaban ko yun may chance na maging suki na namin siya here and abroad..May chance na pwede kaming makilala internationally since foreigner ang ka transact namin ngayon...".

"So,what are you waiting for Dada???".

"Ehh..malayo kasi yun Ma..Kasi kailangan namin yung puntahan para makita mismo ang lugar..".

"Then,go....".

"Ehhh...malalayo ako sainyo ni Martina...Alam mo naman na bihira lang ako tumanggap ng ganitong project na sobrang  layo..".

"Diyos ko naman 'tong asawa ko na 'to...Para ka namang bata...Ano ka ba..Okay lang kami ng anak mo...Big girl na si Martina and kayang kaya kong ihandle ang  bahay natin,na kaming dalawa lang..Safe naman kami ng anak mo dito..Or if you want we can invite Mamita here para panatag ka..".

"Mamimiss ko kayo ni baby eh..".

"Ano ka ba?? Hahahaha...Anong ginagawa ng cellphone para hindi tayo mag usap palagi?".natatawang wika ni Martha sa asawa.

"Para mo naman akong pinagtatabuyan Mama....".nakasimangot na anas ni Anton.

"Hahahahah,I'm not...Kung para naman sa future ng anak natin yan bakit natin papalampasin Dada...Yung ilang araw na sakripisyo mo ay katumbas ng secured na kinabukasan ni Martina...Besides you're really great doing that stuff I'm sure magugustuhan yan ng boss niyo..Baka yan na ang chance mo..".mahabang paliwanag ni Martina sa asawa.

"Oo na...Tatanggapin na...Kiss mo nga ako Mama..".paglalambing ni Anton sa asawa habang nakalingkis ang malalaki nitong hita sa hita ni Martha.

Natatawang hinalikan ni Martha ang asawa na ubod ng lambing.

"Papaano tayo magkakababy number two niyan eh aalis ako...".mahinang ani ni Anton habang nakasubsob sa leeg ng asawa.

"Problema ba yun?? Di pagbalik mo.".nakangiting sagot ni Martha habang hinahaplos ng marahan ang buhok ng asawa hanggang sa marinig niya ang unti unti nitong paghilik. Alam niya na agad ng nakatulog ang asawa habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya ay mahigpit na nakayapos. Ganun palagi si Anton kapag natutulog sila kaya naman minsan nangangalay siya pero ayos lang dahil asawa naman niya iyon at isa iyon sa mga lambing ni Anton na pinakagusto niya.

Kinabukasan ay maagang bumangon si Martha para ipagluto ng almusal ang asawa at baon na rin nito. Tamang tama dahil tulog na tulog pa rin si Martina kaya naman wala pang istorbo sa pagkilos niya.
Matapos maprepare ang lahat ng pagkain ay agad siyang umakyat sa kwarto nila para ihanda ang isusuot ng asawa at mga gamit nito. Ng maiayos na ang lahat ay agad niyang ginising ang asawa para makaligo na at makapaghanda.

Saktong naipagtimpla na niya ng kape  ang asawa ng magising si Martina na umiiyak.

"Kain ka lang Dada..Puntahan  ko muna ang anak mo at baka kailangan ng dede..".nakangiting paalam niya sa asawa na abala sa pagkain kaya naman simpleng tango lang ang naisagot nito.

Pagsapit niya sa kwarto ng anak ay agad niya itong ipinagtimpla ng gatas at agad na ibinigay dito at agad naman itong tumahimik.

"Good morning mahal ko....Asikasuhin muna ni Mama si Dada ha...Babalik ako agad...".nakangiting wika niya sa anak bago lumabas sa kwarto nito.

Sa edad na limang taong gulang ay nakahiwalay na sa kwarto si Martina dahil maaga nila itong tinuruan na matutong matulog ng mag isa sa kwarto para maiwasan ang pagiging matatakutin nito. Bagay na agad namang nakasanayan ng anak nila lalo na at magkatabi lang ang kwarto ni Martina sa kwarto nilang mag asawa. Kaya naman sa isang iyak lang ni Martina ay agad ailang napapatakbo sa kwarto nito.

"Alis na ako Ma ..Mag iingat kayo ni Martina dito ha...Kakausapin ko na din yong katrabaho ko at sasabihin kung payag na ako..".

"Good to hear that Dada...Mag iingat ka sa pagmamaneho ha...I love you..".ani sa asawa bago ito hinalikan sa labi kaya naman niyakap siya nito ng mahigpit.

"I love you more and more and more Mama....".ani ni Anton habang pinupupog ng munting halik sa pisngi si Martha na napapahagikhik na lang.

"Sige na...baka matrapik ka pa..".ani ni Martha habang hila hila ang asawa palabas ng bahay nila.

Kumaway pa si Anton bago ito tuluyang umalis para magtrabaho kaya naman dali dali siyang pumasok sa bahay para iligpit ang pinagkainan ng asawa habang tulog pa ang anak niya

Pagkatapos maghugas ng pinggan ay agad niyang kinuha ang mga labahin para simulan na ang pagbababad,at kagaya ng nakagawian ay muli niyang inamoy amoy ang mga polo shirt ng asawa at talaga namang napapangiti siya kapag nalalanghap ang amoy niyon.

Minsan na sjyang nahuli ni Anton na ginagawa yun kaya naman inasar siya nito ng inasar na baka daw pati brief nito ay inaamoy amoy din niya bagay na itinanggi niya sa asawa pero totoong pati ang undies nito ay inaamoy niya rin paminsan minsan.

*****

"Count me in..".nakangiting wika ni Anton kay Monique ng sadyain niya ito sa opisina nito pagkadating niya sa opisina nila.

"That's great!!! Thank you Mr. Aldana...Ngayon na pumayag ka na maybe pwede ko ng iset kung anong araw tayo pwedeng bumisita sa isla??".

"Yah,sure...".ani ni Anton sa dalaga.

"Ohh I'm sorry...Nakalimutan na kitang ipagtimpla ng kape..Wait..".

"No need...nagkape na ako sa bahay....napadaan lang ako para sabihin na payag na akong makipag partner sayo..Balik na din ako sa office ko.. Have a good day Miss. Peralejo..".

"Sure I will...".maluwang ang pagkakangiting sagot ng dalaga dito.

Sino ba naman ang di matutuwa kapag naiisip mo na pwede mong masolo ang lalaking hinahangaan mo sa isang isla??

Ng mga oras na iyon ay agad na gumana ang isipan ng dalaga para sa mga gagawing hakbang para makuha ang loob ni Anton.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon