Tres

744 15 0
                                    

Abala sa mga paper works si Anton ng biglang pumasok sa opisina niya ang matalik na kaibigan at katrabahong si Benjie na ngiting ngiti.

"Oh pare,anong meron at para kang tumama sa lotto?".natatawang bati niya sa kaibigan.

"Pare,nakita mo na ba yung bago nating makakatrabaho??? Sa tapat lang ng opisina mo ang magiging opisina niya pare..".nanlalaki ang mga matang sagot nito sa kanya.

"Dios ko pare...Umandar na naman yang pagiging chickboy mo alalahanin mo pare ikakasal ka na..hahahaha!!".

"Well wala naman si Vergie dito at next month pa ang uwi,hahaha!!".

"Hay naku,ito pare advise ko lang sayo ha....Masarap ang may buong pamilya. Masarap yung mayroon kang asawa at anak na madadatnan sa bahay..nakakatanggal ng pagod,kaya ikaw mag seryoso ka na lalo na at di ka na pabata..Look at me,I am contented and super happy.".

"Pare iba ka at iba ako..Saka isa pa..swerte mo ngang talaga kay Martha,napakabait at napakaalaga...Si Vergie naman ay kabaliktaran ng asawa mo,masyadong sosyal at mukhang di mapipirmi sa bahay at palaging nasa galaan.".

"Pero sa kabila niyon ay papakasalan mo pa din..Iba talaga ang nagagawa ng love pare,masyadong makapangyarihan..".

"Lintek kasing pag ibig yan pare eh..hahaha,bueno mabalik tayo sa bago nating ka officemate,balita ko ipapakilala siya maya maya ni big boss..".

"Naku pare...Ayusin mo yang ngisi mo at hindi ko gusto...dun ka na nga sa labas at may ginagawa ako,istorbo ka..".birong taboy niya sa kaibigan kaya naman tatawa tawa itong naglakad palapit sa pinto.

"Basta pare,makikita mo na lang mamaya....Baka pati ikaw mapanganga at bigla mo na lang gustuhin na tumikim ng bagong putahe..".

"A big NO pare....I am happy and contented with Martha...She's my everything pare...I'm not gonna trade my wife for somebody whom I barely knew..Besides I'm too old for that..".

"Well let's see..Alis na ako..".anito sabay kindat sa kanya bago lumabas ng tuluyan.

Napapangiti na lang si Anton sa kaibigan na sa kabila ng nalalapit nitong kasal ay nagagawa pang tumingin sa iba. Bagay na alam na alam niyang hindi niya magagawa dahil labis niyang mahal ang kanyang mag ina at hindi niya hahayaan na may magkawatak watak sila.

****

Naging abala at subsob sa trabaho si Anton kaya naman hindi niya namalayan ang pagdaloy ng oras at oras na naman pala ng uwian. Nalimutan niya na rin ang napagkwentuhan nila ng kaibigan at naalala niya lang ng ipatawag sila ng big boss nila at may ipapakilala daw,hinuha niya ay yun na ang babaeng tinutukoy ng kaibigan kaya naman nagkibit balikat na lang siya. Hindi naman importante sa kanya iyon dahil simula ng ikasal sila ni Martha ay hindi na siya nagkainteres pa sa ibang babae. Para sa kanya,perfect na si Martha at walang makakapantay o makakahigit sa kanyang asawa.

"Tara na pare..pormal na daw na ipapakilala ni Big boss yung bago nating katrabaho..".ani ni Benjie sa kanya ng nakasalubong niya ito sa daan.

"Ito na nga pupunta na..masyado kang atat pare hahaha".natatawang sabi niya rito.

"Ubod kasi ng ganda pare...Promise pag nakita mo yun sinasabi ko sayo na mapapanganga ka talaga.".nakangising wika nito.

"Hay naku...ewan ko sayo pare,tara na nga...".aniya sa kaibigan at mabilis na naglakad patungo sa conference room kung saan naroon na ang iba nilang mga kasamahan.

Pagbukas pa lang nila ng pinto ay agad na bumulaga sa kanila ang umoukan ng mga kalalakihan at kababaihan na nagtatawanan at nagbibiruan.

"Oh dito na pala sina Anton at Benjie eh...Kumoleto na tayo..".biro ng isa nilang katrabaho.

"Siguro alam niyo na kung bakit kayo nandito lahat. Guato ko sanang iwelcome natin si Miss Monique Peralejo ang isa sa magiging kasama natin dito sa opisina magmula ngayon..".nakangiting wika ng big boss nila na si  Mr. De Vera.

Dahan dahan namang tumayo ang isang babae na tingin niya ay nasa 5'2 ang tangkad,straight at ubod ng kintab na buhok nito na abot bewang. Nakasuot ng hapit na hapit na damit kaya naman kapansin pansin ang napakaliit nitong bewang.Kung wala pa itong suot na blazer ay baka kitang kita din ang makinis nitong balikat,morena ang dalaga kaya naman bagay na bagay sa hugis puso nitong mukha ang mapipilantik na mga pilik mata,matangos na ilong at manipis na mga labi.

"See pare,I told you...She's a goddess...mahinang bulong ni Benjie sa kanya ng mapansin nito ang mataman niyang pagtitig sa dalaga.

"Well,she's pretty..".pag sang ayon niya sa kaibigan.

"And sexy pare.. See that curves??".palatak ng binata.

"Tigilan mo yan pare,isumbong kita kay Vergie..".pananakot niya dito.

Bahagya siya nitong kinalabit ng makita nitong papalapit sa kanila ang dalaga para makipagkamay.

"Hello there...Monique Peralejo nga pala...".nakangiting wika ng dalaga sabay lahad ng kamay nito kay Anton para makipagkamay at agad naman itong iniabot ni Anton.

Sa pagkakadaop ng palad nila ay agad na naramdaman ni Anton ang mainit at napakalambot na kamay nito na animo'y bulak sa kalambutan.

"Anton...Anton Aldana..".mahinang bigkas niya sa dalaga habang nakatitig sa magandang mata nito na tila nangungusap habang nakatitig sa kanya.

"Nice to meet you Anton...I am hoping that we could be friends?? ".nakangiting ani nito.

"Of course..No problem".aniya sa dalaga habang hawak hawak pa rin ang palad nito.

"Ehem.....Benjie ngapala...".biglang sabat ni Benjie sa kanila ng mapansin nito na parang naiitsapwera na.

"Oh hi Benjie....I'm Monique..".ani ng dalaga habang ito naman ang kinakamayan ngunit nananatiling nakatitig pa rin kay Anton na tila may ibig ipahiwatig.

"Nice to meet you..".ani ni Benjie  habang pilit na kinukuha ang atensyon ng magandang kaopisina.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon