25

634 14 0
                                    

Nagpupuyos ang kalooban ni Monique habang nagmamaneho patungo sa bahay ni Anton. Hindi pa rin kasi ito pumapasok sa opisina kaya nawalan na rin siya ng ganang magtrabaho. Kaya naman nagdesisyon siyang puntahan ito sa bahay nito para personal na kausapin tungkol sa kanilang dalawa. Noong buhay pa si Martha ay pinagpaplanuhan na nilang makipaghiwalay ito kapag nakasilip ng pagkakataon. At ngayon na patay na si Martha ay nakakatiyak siya na mapapasakanya na ng tuluyan si Anton at magsasama sila ng masaya kasama si Martina.

Habang nagmamaneho ay biglang nagbalik sa alaala niya ang nangyari ng umagang yun na hinding hindi niya malilimutan......

♡ flasback....♡

Masayang masaya siya ng araw na iyon dahil naramdaman niya ang pag aalaga sa kanya ni Anton ng gabing iyon kasehadong hindi ito nakauwi ng maaga para mag celebrate ng anniversary nila ni Martha kaya naman nagprepara ng almusal nilang dalawa. Naihanda na niya lahat ng kakailanganin niya ng biglang tumawag sa kanya si Benjie upang sabihin sa kanya na napaayos na nito ang kotse niya at kung saan nito ihahatid bago sila pumasok sa trabaho.

"Pwede bang sayo muna yan Benjie?? Busy ako ngayon eh..".

"Hindi pwede eh papasok na ako sa trabaho....Walang mag aasikaso nito..".

"Oo na pupuntahan na kita ??".iritableng tanung niya habang nagtatanggal ng apron.

"Sige antayin kita ha..Saka namimiss na din kita eh....Gusto kitang makita..".

"Sige na,txt mo sakin address mo pupuntahan kita...".aniya sa binata bago ibinaba ang cellphone para puntahan ito at para kunin ang kotse niya total wala pa naman si Anton.

****

"Miss na miss na kita..Ayos ka lang ba??".sabik na yakap ni Benjie kay Monique ng makalapit si Monique dito.

"Asan na kotse ko??".malamig na tanung ng dalaga.

"Nasa talyer pa....Sinabi ko lang yun dahil gusto kitang makita...nag aalala kasi ako sayo...".

"Nagsinungaling ka sakin?!".

"Pasensya na Monique....Gusto talaga kitang makita eh..".

"Walanghiya ka..Iistorbohin mo lang ako dahil sa kaartehan mo?!".gigil na wika ni Monique.

"Pasensya na....".hiyang turan ng binata.

"Magmula ngayon Benjie ayaw na kitang makausap,naiintindihan mo?!".paasik na wika ng dalaga baho ito nagmamadaling pumara ng taxi para bumalik sa kanilang bahay.

"Letse tong lalaking to masyadong papansin...kainis...".aniya habang nakasimangot.

Lingid sa kaalaman ng dalaga ay sinundan ito ni Benjie upang amuin ang dalaga at humingi ng sorry dahil sa pagsisinungaling niya dahil ayaw niyang magalit  ito sa kanya ng tuluyan.

Pagkababa ng taxi ni Monique  ay dire diretso siyang naglakad papunta sa kanilang bahay nang bigla siyang makarinig ng nag uusap at nag iiyakan kaya naman pasimple siyang sumilip sa bintana at kaagad na nagdilim ang paningin niya ng makita si Martha na sinisira ang mga larawan nila ni Anton.

"Aba anong ginagawa mo ditong babae ka?!".nanggagalaiti g wika niya habang nakatingin dito.  Bigla siyang natigilan ng makita niyang itinulak ni Martha si Anton at tumama ang ulo nito at nagdugo,sa sobrang galit niya ay dahan dahan siyang pumasok sa back door at agad na hinawakan ng mahigpit ang kutsilyo at dahan dahang nilapitan si Martha.

"Dada....Im sorry.....".naiiyak na wika ni Martha habang pinipilit nitong punasan ang dugo na umaagos sa ulo ng asawa.

"Bitawan mo muna ako please??".nakapikit na wika ni Anton sa asawa kaya naman hindi nito nakita na nakatayo na si Monique sa likuran ng asawa at agad na iniumang ang kutsilyo sa likuran ng asawa.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon